Chapter 7:

72 1 4
                                    

waaahh ang chapter na to ay para sa tatlong taong malapit sa akin!! nyahaha ATE RECY, TITA TRIX AND BFF MARC!!!

MARC POV

 

Andito ako ngayon sa gym may practice kasi kami ng basketball team ko.

Brektime kaya eto nakaupo ako sa bench at umiinom ng Gatorade. Iniisip ko kung anong gagawin ko para manalo sa pustahan namin. Kahapon lang nagkasundo kaming simulan na ang pustahan.

Hanggang ngayon wala akong maisip na magandang gimik para makausap ko ang babaeng yun. Marami ng nakaranas sa pamamahiya ng babaeng yun. Kahit mga teammates ko, narinig ko lang sa usapan nila. Hindi ko akalain na ganun na kasama ang ugali nya. Witch! I just smirked.

*flashback*

LOCKER ROOM:

(for basketball team only)

“nakakapikon na ang babaeng yun! Humanda sya sa akin!” teammate 1

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Nagbibihis na rin kasi ako kakatapos lang namin magpractise.

“sino ba yan pare? Yung nagpahiya rin sayo dati?” teammate 2

“oo! Si Nicole ng medical department.” Teammate 1

Napalingon ako. Sigurado akong iisa lang ang babaeng kilala namin na namamahiya ng lalake dito!

“aah sya pala. Kaklase yun ng girlfriend ko. Sabi nya sa mga lalake lang yun ganun!” teammate 3

“eh may sira pala yun eh, anong akala nya sa atin bacteria?” teammate 1

“oo nga! Maganda naman sya yun nga lang masama naman ang ugali!” teammate 4

“buti pa nga mga kaibigan nya eh. Magaganda na mababait din.” Teammate 5

“basta babawian ko yun, nakakadalawa na sya sa akin!” teammate 1

Tumawa ako ng mahina. Hindi naman nila narinig. Ang malas naman nun nakadalawa na. tsk

“baka bitter lang yun pare, nasaktan ng isang lalake kaya ganun hindi nya matanggap at naging masama na ang ugali nya! Hindi naman kasi sya ganun nung elementary kami eh” teammate 2

“wala akong pakialam sa nakaraan nya! Wala syang karapatan na gawin yun sa atin!”  teammate 1. Masama ang kutob ko dito. Sumingit na ako sa usapan.

“wag kang gagawa ng kalokohan kung ayaw mong  tanggalin kita sa team. Ayoko ng kahit anong issue na madadamay ang team na to! Naiintindihan mo? iwasan mo na lang ng hindi ka ulit mapahiya.” Sabi ko

Ako ang team captain at may karapatan akong tanggalin ang member na makakasira sa team kahit kaibigan ko pa yun!

“opo captain! Sorry po.” Teammate 1

“it’s okay. Bilang lalake naiintindihan ko kayo, pero babae pa rin yun! Okay?” sabi ko

Cupids Trick in a LOVE BETWhere stories live. Discover now