Complicated 22

4.6K 59 10
                                    

Pagkababa palang ni Erin sa subdivision nila, Sumunod si Paulo. Hindi na siya nagpahatid sa tapat ng bahay nila dahil masyadong private na tao si Erin. Inantay muna ng dalawa na maka-alis ang Van bago pumasok sa loob si Erin at naglakad papunta sa bahay nila. Sinundan naman siya ni Paulo at hinawakan sa braso para makausap.



"Ikaw ba yung nagseselos kanina?"tanong ni Paulo kay Erin kaya tinanggal ni Erin ang pagkahawak sa kanya ni Paulo saka ito hinarap.



"Ang kapal ng mukha mo, Bakit naman ako magseselos? Chix ka?"sunod-sunod na sabi ni Erin saka tumalikod pero dahil makulit si Paulo hinawakan niya ulit ito sa braso.



"Aminin mo na lang na nagseselos ka bak-"hinarap ni Erin si Paulo saka sinampal.



"Eh ano naman sa iyo kung magselos ako? Tanga ka ba? Malamang nasa stage ako ng Move on tapos makikita kong nilalandi mo yung kaibigan ko."sabi ni Erin at nakatitig lang sa kanya si Paulo, Natauhan ata.



"Ano naman kasi sa iyo kung magselos ako di ba matagal na tayong wala kaya pwede ba wag mo na kong guluhin, Ikaw yung nakipaghiwalay at wala na kong balak na balikan ka. Ang sinuka ko, sinuka na hindi na pwedeng kainin pa."sabi ni Erin sabay hinga ng malalim, Ayaw man niyang sabihin ay kailangan niyang sabihin ang magical words.



"Layuan mo si Cheska, Hindi niya deserve ang lalaking katulad mo dahil wala kang kwenta."pagkasabi nun ni Erin, Naglakad na siya habang naiwan si Paulo na nakatulala dahil talagang sinupalpal ni Erin sa pagmumukha niya ang katangahang nagawa niya at isa siyang walang kwenta.


Habang tulala si Paulo na parang nai-statwa sa ginawa at sinabi sa kanya ni Erin, Sa kabilang dako drama mode on si Erin na naglalakad habang tumutulo ang luha. Para siyang binibindyuhan sa isang Music Video, Idagdag pa ang nakakalokong soundtrip ng mga kabataan sa kanto malapit sa bahay nila. Napahinto siya habang pinagmamasdan ang mga kabataan, May naglalandian na binata at dalaga, May nagtatawanang binata at ang mga dalagang kilig na kilig sa mga binata, May nag-gigitara na binata at dalaga habang may kumakanta na kadalagahan.



♫ Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

kanta ng mga binata habang nag-gigitara.

♫ Ako yung prinsesang sagip mo palagi

sumunod naman ang ilang kadalagahan na naki-jamming.

♫ Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari Ngunit ang pagtingin na gaya pa rin ng Dararatdat Dati Dararatdat Dati

napatulo na ang luha ni Erin dahil sa duet na iyon, Napahagulgol siya. Napahinto sa pagja-jamming ang kabataan habang nakatingin sa kanya.



"Hala anyare kay ate?"tanong isa sa mga kabataan, Nag-shrug ang ilan. Nag-gitara ang malolokong binata ng sad song, Tamang-tama para sa madramang si Erin. Pinunasan ni Erin ang luha niya at umalis na sa lugar na iyon, Habang humahakbang siya naaalala niya ang nakaraan nila ni Paulo. Masaya naman sila noon, Noong nag-aaral sila nung college ay sweet na sweet sila, Madalas silang nasa library at doon naglalambingan ng tahimik. Compatible nga raw sila dahil parehas sila ng ugali kaya lang masyadong naging selfish si Paulo kaya ayun nag-break ang dalawa.





=======
=======


Nasa library si Erin habang nagbabasa ng mga libro para sa ipapasang research papers, Imbes na sa tables siya magbasa nagbabasa siya sa mga pagitan ng shelves at nakasandal doon habang nagbabasa. Nagulat siya ng may mga kamay na nagtakip sa mga mata niya pero nakilala niya agad kung sino ang nagtakip sa mata niya ng maaamoy niya ang pabango nito.



"Pau tanggalin mo nga yang kamay mo, Kilala na kita."bulong na pagkasabi ni Erin, Tumawa naman ng mahina si Paulo bago tumabi sa girlfriend.



"Wow galing ah, Paano mo ko nakilala?"tanong nito sa kanya, Tinignan siya ni Erin ng "Duh Face".



"Yung pabango na regalo ko."bulong na pagkasabi sa kanya ni Erin, Inakbayan siya ni Paulo at sabay na nagbasa ng libro. Sweet sila tignan? Oo sweet na sweet pwede ka ng langgamin. Tahimik lang silang nagbabasa pero ang sweet nila sa lagay na iyon.




---


"Paulo we're moving to states, Doon ko raw tapusin ang pag-aaral ko sabi ni Lola."malungkot na sabi ni Erin kay Paulo, Nakatitig lang sa kanya si Paulo emotionless ang gago.



"Sinasabi ko ito sa iyo para hindi ka magmukhang tanga kapag umalis na ko."sabi ni Erin kay Paulo napayuko siya, No response kasi ang boyfriend niya. Simsimi lang ang peg.



"Galit ka ba?"sabi ni Erin kay Paulo, Nakatingin lang sa kanya si Paulo.



"Makikipaghiwalay ka ganun?"sabi ni Paulo napa-angat ang mukha ni Erin, Wala naman siyang sinabing makikipaghiwalay siya. Eto talagang si Paulo masyadong assumero, Hintay ka lang darating din kayo diyaan.



"Wala akong sinabing maghihiwalay tayo, Ganun pa rin tayo pa rin aalis lang ako."sabi ni Erin napabuntong hininga si Paulo.



"I don't believe in a Long Distance Relationship Erin."sabi ni Paulo namumuo na ang luha sa mata ni Erin.



"Wala ka bang tiwala sa akin?"tanong ni Erin kay Paulo, Medyo nainis siya sa boyfriend niya.



"Sa iyo meron pero yung mga lalaking papaligid sa iyo doon wala."sabi ni Paulo at napa-upo sa bench, Nakalimutan sabihin ng may akda nasa Mall sila. Nakakahiya nga dahil nagtatalo sila sa gitna ng mall at bakit nasa Mall sila? Wala lang trip ko lang nakakasawa na kasi kung sa Park sila eh.



"Wala namang mangkukursunada sa akin doon saka subukan natin ang LDR wala namang mawawala di ba?"sabi ni Erin kay Paulo, Oo nga try new things!



"No once na umalis ka ng bansa break na tayo."sabi ni Paulo at tumayo sa bench kung saan siya umupo saka umalis. Naiwan naman si Erin na tulala at napaiyak, Hindi kasi alam ni Paulo ang dahilan kung bakit siya aalis hindi man lang siya tinanong.


Napatakip ng mukha si Erin dahil umiiyak na siya, Naisip niyang walang kwenta si Paulo dahil hindi man lang siya tinanong kung bakit gusto ng lola niya na sa states siya magtapos ng semester niya. May sakit ang lolo niya at gusto nito na makita siya dahil isa siya sa paboritong apo nito, Nalalapit na ang oras ng lolo niya kaya gusto siyang makita sa huling oras nito at kung papipiliin si Erin mas pipiliin niya ang lolo niya kesa sa walang kwenta niyang boyfriend na sarili lang ang iniisip.




---


"Erin ingat ka doon ah, Nga pala nagpaalam ka na ba kay Paulo?"sabi ni Maja kay Erin, Tumango si Erin kahit na hindi siya nagpa-alam tutal sinabi na sa kanya ni Paulo na once na umalis siya sa bansa break na sila. Tinignan na lang niya ang dalawang bulto ng tao na nakatingin sa kanya.



"Gerald paki-ingatan yang si Maja tanga yan eh."sabi ni Erin kay Gerald at sinamaan siya ng tingin ng bestfriend pero natawa na lang sa huli.



"Sige na alis na ko baka maiwan pa ko ng eroplano."sabi ni Erin at nagyakapan muna silang dalawa ni Maja bago siya pumasok sa Departure area. Umiiyak si Erin habang naglalakad papasok, Hindi niya lang matanggap na iiwan niya ang lalaking mahal niya na isang selfish.


Lumingon muna siya saglit at tinignan ang dalawang taong nakatingin sa kanya habang papaalis siya, Umaasa siya na dumating si Paulo at hayaan na mag-work ang Long Distance Relationship nila pero ang pag-asa niya ay nawarak. Umasa lang siya sa wala, Nginitian niya si Gerald at Maja na kumaway sa kanya bago siya pumasok sa loob ng tuluyan at tumulo ang luha sa mata niya.


Kaya nga break up eh may masasaktan, Meron bang break up na walang masasaktan? Aba kung meron tawagan niyo ko at wag niyo kong lokohin baka sabihin niyo trip lang ang break up kukutongan ko kayo.





=======
=======


Natapos ang pagto-throwback thursday ni Erin ng makauwi siya sa bahay, Sumandal sa pinto with matching hagulgol. Wala eh, Drama Queen! Naabutan siya ng nakakabatang kapatid na si Mercy sa kanyang pagdadrama.



"Oh ate anong nangyari sa iyo?"sabi pa nito habang kumekendeng na ala Maria Marcedes matigas naman ang katawan.



"Mercy tumigil ka diyaan hindi ka si Maria Mercedes."sabi naman ni Erin at pinahiran ang luha sabay tayo. Kumekendeng pa rin ang kapatid.



"Maria Mercy des ang pangalan ko! Sa aming klase ay tamad ako, Nagka-cutting at one day ako, Sanay ako sa Detention Room."sabi pa nito at kumendeng-kendeng pa, Nadagukan naman siya ni Erin sa pinagsasabi niya.



"Hoy Mercy! Wag mong sabihin sa akin na ginagawa mo yan?"sabi ni Erin, Umiling naman si Mercy. Ginagawa niya yun sinungaling lang ang gaga.



"Siguraduhin mo lang naku lagot ka sa akin."sabi pa ni Erin at sumalampak sa sahig saka tinignan ang Form ng mga estudyante niya, Tumabi sa kanya si Mercy at tinignan ang mga larawan sa form.



"Oh may gash! Bakit ang gwapo nito?"sabi pa ni Mercy, Isang Senior Highschool Student na nag-aaral sa La Bermudez Municipal National Highschool o LBM National Highschool. Ang tawag sa mga estudyante dito ay Diatabs, Ang kanilang School Anthem ay i-play niyo ang multimedia at sabayan ang pagkanta ng "Lonely is the night when i'm not with you" Wag kayong tumawa dahil iyon ang totoo.



"Tigilan mo nga yan! Hindi maganda ang reputasyon niyang si Manansala sa klase ko."sabi ni Erin at hinugot ang form sa kapatid na napanguso.



"Edi papatinuin ko! Ang gwapo kaya niya! Like oh my gash! oh my gash!"sabi pa nito at nagtitili, Crush na niya ito! Jake Manansala, Mercy Sandoval is here for you kaya wait ka lang diyaan hindi na magiging tigang. sa isip-isip ni Mercy.. Naku Mercy sure ako lagot ka sa mga Chescake Army kapag inagaw mo si Papa Jake mula kay Cheska gegerahin ka makaka-recieve ka ng hateful comments kaya habang maaga palang tumigil ka na.



"Ate Erin, Anong year na siya? Maaabutan ko ba siya kapag nag-College na ko?"excited na sabi ni Mercy, Nagniningning pa ang mga mata nito.



"Unfortunately.."sabi ni Erin sabay role eyes dahil kitang-kita sa kapatid niya ang tuwa sa mukha.



"Yes!" "No." sabay na sabi ni Mercy at Erin, Sa sobrang excited ni Mercy na marinig ang sagot ng ate niya napa-Yes siya.



"Ha? What do you mean? Hindi ko siya maaabutan?"sabi ni Mercy at nag-pout pa ang loka.



"Senior na siya kaya sorry ka na lang saka wag ka nga."sabi ni Erin at tinulak ang mukha ng kapatid niya saka pinulot ang forms sa coffee table saka umakyat sa kwarto baka pagdiskitahan pa nito ang iba pang gwapong lalaki sa University.



"Bakit kaya hindi na lang ako bumisita after school kay Ate Erin tutal dry run lang naman kami bukas."sabi ni Mercy at ngumiti ng malaki sabay sigaw sa isip ng "Jake Manansala here i come!" Shesh! Lagot ka na talaga sa Chescake Army Mercy..

Cause it's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon