Two

8 4 0
                                    

Sorry natagalan ang UD.

Aria POV

I am sipping my coffee while looking outside my window. Tatlong linggo na simula nung nagkitakita kami sa bahay nina Kenneth, hindi na kami nagkita pagkatapos nun, kahit si Michiko hindi ko nakikita na dumadaan dito.

I was busy watching the street nang bigla na lang may pumasok sa na premonition sa utak ko. Sa aking pagmamadali ay nabitawan ko ang hawak kong cup at inabot ang sketch pad ko. Hinayaan kong maguhit ng aking kamay ang nakikita ko.

Huminga ako ng malalim matapos ang mga scene na nakita at sinuri ko ang aking ginuhit.

"Oh no! Hindi magada toh!" agad na kinuha ko ang maliit na backpack at pinasok ang sketch pad sa loob. Agad kong isinara ang pinto at halos lumipad na ako sa pagmamadali. Wala na akong paki kung  may nababangga ako ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtakbo ng may humarang sa akin, "why are you running fast?". I look at Michiko at marahang pumikit.

"I need you. Pumunta tayo sa snack house nina Kenneth. Something bad will happen, we only have 6 minutes left bago sila dumating."

Alam kong naguguluhan pa sya pero pinaadar na ang motorsiklo nya "Sakay na." Hindi na ako nag abala na sumagot pa at agad na sumakay sa likod nya.

Dumating kami sa snack house at nakita kong marami ang nandun. Agad na hinanap ng mata ko si Kenneth pero bigo ako.

"Anong nagyayari bakit parang nagmamadali kayo?" Napatingin ako kay Astin. Hindi ko masyado siguro akong occupied kaya hindi ko sya napansin.

"Andito ba si Kenneth o ang tatay nya?"

"Oo, bakit? Nasa kusina sila."

"Dalhin mo kami sa kanila."

Pumasok kami sa kusina, halata nga sa mga crew na naguguluhan sila pero hindi na ako nag-abalang problemahin yun. Nakasunod parin sa akin si Michiko na halatang naguguluhan parin.

"Oh, Aria an—"

"Tito, they tracked you and they'll be here in less than a minute!" Pag-putol ko kay Kenneth. Napatingin sa akin si tito Kyle.

"The three of you, magtago kayo." And with that narinig namin na may nagsisigawana na sa labas. Agad naman na tumakbo si tito sa labas.

Pareho kaming hindi nakinig kay tito at sinundan sya. There are men na may dalang mga baril na pilit na pinapalabas ang mga tao sa loob.

"Mr. Salazar, wala kaming balak na saktan ka at ang kahit na sino dito. Sumama lang kayo ng mapayapa sa amin." Tugon ng isang babae.

Napansin ko na may inihulog si tito Kyle na parang card. Agad naman iyong pinalipad ni Michiko papunta sa palad nya ng walang nakakahalata.

"Hindi ako naniniwala." Nanatiling kalmado si tito Kyle. Pasimple naman akong tumingin kay Michiko na lumilipad ang phone habang parang may pumipindot dito.

"Sasama ako sa in—"

"Pa!" Sigaw ni Kenneth na nagpapaputol sa sinasabi ni tito.

"Hindi lang pala ikaw ang kailangan namin dito. Pati ang anak mo." The girl said with a naughty smile on her face.

"Hindi nyo makukuha ang anak ko." And with that, tito stamp his feet kaya nagkaroon ng pagyanig ng lupa kaya nawalan sila ng balance.

Tumakbo si tito sa amin. "You need to run."

Phenomenal Seven Where stories live. Discover now