Ngayong Wala Ka Na

18 0 0
                                        

(Di po to totoo. Yung dates po di rin po totoo.)

WARNING: Very, very short!

January 18, 2015.
Nakilala kita, Xian Luis Bernardino, nung araw na to. Nambola ka pa nga eh. Para kang bola-bola nun. Sinabi mong maganda ko. Sinabi mong mukha akong matalino. I was flattered, pero di ako nagpadala. Naranasan ko na kasing masaktan.

Kakabreak lang namin nun ng ex boyfriend ko. Ikaw ang kauna-unahang nagpasaya sakin pagkatapos nung malagim na araw na yun. Natutuwa ako sayo kasi loko-loko ka. Para kang nababaliw.

Mahilig ka sa street foods, ako rin. Mahilig ka sa mga matatamis, ako rin. Lahat lahat, pareho nating gusto.

February 14, 2015.
Eto yung araw na first time kong nabigyan ng napakaraming bouqet ng roses. Galing sa'yo yun. At ito rin yung araw na...

PINAKILALA MO SAKIN YUNG GIRLFRIEND MO.

Masayang masaya ako nun sainyo. Di pa kasi ako nakakamove-on sa ex ko nun.

February 15, 2015.
Nagdeclare na tayong magBFF tayo. Ang saya nung mga panahong yan. Napaka. Araw araw, nililibre mo ko, kasama ang jowa mo. Di ko alam kung bakit, pero kumikirot ang puso ko pag nakikita ko kayong masaya.

March 30, 2015.
Nagbreak kayo ng girlfriend mo. Sobrang nasaktan ka nun. Sobrang nagluksa ka. Sobrang nagdusa ka. Sobrang nakakaawa ka. Isang araw nga nakita kita binabasag lahat ng pictures nyo.

April 15, 2015.
Di ka na nagpaparamdam. Pero sinabi mo na you need space. Kailangan mo ng panahon para makapagisip-isip. Ganyan din ako nun. Sana man lang may nagawa ako para mapasaya ka katulad nung ginawa mo para mapasaya ako.
Naawa ako sayo. Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko yun magagawa sa isang lalaki. Mahina to eh. Mahinang lumaban. Weak, sabi nga nila. Oo na, ako na yun. Kasi mismong sarili ko di kilala yung kaisa-isa kong bestfriend. Di man lang kita kinilala.

April 30, 2015.
Dumalaw ka sa bahay ko. Nagsorry ka.

"Sorry kung di kita nasamahan. Sorry kung I bought time from you. Sorry kung sinayang ko lang oras mo. Gusto ko lang malaman mo na bilang kaibigan, mahal na mahal kita."

Naiyak ako.

"Hindi, wag ka magsorry. Kasalanan ko to, hindi ikaw. Kasalanan ko kung bat ka nagdudusa ngayon. Hindi man lang kita nasamahan nung kailangan mo ko. Ni hindi man lang kita pinasaya katulad nung pagpapasaya mo saken nun."

Naiyak na rin sya. Isang luhang tumulo sa mata nya. Yung luhang yun, alam kong totoo yun. Alam kong nasasaktan talaga sya. Alam kong nahihirapan sya.

Makalipas ang isang taon..

Eto ko ngayon, nagmamaneho ng sasakyan. Ayun, maaliwalas pa rin yung panahon.

Bumaba ako sa kotse ko at lumuhod sa tapat ng lapida.

Xian Luis Torre Bernardino
Death: April 30, 2015

Namimiss ko na sya.

Pinagsisisihan ko na ngayon. Ngayong wala na sya.

Wala ng manlilibre sakin. Wala na yung bola bola ko. Wala na yung mga panahon na sinasabihan mo kong maganda.

WALA NA KONG BESTFRIEND.

Bat mo pa kasi kailangan magpakamatay?

Di ko mapigilang hindi umiyak.

Bakit? Bakit mo kailangang pahirapan ako ng ganito?

Ngayon, ngayong wala ka na, pinagsisisihan ko na kung bat di ko sayo sinabi na...

MAHAL KITA.

---------------

Copyrights 2016

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ngayong Wala Ka Na (One-Shot)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon