Lalo tuloy akong napanguso at natahimik sa sinabi niya. Hays. sa tingin ba niya lahat nang mga babae ay panlabas lang ang hinahanap at hindi ugali?

Hindi ba niya naisip na may mga babae ding nag iisip nang "I can see beauty to those persons who is called ugly and I can see ugliness to those person who has angelic faces."

"Mabait ka ba?" bigla kong tanong sakanya nang nanahimik kaming pareho.

Nagulat siya sa tanong at tiningnan ako mata sa mata.

"Oo naman." sagot niya.

"Mapagmahal at maalaga ka ba?" dagdag kong tanong.

"Abah syempre!" sagot niya nang may ngiti na parang natatawa.

"Hindi ka naman manloloko?" nakangisi kong tanong.

"Hindi." tipid niyang sagot.

"Yun naman pala, edi hindi din imposible para sakin ang mapasayo." diretsong sabi ko
habang nakatitig sakanyang mga mata, napansin ko ang pag kagulat sakanya naging dahilan iyon nang bigla kong pag ngiti muli nang sobra. "Saka hindi ka naman pangit, sadyang hindi mo lang siguro sila kasing kwapo."

Hindi siya umimik pero napakamot nalang siya sa ulo niya at parang sandali pa itong nag isip nang kung ano ba ang dapat sabihin.

"Hahaha. Pinakilig mo ako dun a. Kung ganon, destiny na tayo." natatawang sabi niya kaya pati ako ay natawa na.

"Tumila na ang ulan, uuwi na siguro ako." biglang paalam ko nang mapansin ko na tumigil na nga ang ulan saka ako tumayo. "Saka kung destiny talaga tayo... I hope to see you the next time around and have this interesting conversation again."

"I hope to see you too." sagot niya saka tumayo.

Sandali pa kaming nagkatitigan habang nakangiti sa isat isa nang napag desisyonan ko na mag lakad na palayo sakanya...

That moment was weird yet something inside of me is hoping to meet him again... Parang I want to see his deep eyes and those sweet smile of him agai-----

What the heck!? teka nga what just happened? what am I thingking? nasa tamang huwisyo pa ba ako?

Ano ba tong nararamdaman ko na parang ang init init nang mga pisngi ko, hindi ako makahinga nang maayos pati puso ko parang nakikipag karera at yung sikmura ko parang umiikot!? tapos yung katawan ko normal na normal na parang walang iniinda!?

"May sakit na ata ako! wala naman akong kinain na masama a."  mahinang bulalas ko habang nag lalakad ng hapo hapo ko ang aking tiyan.

"Kelan ba to nagsimula?... aha nun hinawakan nung lalaki yung braso ko at hinila ako papuntang waiting shed!" ugh! parang lalong lumala yung pakiramdam ko nang maalala ko iyon.

"I hope to see you too..." biglang nag ring sa utak ko ang mga huling sinabi niya habang nakangiti...

Saka ko naalala ang buong conversation namin.

Which is a bad move dahil parang pati puson ko biglang sumakit at feeling ko gusto kong matae.

Tapos inalala ko pa ang itsura niya.

Hindi nga siya gwapo pero sakto lang. Kayumanggi, singkit ang mga mata, maamo ang kilay, sakto lang ang ilong, maitim ang mga labi niya tss naninigarilyo yun panigurado, may balbas din siya nang kaunti, matangkad at medyo malaking tao dahil malapad ang braso niya. Sakto lang but why am I remembering his features? at nagawa ko pa talagang mapansin lahat yun habang nakatitig lang ako sa mga mata niya kanina!?

Ugh! ano bang nangyayari sakin!?

"Oh, bat basang basa ka? Hala eto towel iha baka mag kasakit ka pa." biglang sabi ni Tita Bea na ikinagulat ko dahil hindi ko napansin na andito na pala ako sa tapat nang bahay nila.

Agad akong inabutan ng towel ni tita kaya ginamit ko nalang at ipinunas ko sa aking katawan.

"Bakit namumula ka? may sakit ka ba?" nag aalalang tanong ni Tita at agad na isinapo ang likod nang palad niya sa aking noo.

"Hindi ka naman mainit a." takang tanong ni Tita pero nanatili lamang akong tahimik dahil pati ako ay hindi ko alam kung bakit.

Pumasok na lamang ako at nag bihis pero nang humiga na ako sa kama para mag pahinga ay agad nag sink in saakin yung mga naramdaman ko kanina.

Kaba, tuwa, takot, disappointment, excitement, gulat at iba pa... at lahat yun naramdaman ko lang nang kausap ko yung lalaking iyon.

My Gosh! Too much emotions in one conversation. Gladly I didn't collapsed!

But still

palaisipan padin saakin kung bakit ko naramdaman ang mga iyon kanina. On top of that, that is the first time na nangyari saakin iyon.

Weird.

------

BlackHearts_Archer

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It must be destinyWhere stories live. Discover now