Chapter 11: Revenge

3K 174 13
                                    

*Carmela's POV*

"Ayan.  Huwag mo munang basain ang sugat mo ngayong gabi.  Para upekto ang gamot na nilagay ko." Utos ni Ms Kath pagkatapos lagyan ng bandage ang sugat sa pisngi ko.  Kinuha niya ang mga gamot sa pagitan namin at tumayo na.  Pagkatapos ay pumunta siya sa mesa niya. 

Sandali kong hinawakan ang bandage sa pisngi ko at ng maramdaman ko si Irja sa tabi ko ay agad akong bumaling sa kanya.

Maayos na ba ang pakiramdam mo?

Nagaalalang tanong pa niya.

Sa kabila ng pamimigat ng loob ko ay tipid akong ngumiti sa kanya at maingat siyang hinawakan.  Pagkatapos ay inilagay ko siya sa balikat ko. 

Maayos na ang pakiramdam ko.  Huwag kang magalala.

Sagot ko sa kanya. Bumaling din ako kay Ms Kath at nakita siyang pinagmamasdan ako ng mabuti.

Pilit din akong ngumiti sa kanya at bahagyang yumuko. "Salamat po , Ms Kath."

"Walang anuman.  Hintayin mo na lang si Tyrone.  Siguro naman-"

Natigil siya sa pagsasalita ng bumukas ang pinto at pumasok ang ilang professor ng Academy.

Sabay pa kaming napabaling sa kanila at napakunot ang noo ko ng makita sila Ian at Marius na kasama nila. 

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa ekspresyong nakikita ko sa kanila.  Tensyonado din ang mga katawan nila at may pagmamadali sa mga kilos nila.

Wala sa loob na napatayo ako at humarap sa kanila habang napatuwid din ng tayo si Ms Kath. 

Huminto naman ang ilang Professor ilang hakbang mula sa amin. Sandali rin napatingin sa akin ang iba at sa bandage sa pisngi ko bago muling bumaling kay Ms Kath.

Maging si Marius at Ian napatingin sa akin at nakita kong bahagyang naningkit ang mga mata nila ng makita ang bandage ko.

"Kath, Ihanda mo ang Clinic.  May nangyaring insidente sa gubat.  Ilan sa mga estudyante ang nasugatan.  Naabisuhan na ang ilang Healers at papunta na sila dito." Sabi ni Sir Gabriel.  Ang Head ng Fire Element ng Nacht.

"Insidente? Malala ba ang natamo nilang sugat?" May pagaalalang tanong niya.

Bahagyang umiling si Mr Gabriel.  "Hindi ko masasagutan yan.  Pero mas magandang maging handa kayo pagdating nila."

Mabilis na tumango si Ms Kath.  "Of course." Sagot niya kasabay ng muling pagbukas ng pinto.  Nakita kong dumating Si Mr Cade at Mr Mike.  Ganun din ang karamihan sa mga Healers namin.

Lahat sila parang tila nagmamadali at ramdam ko ang tensyon sa pagbubulungan nila. 

"Ian.  Ibalik mo muna si Carmela sa Nacht." Narinig kong utos ni Sir Gabriel. 

Marahas akong bumaling sa kanila. "Po?  Pero sa Lumiere po dapat--"

"Ititigil na natin ang arrangement na yan." Putol sa akin ni Sir Gabriel.  Nakita ko din ang iritasyon sa mga mata niya habang nagsasalita siya. "Iyan ang nagsimula ng lahat ng to." Mahina pang dagdag niya.  "Ian. " muli niyang tawag sa isa sa mga Higher Elites namin.

Magalang na tumango si Ian bago tumingin sa akin.  Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang kanang braso ko.

"Let's go , Mela." Bulong pa niya at hinila na ko palabas ng silid.

Mahigpit ang kamay niyang nasa braso ko at alam ko na kahit magmatigas ako ay wala rin iyong magagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Sandali ko pang nilingon sila Ms Kath at nakita ko si Marius na tumingin sa amin ni Ian bago pa sumara ang pinto ng Clinic.

Ice Breaker (Guillier Academy Novella)Where stories live. Discover now