CHASTITY'S POV
Grr!!! nakakainis talaga!!
Lahat ng madaanan kong vase, binabasag ko. Wala akong pakielam kung gaano kamahal at katanda na ang vase na iyon. Naririnig ko sila nagkakagulo. Nakarating ako ng kwarto ko ng hindi ko na namalayan. Sa sobrang inis ko binato ko ng stiletto ko ang life-size mirror na nasa dressing room ko.
Nahiga na lang ako at naiyak.
Ganoon na ba talaga ako kapasaway?
Binalikan ko ang mga nangyari sa buong maghapon ko. Walang magandang nangyari maliban sa pang- aasar ko kay Amity.
Kitang - kita ko kasi ang pagkaasar niya.
Nakaisip ako ng idea.
" Hanapin mo kung saan naandun si Amity at alamin mo kung ano at kung saan siya nagpupunta okay? kailangan ko ng sagot this week. "
Napangiti na naman ako.
Humanda ka sa akin, Amity Smith.
Nahiga na ulit ako ng bumalik sa alaala ko na grounded nga pala ako mula bukas. Tch.
----------------------------------------------
Dir. LEDESMA'S POV
7.30 am
" Si Chastity? "
" Natutulog pa po, Director. " sagot ni Manager Jang.
" Gisingin mo. Sabay kaming mag-aalmusal. "
" Hindi na ako kailangang gisingin. " nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita.
Tahimik itong kumain.
Pinakikiramdaman ko siya.
Nakikiramdam din siya sa akin.
" Aalis ako ngayong araw Chastity. Pupunta ako sa kompanya. Maiiwan ka dito. Alam kong terror ka pagdating sa mga katulong dito. Kung ayaw mong madagdagan ang parusa ko sa'yo, magbehave ka dito. Nagkakaintindihan ba tayo? "
Tango lang ang nakuha kong sagot sa kanya.
Mga bata talaga ngayon, napakahirap intindihin.
*sigh*
