Chapter 1

3.9K 117 2
                                    

Chapter 1

St.John Academy

"Krrriiiiinnngggggg, krrriiiinnggggg"

"Ano ba yon?!kainis naman oh ang sarap ng tulog ko ingay-ingay"

Tamad akong bumangon at umupo sabay pinatay yung alarm clock tinignan ko ang orasan at nakita kong 7:10 AM na.

Nyemas pakana na naman ito ng Kuya kong bakulaw makakatikim siya sa akin mamaya! Sukat ba namang i-set ng 7:10 yung alarm clock ko huhubels.

Dali-dali akong pumunta ng banyo upang maligo kainis naman bakit ba kasi hindi ako ginising ng mga tao dito? First day pa naman sa bago kong school grrrrr bwiset.

Pagkatapos kong maligo nagbihis agad ako niready ko yung mga dapat kong dalhin at inayos ko ang aking sarili at sinoot ang malaking salamin, halos magkahulog-hulog na yung mga hinahawakan ko habang nagmamadali.

Hindi ko na nagawang mag almusal dahil sa takot na malate pero nag baon ako ng isang sandwich na may bacon at cheese syempre dinamihan ko yung cheese hindi ko alam pero paboritong-paborito ko talaga ang cheese.

Walang tao ngayon sa bahay yung mommy ko baka inaasikaso yung business nila ng daddy ko madalas maagang umaalis yun, day off naman ni Manang Fe hindi ko din lubos maisip na ngayon pa siya nag day off eh first day ko pa naman pero ipinaliwanag naman niya na kailangan niyang umuwi sa probinsya nila kasi namatay daw ang ang kanyang kapatid.

Simula pa lang noong sanggol pa lang ako kay Manang Fe na ako lumaki kasi laging busy ang mommy at daddy ko.

Dali-dali akong sumakay sa aming sasakyan na binili ni mommy para sa amin ni Kuya pero halos ako lang lagi ang nakakagamit nito kasi laging sumasabay si Kuya sa mga kaibigan niya at baka siguro nahihiya na kasama niya ang kapatid niyang panget.

Habang umaandar ang sasakyan nakatingin lang ako sa bintana at pinapanood ang daan.

Pagkatapos ng ilang minuto nakita ko na ang sign ng bago kong paaralan ang "St.John Academy" infairness maganda siya di tulad sa dati kong school mas better siguro ito.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagkamangha sa mga nakikita ko napaka unique ng school na ito parang pinasadya talaga ng nagpagawa.

Habang naglalakad ay kumakain ako nung dinala kong sandwich at iniikot ang aking ulo sa bawat paligid.

*BOOGGSSHHHH*

"What the!" inis na sabi ng isang lalaki na nakatayo sa harap ko ngunit ang kanyang paa lamang ang nakikita ko dahil nagkahulog ang mga gamit ko nilagay ko lahat sa bag at inayos ang salamin ko tsaka ako tumayo at hinarap siya.

Kita ko ang inis sa kanyang mukha,nakita ko rin ang sandwich kong nakadikit sa uniform niya owemjii anong ginawa ko?! pero nung tumitig ako sa mukha niya ng matagal napagtanto ko ang bawat features ng kanyang mukha.

Matangos na ilong,makapal na kilay,mapupulang labi,kulay brown na mga mata, at perfect na perfect yung jawline niya. Napanganga na lang ako.

"Panget na nga, tatanga-tanga pa hindi marunong tumingin sa dinadaanan!" iritado niyang sabi now, binabawi ko lahat ng papuri ko sa kanya pogi nga eh masama naman ang ugali wala useless din. At siya pa ang may ganang magalit sa pagkaka alam ko siya ang bumunggo sa akin.

"Sorry" mahinahon kong salita, yan na lang ang tangi kong nasabi pinipigilan ko ang sarili kong wag magalit dahil baka masapak ko 'tong lalaking nasa harapan ko!

"Sorry mo your face" aniya, umalis siya at binunggo pa ang balikat ko wengya na yan ganito ba yung mga tao dito? mga walang modo! Ikaw na nga nag sorry tapos choosey pa.

'Di ako nainform na ganito pala ang pagtrato nila sa mga transferee so magiging challenge pala sa akin 'to hayystt sana naman di mag tuloy-tuloy ang bad vibes sa akin dahil ayoko ng lumipat ng school. Kainis kasi yung lalaki na yun eh grrrrrrr.

Ms.Nerdy meets Mr.Heartthrob(On Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora