Published 11/27/16 5:40pm (pst)
This story is for all EXO-Ls and Chanbaek shippers. a little gift for our lovely Happy Virus! ♥♥♥
*le sings*
SAENGILCHUKKAHAMNIDA~ SAENGILCHUKKAHAMNIDA~ SARANGHAE CHANYEOLLIE~ SAENGILCHUKKAHAMNIDA ♥♥♥
A/N ANG LAHAT NG ITO AY TANGING GAWA GAWA LAMANG, ANG IBANG BAHAGI NG STORYA AY MAY KATOTOHAN LALO NA SA POST NI BAEK HAHAHAHAHA. SANA MAENJOY NIYO! AJA! ●﹏●﹏●﹏●﹏●﹏●﹏●﹏●﹏●﹏●﹏●
TAIPEI, CHINA
11/26/16 11:58pm (KST)
"OMO. Birthday na ni Yeol mamaya! Eotteokhae?!" tanong ni Baekhyun sa kaniyang sarili habang hindi mapakali sa hinihigaan niya.
Nagiisip siya ng pwedeng iregalo kay Chanyeol, tutal 25th birthday na niya.
"Subukan mo kaya siyang i-surprise" nagulat siya ng makarinig ng boses mula sa pinto ng kwarto niya.
"Oh, Kyungsoo hyung. Ikaw pala." sabi niya habang umaayos ng upo sa dulo ng kama niya. Pumasok si Kyungsoo sa kwarto niya at umupo sa tabi ni Baekhyun.
"Pumunta kaya kayong parks? Mag pasyal pasyal kayong dalawa. Diba?" suggestion ni Kyung. Napakamot nalang si Baek ng batok sa sinabi niya.
"Eh papaano kung may mga fans pala na nakakalat dun? Baka kuyugin lang kami dun e." sabi niya.
Napabuntong hininga nalang silang dalawa.
"Teka, asan nga pala siya?" tanong ni Kwago.
"Andun, sa kanila. Sa parents niya. Siguro doon siya mag cecelebrate." saad naman ni Baek.
"Kyungiiieeee~" isang malalim ngunit malambing na boses ang narinig nilang paparating sa kwarto ni Baekhyun. Bumungad sa pinto nito at nakita ang isa Kim Jongin.
"Ano na naman ba ha?" tanong ni Kyungsoo
"Matulog na tayooooo~" sabi ni Kai habang papalapit kila Baek at Kyungsoo
"Umayos ka nga Jongin! Edi matulog kana!" saad naman nito.
"Bakit ba? Gusto kita katabi e~" bulong ni Kai kay Kyungsoo na nagbigay sa kaniya ng kakaibang sensasyon.
"Pisti! Kai ano ba?!" nagulat nalamang ang binata ng buhatin siya nito ng pangbagong kasal at dumiretso na sa pintuan para lumabas. Napatawa nalang si Baekhyun sa kakulitan ng dalawa.
"Ay, siya nga pala Baek. This time, paki hinaan na mga boses niyo ha?" sabay kindat na sinabi ni Kai kay Baekhyun at tuluyan ng umalis sa kwarto nito.
Naiwang tulala at namumula ang mga pisngi ni Baekhyun sa kwartong iyon. Hindi niya lubos akalain na ganoon sila kaingay kapag ginagawa nila ang bagay na iyon. Oo, iyong bagay na iyon ang ginagawa nila ni Chanyeol tuwing kaarawan ni Chanyeol kahit ang kaarawan din ni Baekhyun.
Napaisip siya. Puro nalang ba pagsisiping ang kanilang gagawin tuwing kaarawan nila? Hindi sa hindi niya gusto iyon, ngunit gusto naman niyang maiba ngayong araw na iyon.
11/27/16 12:02am (KST)
Naisipan niyang kumuhan ng isang boteng soju sa ref nila. Uminom siya at paunti-unti ay tinatamaan siya ng lasing at antok.
"Ano kayang pwedeng gawin?"
Napabuntong hininga nalang siya at nagscroll ng nagscroll sa kanyang SNS accounts.
"Ang tagal naman niyang umuwi" saad nito muli bago patayin ang cellphone.
Nagpatugtog nalang siya. Dulot ng kalasingan ay nag-selfie nalang ito ngunit ang kinunan lang niya ay ang kaniyang mga labi na nakanguso na tila hahalik. At nagpost nga siya sa IG account niya.
12:04pm
(B.B.H) baekhyunee_exo
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.