Chapter 1-Kagubatan
Cherry’s POV
Anim kaming magkakaibigan — sina Sarah, Roxanne, Edz, Tin, KC, Jeniz, at ako. Kami lang ni Sarah ang mas matanda sa grupo, habang ang mga kasama namin ay walang ginawang pagala-gala na Kasama kami.
Magkakaroon kami ng bakasyon sa lugar ni Sarah, sa Brgy. Paraiso. Sabik na sabik kaming makita kung ano ang sinasabi niya tungkol dito. Nang malapit na kami sa kanilang lugar, naglakad na kami dahil hindi na madaanan ng sasakyan ang makitid na kalsada. Tahimik lang kami habang dumaraan sa gubat, kasunod ni Sarah.
“Saan ba tayo ngayon?” tanong ko kay Sarah habang nililingon siya. Siya ang nag-imbita sa amin dito, pero kanina pa kami paikot-ikot. Kinakabahan na ako. Hindi ko lang sinasabi sa mga kaibigan ko — ayokong matakot sila. Pero ramdam ko rin ang takot nila. Kahit paano, pinatatag ko ang loob ko, dahil kami lang ni Sarah ang may edad sa kanila.
“So... nasa gubat tayo,” mataray na sabi ni Tin. “Alam mo ba talaga ang daan, Ate Sarah? Nakakainis, kanina pa tayo dito!”
Tahimik lang ako habang panay reklamo si Tin. Sino ba namang hindi maiinis sa ganito kalayong lakaran? Nakita ko ang pagkabalisa sa mukha ni Sarah habang lumilinga sa paligid.
“Hindi ko na alam... matagal na kasi akong hindi nakakauwi.”
“Ano?!” sabay-sabay silang sumigaw. Halos mabingi kami sa lakas ng reaksyon nila.
“It’s been a long day... wala na,” bulong ni Tin, pero kami lang ang nakarinig. “Natatakot ako,” mahinang sabi niya sa akin.
“’Wag kang duwag, Tin,” sabi ni Edz sa kanya. Kumunot ang noo ni Tin at hinarap kami.
“Dahil dito... marami akong nabasa at napapanood sa TV. Kapag nasa gubat daw, may mga masasamang bagay.” Sabay kapit siya sa braso ko. Kita sa mukha ng mga kasama ko ang hindi maipaliwanag na takot.
“Omg, talaga?” tanong ni Edz.
“I don’t know... pero parang gano’n na nga, Edz,” sagot ni Tin. Kasabay siya sa paglalakad.
“Naku, Tin, isipin mo na lang na walang maligno, okay? Tinatakot mo lang sila,” sabi ko.
“Paano kung totoo, Ate Cherry? Wala tayong kasamang lalaki.”
“Oh my gosh! Mas mabuting maglakad na lang tayo. Wala namang maligno, okay?” Paulit-ulit na lang kaming paikot. Hindi ko na kinaya si Sarah. Napatingin ako sa kanya at bumulong, “Parang totoo ‘yung sinasabi ni Tin…”
“Malapit na ba tayo, Sarah?” tanong ko.
“Isang oras na tayong naglalakad,” sabay-sabay silang nagsalita. Bulong lang ‘yon, pero narinig nila. Grabe talaga ang sigaw nila — halos mabulabog ang gubat.
“Pagod na ako,” sabi ni Tin sabay upo. Ramdam kong pagod na rin siya — gaya ko — pero pinipilit ko pa rin. “Baka abutan na tayo ng dilim, Ate Cherry. Natatakot ako.”
“Ayoko nang sumama. Hintayin na lang nating may dumaan dito,” dagdag ni KC. Napatingin ako sa kanya.
“Walang tao rito. May nakita ka bang dumaan?” sagot ko. “Kung ayaw mong sumama, umalis ka. Bantayan mo ‘yung sasakyan. Aalis ka ba talaga?”
“Hindi… ayokong maiwan.” Lumapit sa akin si Tin at muling naglakad kami.
“Malayo pa ba, Ate Sarah?” tanong ni KC. Hindi maipinta ang mukha niya. Tiningnan ko siya, pero tila natulala lang siya.
“Hindi ko rin alam,” mahinang sagot ni Sarah.
