Expensive Profit

14 0 0
                                        

"Hoy seatmate may tatanong ako sa'yo?" biglang sabi ng katabing kong magaling lang kapag may kailangan.

"Ano na namang kailangan mong lalaki ka ha? Mangongopya ka na naman ba?" sagot ko sa tanong niya este tanong ko pala sa tanong niya ay teka ah basta hahaha magulo eh.

"Oy grabe ka naman! Meron ka no? ang sungit mo eh! Ay mali pala lagi ka nga palang masungit so ibig sabihin lagi kang meron?"

"Ewan ko sa'yo!!! Itanong mo na nga kung ano man yang itatanong mo para tumigil ka na sa pangungulit mo!!" kunwareng galit kong sabi hahaha shhh lang kayo ha may HD kasi ako diyan eh hihi. Teka baka naman ma-misunderstood niyo HD means hidden desire ha hindi high definition hahaha.

"Wag na nga lang. Saka na lang kapag good mood ka na ang sungit mo eh!" sabay lakad paalis niya.

Awww nagtampo yata si crush huhubels. Susuyuin ko ba? Wag na no baka mahalata pa niya na may gusto ako sa kanya. Wag nga kayo 2 years ko na kaya yang crush pero kami lang ng bestfriend ko ang nakakaalam kaya shhh lang kayo ha.

"Oh? Anyare dun? Walk out walk out-an ang peg?" tanong ng bestfriend ko. Siya muna ang umupo sa tabi ko na dapat ay si crush ang nakaupo kaya lang nagtampo nga diba kaya yun umalis muna. Gets niyo ba? ah basta yun na yun.

"Ewan ko nga rin eh. Sabi may itatanong daw tapos sinungitan ko kaya yun nagtampo yata. Ano bes, susuyuin ko ba?" aba syempre kailangan ko ng payo ng nakatatanda este nakatatangkad lang pala hahaha magagalit kasi yan eh kapag sinabi kong nakatatanda kasi nga naman isang taon lang naman ang tanda niya sakin.

"Ano ka ba naman bes! Bakit mo naman sinungitan? Paano kung magtatanong na pala yun kung pwede bang manligaw sa'yo? Kaya naman hindi ka nagkakalovelife eh!"

"Duh! Wala akong pakealam! Di ko kailangan ng lovelife no!" pero deep inside inggit na inggit na'ko sa kanya kasi naman diba 1st year college na kami wala pa rin akong lovelife huhubells. "Saka crush ko lang naman siya no! Mawawala rin tong nararamdaman ko para sa kanya!" pahabol ko pa.

"Crush? WOW! Big word! Crush lang bang matatawag yun?"

"Oo kaya crush ko lang yun duhhh!" pagpilit ko pa sa kanya na crush ko lang yun o more on pagpilit ko sa sarili ko? Ewan naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko.

"Saksi ako sa pagseselos mo kaya sinasabi ko sa'yo hindi na crush yan! Saka alam mo ba may nabasa ako sa facebook at twitter na kapag daw 4 months mahigit mo na siyang crush ay hindi na yun crush! Either like or love na yan!" basta talaga lovelife active na active yan hahaha

"Sa tingin mo? Naguguluhan kasi talaga ako eh." nalilito kong tanong.

"Oo kaya sige na suyuin mo na ang future boyfriend mo!"

"Shhh! Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa'yo!" sita ko pa sa kanya.

"Oo na sige na bilis! Puntahan mo na si future boyfie mo!" parang kinikilig pa niyang sabi sabay tulak sa'kin palabas ng room kasi nakita raw niyang lumabas si future boyfie ko raw hihi.

Lumabas ako ng room para hanapin siya na sana hindi ko na lang pala ginawa. Nakita ko lang naman po ang magaling kong future boyfie na may kayakap na babae. Hindi na lang ako tumuloy papunta sa kanya, nawalan na'ko ng gana. Hindi pa nga kami, niloloko na niya ako hays.

"Oh? Ano na? Ang bilis mo naman yata? Nanliligaw na ba? Kayo na ba? Ano na? Magsalita ka naman!" sunod sunod pang tanong sa'kin ng bestfriend ko na inirapan ko lang kasi naman diba? Paano ako makakapagsalita kung sunod sunod na agad ang tanong niya?

"Una sa lahat, tumigil ka dahil parang ikaw pa ang mas kinikilig. Pangalawa, hindi kami nag-usap. Pangatlo, hindi siya manliligaw. Pang-apat, hindi rin kami. At panglima, may iba siyang gusto huhuhu!" bigla na lang tumulo ang luha ko kaya naman niyakap niya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oneshots Where stories live. Discover now