Chapter Eleven

122K 3.9K 564
                                    

CHAPTER ELEVEN

NAHIHIRAPANG basahin ni Czarina ang mga salitang nakalagay sa locket dahil sobrang liliit talaga iyon. But as she focused her eyes more on the two sentences, lalong lumilinaw sa kanya iyon.

And it shocked her system to know the message she waited for two years to know.

Napalingon siya kay Bari. "T-Totoo ba 'to?" halos matulala niyang tanong.

I like you, Maria Clara.

May gusto sa kanya si Bari?!

"Would I put it there if it's not?" balik-tanong ni Bari na parang naiinip na. Lumapit ito sa kanya.

Para siyang nataranta sa kilos nito kaya lumayo siya. "You like me?" nanlalaking matang tanong niya ulit.

Doon ito ngumisi ulit. "You don't believe?"

Nanlaki ang butas ng ilong niya. "Why?"

"Why not?"

Napatingin ulit siya sa locket.

Can you go on a date with me?

Oh my gosh! She must be dreaming! Tulog pa ba siya? Ang sarap namang hindi na lang gumising!

Napabaling ulit siya kay Bari. Hindi na magkamayaw ng puso niya. Ayaw nang kumalma niyon. Lalo na ng mas lumapit pa si Bari sa kanya.

"Huwag naman ganyan, o!" Lumayo siya ulit dito. "Bari naman, eh..."

"What?" he innocently asked.

"May gusto ka talaga sa'kin?" tanong na naman niya. She really cannot believe this! At kung nandoon na ang mensaheng iyon noong sixteen pa lang siya, ibig sabihin ay noon pa ito may gusto sa kanya!

Nanlaki ang mga mata niya sa napagtanto at napatingin ulit rito.

Bari was hiding an amused smile, stopping himself from laughing at her.

"So, will you go in a date with me?"

"Wait, pag-iisipan ko." After one second, "Siyempre naman! Ang tagal-tagal kong naghintay. At saka sabi mo naman noon, ilalabas mo 'ko kapag eighteen na 'ko. Pero..." Tinaas niya ang locket at nilapit sa mukha nito. "Gusto mo talaga ako?!"

"What's not clear with the first sentence, Maria Clara?"

Napangiti na siya. "Ano ba 'yan! May plano pa naman akong akitin ka tapos may gusto ka na pala sa'kin. Hindi mo man lang ako pinahirapan!" Then she laughed.

Napakunot-noo ito at dinuro ang noo niya. "Kung ano-ano ang natutunan mo sa college."

Lumapit rin siya rito na nagniningning ang mga mata. "I like you, too, Bari!" Yayakapin niya sana ito ngunit mabilis itong nakaiwas. Napasimangot siya. "Bakit ka umiwas? Wala ba tayong hug since we like each other?"

"Wala."

Napanganga siya. "Eh, anong silbi ng confession na 'to?"

He shrugged. "I just let you know that I like you. And I want to go on a date with you. But still, you're young so..."

"I'm eighteen! I'm legal here! I can marry you!"

"You're still young," ani pa rin nito at saka ginulo ang buhok niya. "When are we going on a date? Para makapagpaalam na 'ko sa Papa mo."

"Later! Sa debut party ko. Ikaw na lang ang escort ko." Wala talaga siyang escort. Since she really followed her father's order not to have a boyfriend. 

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon