Season 2 |J |>> #EnemyFromTheStart

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na sabi sa kanya na pagsisihin niya yan.

Hindi ko nasabi sa kanya na ibang Isabelle Siva ang kasama niya ngayon.

 

“Ma’am saan na po tayo?”

 

Saglit akong nawala sa focus at napatingin kay manong. “Ah eh... sa bahay na lang po manong,”

Tiningnan ako ni manong mula sa mirror niya na may halong pag-aalala. Isa lang siya sa mga taong nakakaalam kung ano ang mga dinadanas ko pag kasama ko si Bestie.

 

“Jesse, hija. Sigurado bang ayos ka lang? Pwede mo naman kasing isumbong sa mommie mo yang ginagawa ng batang yan sa’yo,”

Tiningnan ko yung pasa ko sa braso. Hindi ko pa din makalimutan yung pakiramdam nang pag diiin ng mga kuko niya sa balat ko. Wala naman akong alam na ginawang mali eh. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong sinaktan.

At lalong lalo na wala akong alam sa pustahan nila kuya Nico.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero ako ang sinisisi niya at nagawa daw siyang lokohin ng kapatid ko.

Hindi ko nga sigurado ang rason kung bakit niya pa pinagpapatuloy ang pagkukunwari na wala pa din siyang alam hanggang ngayon.

 

“Alam mo hija,” sabi sa akin ni manong habang nag drive siya pauwi sa bahay, “Bakit ka ba nagtitiis diyan? Hindi ka naman tinuturing na kaibigan niyan. Kung ako sayo hindi na ako lalapit sa kanya. Pati yang kuya mo pagsabihan mo. Miski sa akin walang respeto yang bata na yan. Jusko mamatay ako ng maaga kung makausap ko pa ulit yan,”

Pinilit kong ngumiti para kay manong, “Magulo lang po ngayon ang isip ni bestie. Iniintindi ko lang po,”

 

“May sira kamo. Kailangan ba pag magulo ang isip na nanakit na? Hija, wag mo na siya subukang ipagtannggol. Ay nako, kay bait mong bata ka. Pag yan nakita ng mommie mo, baka pagalitan pa ako nun dahil hindi ko sinabi,”

Hinimas himas ko yung mga pasa ko sa braso at yung galos sa mukha ko dala ng sampal niya kanina. Buti na lang at naitago ko ito gamit ang make-up ko.

 Unang beses niya naman ‘tong ginawa sa akin kaya hahayaan ko lang muna. Kadalasan kasi puro pagpapahiya lang talaga ang nararanasan ko sa kanya.

 

“Basta manong wag niyo na po sabihin kay mommie, ako na po bahala,”                            

Maaga kaming nakarating sa bahay kaya wala pa dun sila Mommie, agad akong dumeretso sa kwarto para ayusin yung mga nakakalat.

Inayos ko yung mga itinapon sa sahig ni Belle at yung mga damit kong iniwan lang sa lapag na parang sa kanya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | To be SELF PUBLISH ON FEBRUARY 2025Where stories live. Discover now