HPB #1

4.1K 120 8
                                    

HEY PLAYBOY.

My Celebrity Husband Book 2.

1.
Azalene University.

"Kyohei!" Sigaw ng isang high school student na babae habang papalapit sakanya.

"Ha? Bakit?"

"Ano kasi, ano-

"Ha? Teka, kilala ba kita?"

"Hindi mo ko kilala, pero kilala kita, ang totoo kasi, gustong gusto kita. Pwede ba kitang maging boyfriend?"

Napahagalpak ng tawa si Kyohei dahil sa sinabi ng estudyante. Hindi naman panget ang babae pero hindi talaga sya interesadong mag girlfriend. Wala syang tigil sa pag tawa ng napansin nyang tumungo ito at parang humihikbi.
Shoot! Umiiyak ba sya? Yari nanaman ako nito.

"Eh ano, ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Sheila Amante" mahinang sagot nito.

"Alam mo Sheila, bata kapa, isa pa, hindi pa talaga akong interesadong magka gf. Sorry ha"

"Tama nga sila! Playboy ka!" Sigaw ng babae at tuluyan ng tumakbo papalayo sakanya.

~~~

"Sa totoo lang, hindi ko maintindihan tong mga babaeng to, sila tong magtatapat tapos kapag na reject, sasabihan ka ng playboy, pano ako magiging playboy kung wala pa naman akong nagiging gf kahit isa. Sa tingin mo ba?"

"What? Bakit ba pati ako idadamay mo dyan sa kadramahan mo ha, Kyo?"

"B@liw! Hindi kadramahan to, iniisip ko lang naman, tama naman ako diba?"

"Baka iniisip nila na pinaglalaruan mo sila. " bored na sagot ni Eiji. Matalik na kaibigan ni Kyo.

"Magulo talaga ang mga babae, nakaka irita pa ang kadaldalan."

"Sinabi mo pa, lalo na yang babaeng papalapit satin ngayon"

Napatingin si Kyo sa direksyon na papapunta sakanila at halos gusto na nyang lumubog para lang maka iwas sa babaeng papararating. Pero huli na ang lahat. Nakita na sila nito.

"Kyohei! Eiji! Hi!"

"Oh hi, Serena" mahinang bati ni Eiji

"Ikaw, Kyohei, dimo ba ako babatiin?"

"Ano namang sasabihin ko?"

"Hays! Anyways, di mo ba ako namiss?"

"At bakit naman kita mamimiss? Kulang nalang tumira ka na sa bahay namin, araw araw ka napunta"

Halatang walang paki si Kyohei sa mga sinasabi nya at hindi inaasahang hinampas sya ng bag ni Serena sa balikat.

"Oo na! Totoo nga ang sinasabi mo. Pero di mo naman kailangang sabihin sa harap ng ibang tao! Jerk!" Sabay walk out ni Serena.

"Hays, anong problema nun?"

"Insensitive ka talaga dude, tara, canteen na nga muna tayo."

"Ok. Ok"

*after school

"Mom, aalis muna ako ok?"

"Kyo, bakit ang hilig mo atang gumala ha?"

"Mom? I'm a healthy teenager, what do you expect me to do? Maburyo dito sa bahay? Don't worry, mag babasketball lang kami"

"Andito si Ena mamaya, umuwi ka kagad"

"Is this me or are you really making way for us?"

Muntik ng masamid si jeany dahil sa sinabi ng anak.

"Why would I even do that? Malisyoso ka lang anak"

"Ok, ok, sabi nyo eh, alis na ako mom. Bye!"

*after 2 hrs.

"I'm back mom" tamad na tamad na sagot ni Kyohei.

"Are you tired?"

"Oo mommy, mamaya nalang ako kakain ha? Akyat muna ako"

Hindi pa nakakasagot si Jeany ay umakyat na si Kyohei sa kwarto nya. Nakapatay ang ilaw sa kwarto nya kaya naghubad na sya ng damit.

"Sh*t!" Malakas na sigaw Kyo. "Anong ginagawa mo dito?"

"Hi kyo! Nakatulog na ko kakaintay sayo"

Nakatingin pa si Serena sa naka topless na si Kyohei.

"Anong tinitingin tingin mo ha?"

"Ano kaba, nakita na kitang topless, habang nagmomodel ka, pag nag si-swimming tayo, wala na sakin yan."

Lumapit si Kyo kay Serena, tumabi sya dito at hinawakan ang baba nito.

"You don't really think that i'm a man, aren't you?"

"Ha?" Patay malisya na sabi ni Serena.

"You know Serena, I can do anything to you, especially here, because you're in my room."

"Alam kong wala kang gagawin sakin"

"Talaga?" Hinawakan ni Kyo ang batok ni Serena at dahan dahang inilapit ang bibig nya sa leeg nito. "Lalake ako, at hindi mo dapat hinahayaan na maging mahina ka sa harap ko at lalo na sa harap ng ibang lalake, seriously, you might regret it."

Tinulak sya ni Serena at hinampas sya ng bag.

"Jerk! Jerk!"

"Lumabas kana nga sa kwarto ko!"

"Ayoko!"

"Manonod ako ng p*rn, lumabas kana!"

Mabilis na mabilis na nag walk out si Serena at tumakbo pababa sa sala kung saan nanonood si Jeany.

"I hate Kyohei tita!"

"Why hija?"

"Lagi nalang nya akong pinaglalaruan, naiinis ako sakanya."

"Hayaan mo na Ena, childish pa kasi ang anak ko na yun eh."

"Tita, anong gagawin ko? Gustong gusto ko sya eh."

Hindi pa nakakasagot si Jeany ay sumabat na sa usapan si Kyo.

"Wala kang magagawa! Hindi kita magugustuhan kahit kailan! Umuwi kana"

"I hate you Kyohei! Madapa ka sana!" Umiiyak na lumabas ng bahay si Serena.

"Kyohei!"

"What mom?"

"Anong what? Bumaba ka nga dito!"

"Hays. Hindi ako bababa, wala akong Interes sakanya at kahit sinong babae, goodnight mom!"

A/N: oh ayan na po ha. mch book2, pls
Vote and comment. Suggest nyo din po
Sa iba. Lovelots!

Hey Playboy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon