Chapter A.1

3 0 0
                                        

Si Best friend at Ang Trabaho.

Napag-desisyonan ni Henry na tawagin ang kanyang matalik at kaisa-isang kaibigan. Si Rasmin Cafino Elmir. Kakaiba ang kaibigan niya sa ibang babae na nakasalamuha niya. Si Rasmin ay laking mahirap at nagtatrabaho para mabuhay. At kadalasan, ang trabaho ng kaibigan niya ang ugat ng kanilang pag-aaway.

Dinial ni Henry ang numero ng kaibigan.

" Hello, Rass? " Tanong niya sa telepono. Mag- uumaga na ngunit di pa ito nagte-text kung nakauwi na ba siya. Delikado ang trabaho ni Rasmin at para masiguro ni Henry ang kalagayan ng kaibigan, napagkasunduan na mag-tetext si Rasmin kapag siya'y naka-uwi na.

" Hen..ry? Aaaahhhh!! Ooooohhh!! Aaaaaaahhhh! Dahan-dahannnn!! I-- call you , aahhh later Hens! " At naputol ang kabilang linya. Nabitawan ni Henry ang hawak na telepono.

Napahilamos siya gamit ng kanyang kamay. Mapait siyang ngumiti. Si Rasmin ang kaisa-isang babae na pumukaw sa kanyang natutulog na puso.

Grade 10 sila nung una sila nagkakilala. Transferee si Henry sa eskwela nun at magkaklase sila ni Rasmin. Binubully noon si Henry at to the rescue naman itong palaban na si Rasmin. Noon na nagsimula ang kanilang malalim na pagkakaibigan. Only child si Henry at si Rasmin naman ay ulila kasama ng kanyang may leukemia na kapatid na babae.

" Oh, 'eto pinabibigay ng Prof niyo. Mid-terms na, Rass. Absent ka pa ng absent. 'Yan tuloy..."

Binigay ni Henry ang sandamakmak ng reviewers para sa exam nina Rasmin next week. Kailangan bumawi ng dalaga dahil sa mga liban sa klase.

Sinubo ni Rasmin ang tatlong tusok ng fishball at lumabi.

" Alam mo namang nasa Subic ako kasama ng matandang General na 'yun! Kagabi pa nga kami dumating. Si Mitch kasi, chemo niya bukas. Dollar pa naman ang bayarin nun !! "

Kaswal na sabi ni Rasmin. Gutom at pagod siya sa mangyari kagabi. Wala siyang paki-alam sa nangyayari.

" 'San kayo nag-stay kagabi? " Tanong ni Henry.

" Sa Limans lang. Bwisit yung matanda na yun, walang kapaguran. 'Pag ako talaga magiging ganap na Doktora balqng araw.. Ii-surgery ko ang titi nun. Gagawin kong violet na patola. " Sabi ni Rasmin sabay papak na naman sa Lays.

Graduating na silang magkakaibigan at exam,ojt at bar na lang , matatapos na din ang pagod ni Rasmin. Magkakapera na siya at magagamot at sa wakas giginhawa ang buhay nilang magkapatid.

" 'eto na nga, regalo ko sa'yo. Pasalamat ka mahal na mahal kita. " sabi ni Henry sabay bigay sa isang maliit na kahon. Nabigla naman si Rasmin sa regalo.

Hindi ata biro ang Cartier. Angil niya sa sarili. Nang makita ni Henry ang pagkabigla ni Rasmin ay pagak na lang itong tumawa.

" Happy Birthday!! Malimutin kong Best friend !!! "

" Shit! it's November 14. Birthday mo rin kaya Henry Litania Cruz!!"
Sigaw ni Rasmin .

Pareho sila ng kaarawan, sa sobrang saya ni Rasmin, ipinasukat niya agad ang bigay ni Henry, isang silver na relo.

" Sorry wala na naman akong regalo sa'yo Hens.. Ang ganda naman nito... Malaking datong ang halaga nito. Pero, di ko pwedeng isangla to nuh? " Sabay silang tumawa. Tunay na masaya si Rasmin sa regalo at si Henry naman ay tumawa na lang din kahit ang sakit-sakit na sa dibdib nya ang nangyayari.

Nakalimutan ni Rasmin ang kaarawan nilang dalawa.

Isang freelanced prosti si Rasmin. At sa trabahong 'yan silang magkakapatid nabubuhay. Pilit niyang inaalok ng tulong pinansyal ang dalaga ngunit nagagalit at tumatanggi lamang ito.

at ang masaklap,  Mahal niya si Rasmin higit pa sa kaibigan.

Napawi ang sakit ng tumawa ulit si Rasmin na para ng walang bukas. Tanggap niya si Rasmin ng buong-buo. Mahal niya ito ng tunay, ngunit ang lingid ito sa kanyang kaalaman ni Rasmin.

"Kung tumigil ka na lang kaya sa trabaho na 'yan, Rass.. " Pagsusumamo ng binata.

" Konting kembot na lang , Hens. Makakatapos na din ako. Kaya ko 'to, okay? "

Napa-iling na lang si Henry. Best friend lang siya ni Rasmin. Yun lang yun . Period walang iba. May mga prioridad si Rasmin ngunit kahit kailan hindi sya.

" Mahal kita, Rass . .. " bulong ni Henry.

" huh? Ano yun ? " Tanong ni Rasmin. Di niya ito narinig dahil abala ito sa pagkain ng mga binili ni Henry.

Napabuntong hininga na lamang siya. May mga bagay talaga na dapat na lang isarili tulad ng kanyang nararamdaman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suicidal LoveWhere stories live. Discover now