Chapter 7: The Lullaby

946 26 3
                                    

“Weeping is not the same thing as crying. It takes your whole body to weep, and when it's over, you feel like you don't have any bones left to hold you up.” 

― Sarah Ockler, Twenty Boy Summer

I SUGGEST YOU PLAY THE MUSIC ON THE RIGHT WHILE READING------>

---------------------------------------xxx

Chapter 7: The Lullaby

---------------------------------------xxx

ARIA’S POINT OF VIEW

I’m not afraid of the rain. I’m afraid of the memory that comes with it.

Nakita niyo na bang umiyak ang nanay niyo? Sana hindi pa.

Sana hindi niyo maranasan kung pano ko masaksihan ang pagguho ng mundo ng aking ina sa araw ng libing ng asawa niya. Sa araw ng libing ng tatay ko. Ang sundalo kong ama na hindi lang naging mabuting tao para sa pamilya niya kundi para rin sa kanyang bansa.

Pitong taong gulang pa lamang ako ng makita kong madurog ang puso ni mama. Hindi maintindihan ng inosenteng isipan ko pero ramdam na ramdam ng puso ko ang sakit sa bawat hagulgol niya. Sa bawat pagpatak ng luha niya ay para bang sinasabayan ito ng masamang panahon.

Oo, umuulan ng araw na iyon.

Pagkatapos nun ay hindi ko na siya nakita pang umiyak. Nagsikap siya para buhayin kaming tatlong magkakapatid. Naging subsob siya sa trabaho ngunit hindi pa rin niya nakalimutang maging ina sa amin. Hindi namin naramdaman ang hirap ng buhay dahil sa kaniya. Hindi niya rin hinahayaang makalimutan namin si papa.

May mga panahong magkukwento siya at bigla siyang titigil ng nakangiti na para bang  ang bawat matatamis na alaala ay saglit na nagiging realidad para sa kanya. Naging mabuti siya ina, ngunit mapait ang iginanti ng buhay.

Labing tatlong gulang ako ng ipaalam niya sa aming may cancer siya. Nakakalito, nakakagalit pero nangibabaw ang takot. Ang takot at sakit  na maaaring mawala si mama. Sinubukan kong maging matapang pero mas naging matapang siya. Lahat ng maaaring lunas ay sinubukan na namin kahit pa maubos ang ipon nila ni papa.

Doon ko napagtanto na hindi kayang labanan ng pera ang mapait na tadhana.

Pagkatapos ng isang taon ay kinuha rin siya sa amin. Ang masaklap pa ay wala ako sa tabi niya ng gabing iyon. Naiwan akong mag-isa sa bahay dahil sa lagnat habang nasa ospital si ate at Joshua.

At para bang nangungutya ang panahon dahil pagkatapos ibalita sa aking ni ate sa telepono ang nangyari ay sinabayan ng malalakas na kidlat  at kulog ang kanina pang hindi tumitilang buhos ng ulan.

Hindi ko alam kung paano pero hindi ako humagulgol. Para bang  kinakain ng sakit sa puso ko ang anumang tunog na maaring lumabas. Ngunit parang nais nitong kumawala dahil nanginginig ako sa sakit habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko. Nagpatuloy iyon ng maraming oras hanggang sa nakatulog ako kasama ang pighating bumalot sa akin ng gabing iyon.

At heto na naman. Nagising ako sa lakas ng buhos ng ulan. Hindi madalas mangyari ito dahil hanggang sa maari ay iniiwasan kong masaksihan ang pag-iyak ng langit.

Gusto kong magtago at iiwas ang tingin ko sa bintanang nasa harapan ko pero hindi ko magawa. Hindi sumusunod ang katawan ko sa gusto kong mangyari. Sa bawat patak ng ulan ay unti unting bumabalik ang mapapait na alaala kasama ang sakit ng gabing iyon.

Susuko na sana akong labanan ang sakit at hayaang balutin ako ng emosyon ko nang maramdaman ko ang pag-angat ko sa aking kinauupuan.

Madilim ang paligid at ang tanging nakikita ko lamang ay ang magagandang berdeng mata ng taong bumuhat sa akin. Sa tuwing kumikidlat ay naaaninag ko ang mukha niyang may bakas ng kalungkutan.

Inihiga niya ko sa kama at naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Batid ko ang pag-aalinlangan niyang hawakan ako. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng matagal.

Magkatabi ngunit hindi nagdidikit.

Sa hindi ko malaman na dahilan ay may kumawalang hikbi sa akin sa bawat paglakas ng pagkidlat at pagkulog. Akala ko ay mananatili kamin sa ganuong posisyon ng bigla niya kong inakap paharap sa kanya.

Wala akong lakas itulak siya ngunit alam kong kahit meron man ay hindi ko rin gagawin dahil gumaan ang pakiramdam ko ng kaunti.  Nakasubsob ako sa leeg niya at hindi ko maiwasang malanghap ang nakakakalmang amoy na nanggagaling sa kanya.

Sa bawas paglakas ng kulog at paglakas ng hikbi ko ay ramdam din ang paghigpit ng yakap niya. Hinahaplos niya ang buhok ko ng bigla na lang may narinig akong pagkanta. Mahina lamang ito na tila pabulong ang bawat salita.

“Don't you dare look out your window, darling,

Everything's on fire

The war outside our door keeps raging on

Hold on to this lullaby

Even when music's gone

Gone..”

Malamig sa tenga ang pagkakakanta. At sa bawat pagbigkas niya ay nararamdaman ko ang paggaan ng loob ko.

“… Just close your eyes

The sun is going down

You'll be alright

No one can hurt you now

Come morning light

You and I'll be safe and sound…”

Patuloy lang ang pagkanta niya hanggang sa napansin kong tumigil na ang pagbuhos ng luha ko.

Wala na kong ibang marinig kundi ang malamig niyang tinig.

--------------------------------------xxx

Ginagawa ko to ng biglang may nagcaroling ng Joy to the World sa labas.

Sira ang mood. -__-

Keso.

Happy New Year!

Thanks for reading.

Drops Of Summer (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon