Chapter Eighteen

119K 3.5K 547
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

HOW TO SEDUCE IBARRA DELOS SANTOS?

Kung puwede lang na iyon ang ilagay ni Czarina sa search engine ng Google ay ginawa niya na. But damn internet. Naka-generalize ang tips kung paano ba naaakit ang mga lalaki. And the things she had read so far made her cringe.

"Ugh, damn it!" Naiinis na sinara niya ang laptop at muntik nang ihagis iyon. Isang buong araw na siyang nagse-search kung paano ba mang-akit. Hindi niya kayang gawin ang sinasabi ni Rayah. Pero hindi niya makalimutan ang nakakainis nitong mukha kahapon habang binubuska siya. She doesn't want to prove her right.

Napabuga siya ng hangin at nakabusangot na napahalukipkip. Mga kalahating oras na nasa ganoon siyang posisyon habang nakaupo sa gitna ng kama. Isip siya ng isip. She recalled all the articles and blogs she have read. If she really wanted to do this, she have to make perfect plans like what she does on writing her stories.

Ang istorya, magkakagulo kapag hindi napansin ang plotholes. Ang isang nobela pumapangit kapag magulo ang pagkakasulat sa bawat pangyayari. Plots are cliché but can be twisted into something unique.

But the things is, maganda ang isang istorya base sa panlasa ng mambabasa. Some great stories made some readers cringe and hate it at all. Parang siya. Ayaw niya sa mga istorya ni Nicholas Sparks. But for others, Sparks novels are the best.

So, it goes with seducing a boyfriend as well. Gawin man niya lahat nang pang-aakit, na kay Bari pa rin kung magpapaakit ito o hindi. Czarina isn't confident! Bari is a gentleman. He can control. He can wait.

At higit sa lahat kapag pumalya siya, sermon ang abot niya kay Bari—mahabang mahabang sermon.

"Clara," katok ni Yaya Salome na nagpaigtad sa kanya. "Nasa baba si Sir Bari."

"Okay, Yaya. Thanks." Tinatamad na umalis siya ng higaan. Sinuot niya ang tsinelas at saka tuluy-tuloy na lumabas ng kuwarto. Hindi na siya nagpalit ng ibang damit dahil mas presko ang suot niyang cotton shorts at spaghetti-strapped top.

"Maaga kang nakauwi from work?" tanong niya agad kay Bari habang papalapit dito.

Nakaupo ito sa sofa at humihigop ng kape. Bumaling ito sa kanya at tumayo. "Yes. Aayain sana kitang lumabas mamaya."

Napansin ni Czarina ang pasimpleng pagsuri ng Bari sa suot niya. Nagsalubong ang dalawang kilay nito. "What are you wearing?"

"Pambahay." Alam na niya ang iniisip nito. "Hindi ako magpapantalon o long sleeves sa loob ng bahay ko, utang na loob."

Umangat ang gilid ng labi nito. "Don't you think it's too revealing?" Inayos nito ang strap niyang nahulog mula sa balikat nang hindi niya napapansin.

She rolled her eyes. "Kanino? Si Yaya at ang mga katulong lang ang kasama ko dito sa loob. The security guard doesn't enter the house naman."

"Bakit ang sungit mo?" parang natatawang tanong nito. Hinawakan siya nito sa baywang at hinalikan sa pisngi. Napatingin na naman ito sa suot niya at napakunot-noo. "Cover up, please."

"Mainit nga kasi summer!" Niyuko niya ang suot. Oh, the neckline is plunging. The cleavage are showing. She crossed her arms to hide it. Wrong move though. Mas tumaas ang dibdib niya sa ginawa. Her boobs got more defined under the thin fabric sheet.

Lumayo bigla si Bari sa kanya. "Change," utos nito sa mas seryosong tono. Nakaiwas ang tingin nito habang humihigop ulit ng kape.

Tatalikod na sana siya upang sundin ito nang may biglang pumitik sa isipan niya. Aha! Humarap ulit siya kay Bari at umupo sa sofa. "Tinatamad ako. Ikaw lang naman ang bisita."

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon