chapter 3

320 7 0
                                    

                                   Parang may pinag-tataguan kung mag-lakad si Aimee. Panay ang tingin niya sa kaliwa at kanan niya. Sa ginawa ko kahapon, baka magpa-utos siya na ipa-patay ako sabi ni Aimee sa sarili. Kaya umaga palang ay pumasok na siya para wala siyang estudyanteng makasalubong sa pag-pasok sa school.

                                   “Aimee!”

                                  Bigla siyang nagulat ng marinig na tinatawag ang pangalan niya kaya mas binilisan niya ang paglakad.

                                   “Hoy, Aimee hintay!”

                                    Tumatakbo na siya sa puntong ito habang tumatakbo at tumatawag parin sa kanyang ang lalaki sa likuran niya. Saktong nasa gate na sila ng university nang maramdaman niyang may humahawak sa balikat niya. Naalala niya ang mga turo ng pinsan niyang black belter sa taekwondo sa self-defence.  Susuntokin na sana ni Aimee ang lalaki nang makita niya kung sino talaga ito.

                               “Teka, Aimee”,sabi ng lalaki habang tinatakpan ang mukha ng bag.

                               “Ca…Carl?”

                              “Ako nga”,sabi ni Carl ng nakangiti.

                             Si Carl ang pinakamatalik niyang kaibigan, 4 years old palang sila ay malapit na talaga silang dalawa. Katulad niya ay sa Cheng university din ito nag-aaral. Ito ay 2nd year furniture designing student at top 2 sa kanilang department.

                             “Bakit parang ang aga mo ngayon? At bakit parang may pinag-tataguan ka kanina?”

                             Nag-dadalawang isip si Aimee kung sasabihin ba niya ang lahat ng nangyari kay Carl. Si Carl ang bestfriend niya at sigurado siyang matutulungan siya nito pero ayaw niyang pati si Carl ay mapahamak kaya di nito sinabi ang totoo.

                          “Ha?..Ahh… umaga akong pumasok para matapos ko yung ibang plates na di ko pa natatapos at yung kanina , sorry pala dun ha. Kasi alam mo na walang masyadong tao kaya kala ko masamang tao ang humahabol sa ‘kin”, sabi ni Aimee ng di tumitingin kay Carl sa mata, hindi siya magaling magsinungalin kaya alam niyang ma-bibisto siya pag tumingin siya sa mga mata nito.

                    “Alam mo Aimee, you’re a bad liar”

                    “Pano mong nalaman?”

                    “Pag-nagsisinungalin ka, di ka tumitingin sa mata, pero wag kang mag-alala di ako mag-kukulit. Sabihin mo nalang sa’kin kung ready kana” sabi nito ng nakangiti sa kanya.

                    Ito ang dahilan kung bakit love na love niya ang best friend niya, mapang-unawa ito. Naiintindihan siya nito at lagi itong nandiyan para sa kanya.

                 “So, nakabili kana ba ng gift para sa lolo at lola mo?”

                   Bigla niyang naalala ang insidente ng gabing iyon at kung anu ang pwedeng mangyari sa kanya ngayong araw.

                “O, bakit bigla kang natahimig diyan Aimee?”     

                “Wala, nakabili na ako at tiyak na matutuwa sila sa ibibigay ko.”

                 Gumising si Arjin ng masigla at may ngiti sa labi, today will be fun. Naiisip palang niya ang pinaplano niya ay napapaningiti na siya. Hinawaka niya ang isang piraso ng papel, ngayon ay wala kana talagang kawala.

                Mukhang normal naman ang lahat sabi ni Aimee sa sarili. Natapos niya ang dalawang subject ng walang problema siguro ay di siya pag-aaksayahan ng panahon ni Arjin Cheng. Nakahinga si Aimee ng maluwag, wala na siyang problema.  Pumasok sa silid ang kanilang professor at sinimulan ang klase. Nasa kalagitnaanna sila ng kanilang lesson ng may kumatok sa pintuan.

                “Come in”, sabi ng kanilang professor.

                 Bumukas ang kanilang pintuan at nag-hiyawan ang lahat ng babae sa kanilang klase. Nagulat si Aimee sa kanyang nakita. Patay, hindi pa pala tapos ang problema niya. Pumasok si Arjin Cheng sa kanilang silid aralan at nag-lakad papunta sa kanyang upuan. Nilapitan siya nito at ngumiti sa kanya.

              “What are you doing here, Mr. Cheng?”, tanong ng kanilang professor.

              “I’m here to pick, Ms. Delgado”

               “Why?”

                “As all of you know, I’m the president of the school student government and we have a new project for the school and we need Ms. Delgado. So, can I borrow her sir?”

                     “Yes, it’s ok”

                   Di ito maaari! Biglang tumayo si Aimee. “NO! I mean, di pa tapos ang class di ba?”

                    “It’s ok Ms. Delgado, It’s for the school so you can go.”, sabi ng kanilang professor.

                   “Thank you sir”, sabi ni Arjin. Hinawakan niya ang kamay ni Aimee  at hinila ito palabas ng class room. Pilit ang protesta ni Aimee pero wala itong nagawa hanggang sa nakarating sila sa school parking lot.

                  “Sakay” sabi ni Arjin.

                   “Ayoko!”

                  “Gusto mo bang ma-eskandalo? Gusto mo bang kaladkarin kita papasok ng kotse?”

                Tinignan niya ito sa mata, mukhang seryoso ito at talagang gagawa ng gulo kapag di siya pumayag kaya pumasok si Aimee sa kotse. Pumasok si Arjin at pina-andar ang kotse. Ilang minute rin sila nag-paikot-ikot hanggang sa makarating sila sa isang literary café. Nang maka-pasok ay nakalma si Aimee. Nang Makita ang mga libro ay tila nakalimutan si Arjin at agad na nag-tungo sa isang bookshelf na puno ng classical novels. Maya-maya’y tinawag siya ni Arjin.

                “Aimee, dito”

                 At na-upo sila sa pinaka-dulo ng café .

                 “ You love books, specially classics. Good, may nalaman ako kagad sa iyo.”

                 “ Ano ang kailangan mo sa akin?”

                 “Anong kailangan? Nagka-amnesia kaba at di mo naalala ang nang-yari kagabi?.

Nakabasag ka ng vase worth 1 million at ako ang nag-bayad”

                  “Ikaw rin ang may kasalanan, na out of balance ako nang hilain mo ang vase”

                   “But the fact na ikaw ang nakasagi non, kailangan mag-bayad ka rin”

                  “ So gusto mong mag-bayad ako ng 500 000 pesos! Wala akong pambayad dun at isa pa, pag nalaman to ni mama..”

                 “Alam kong sasabihin mo yan kaya bibigyan kita ng discount. 50-50 tayo sa pag-bayad.”

                 “500 000? Malaki pa rin”

                “Why don’t you sign this”sabi ni Arjin at ibinigay sa kanya ang folder.

                “Ano to?”

               “Be my girlfriend for 100 days”

100 Days Love ContractWhere stories live. Discover now