“Ate Sarah, alalahanin mo, gumagabi na! Parang pinaglalaruan tayo. Paikot-ikot lang tayo dito!” sigaw ni Roxanne.
“Napansin ko rin ‘yon,” sagot ko.
“Pasensiya na... bata pa ako nang huli akong makapunta rito,” mahinang tugon ni Sarah. Tumahimik na lang ako. Wala na rin naman siyang magagawa.
“6 PM na po, Ate Cherry... gutom na rin po ako,” reklamo ni Jeniz.
“Tara na,” sabi ko. Apat na oras na kaming naglalakad. Buti na lang may laman pa ang bag ko. Kumuha ako ng tinapay at hinati-hati namin. Nagpahinga kami sa lilim ng mga puno.
Maya-maya, may narinig kaming kakaibang tunog sa paligid.
“May naririnig ba kayo?” tanong ko. “Makinig kayo...” Napatingin sila sa akin. Agad na niyakap ni Tin si Roxanne at nagsisigaw.
“Ang ingay mo, Tin!” saway ni Roxanne.
“Natatakot na kasi ako…”
“Wag kayong maingay. Magtago tayo,” utos ko. Bigla akong kinabahan — hindi para sa sarili ko, kundi para sa mga kaibigan ko.
“May iba pa ba?” mahinang tanong ni Tin mula sa likod ko.
“Wala na,” sagot ko. “Tumayo ka, Tin.”
“I’m dying,” pabulong kong sabi habang nanginginig.
Tumayo ang lahat. Napalingon ako sa likod — at doon ko nakita ang isang halimaw na papalapit sa amin. Napasigaw ako. Napatigil lahat at napalingon sa direksyon ko. Hindi ako makagalaw. Si Tin, tila hindi rin alam ang gagawin. Papalapit na ang halimaw — mapula ang mukha nito. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang iyon.
Hinila ko si Tin, saka siya natauhan. Tumakbo kami nang mabilis. Patuloy kaming hinahabol ng nilalang.
“Bilis, Tin!” sigaw ko. “Bilisan niyo!”
“Pagod na ako, Cherry,” mahina pero takot na sagot ni Sarah.
“Hindi puwede, Sarah! Kailangan nating makatakas!”
“Wala nang halimaw!” sigaw ni Roxanne.
Huminto kami. Umupo ako sa damuhan, pawis na pawis, hingal na hingal. Lumapit si Tin at niyakap ako.
“Anong mangyayari sa atin? Bakasyon natin ‘to, Ate Cherry...” Halos maiyak na siya.
Tiningnan ko silang lahat — pagod na pagod na rin.
“Okay lang ba kayo? Buti na lang at nakatakas tayo sa halimaw,” sabi ko.
“‘Wag tayong magkampante. Baka may kasama pa ‘yon,” seryosong sabi ni Edz.
“Nasa gubat tayo. Mag-ingat tayo. Kailangan nating bantayan ang isa’t isa. Anong oras na ba?” tanong ko.
“9 PM na,” sagot ni Sarah.
“Ang layo ng tinakbo natin... teka, sabi mo isang oras lang ang lakad. Bakit parang hindi pa rin tayo makalabas?”
Tumingin lang si Sarah kay KC.
“Mukhang hindi ito ang lugar na dapat nating puntahan,” sabi ni KC. “Naalala ko... maraming kababalaghan daw dito. Sabi nila, may mga taong nawawala at hindi na natatagpuan hanggang ngayon.”
“Ano?!” sigaw ni Tin.
“Totoo ba ‘yan, Sarah?” tanong ko. Ngayon lang ako tunay na natakot. Paano kung totoo nga ang lahat? Paano kung hindi na kami makaalis?
“Sa kabilang daan pa pala tayo dapat dumaan…” halos mawalan ng lakas si Sarah.
“Magpahinga muna tayo,” sabi ko sa kanila.
YOU ARE READING
Ang Mahiwagang Kagubatan
RomanceNapagkasunduan ng magkakaibigan na magbakasyon sa lugar ni Sarah. Ngunit sa kanilang paglalakbay, napadpad sila sa isang kagubatang puno ng misteryo. Tinawag itong "Ang Mahiwagang Kagubatan" dahil kapag nakapasok ka, hindi ka na makalalabas. Nanging...
