Ngayon ko lang napansin na sobrang lakas na pala nang ulan nung may humila saakin papunta sa isang waiting shed.

"Ano bang ginagawa mo dun te? basang basa ka na tuloy." malumanay na sabi nang lalaki ngunit may pag aalala. Tinitigan ko lamang siya at hindi pinansin ang sinabi niya. Kasalukuyan kasi siyant nag pupunas nang sarili niya.

"Broken hearted ka siguro no kaya nag papaulan ka?" dagdag pa nito.

"I'm not, nawala lang ako sa wisyo kaya hindi ko na napansin na ang lakas na pala ng ulan."  tugon ko sa tanong niya. Bigla namang siyang napahinto sa ginagawa niya.

"E pano kung masasagasaan kana miss? hindi mo pa din ba mapapansin nun?" sabi nito nang lingunin niya ako.

Bat ganon!? why did I suddenly feel na parang nilulunod ako nang mga mata niya?

Nag titigan kami ng mga ewan ko kung ilang segundo pero nung nailang kami ay bigla kaming nag iwas ng mga tingin...

What just happened there?

"B-basang basa kana tuloy miss." sabi nalang nito.

Dahil dun ay ibinaba ko na ang hood na kanina ko pa suot suot. Oo nga naman, basang basa na din talaga ako. Kulang nalang siguro ang shampoo at sabon para makaligo na din ako.

"Ayos lang ako. Tubig ulan lang yan."  sabi ko saka naupo sa kaharap niyang upuan. "Hindi naman ako mapapatay e."

"Hmm ganun ba." sabi nito habang nakangiti nang bigla akong nakaramdam nang mabigat sa aking dibdib at biglang pag ikot nang aking sikmura... shit ano nanaman ba to!?

Pinilit kong indahin ang pakiramdam na to at nag focus nalang sa mga mata nang lalaking kaharap ko at muli ay hindi ko nanaman maalis ang aking paningin sakanya at mukhang ganon din siya.

Gusto kong mag salita pero bakit biglang parang naputulan ako ng dila pati utak ko na dapat mag fufunction at mag iisip kung ano bang dapat kong sabihin ay biglang nablanko.

Right at this moment, mag kaharap lang kami at nakatitig sa mga mata ng isa't isa nang biglang.... kumidlat ng napakalakas kaya napatalon ako sa kinuupuan ko sa sobrang gulat.

"Hahaha, baka gusto mo na ding lumipad." asar nitong lalaki pero tipid lamang na natawa.

"Nagulat lang... nakakadistract kasi yang mata mo." sabi ko nang pabuling ang mga huling sinabi ko.

"Sayo din. Hahaha, naramdaman mo din yun? yung parang pag titignan natin yung mata nang isat isa e parang naistuck?" shit! narinig niya!? sa lakas nang tunog ng ulan? narinig niya!? but wait! anong ibig niyang sabihin?

"Aaah oo nga no? para din kasi akong namesmerize sa mga mata mo." pag aamin ko. Ayos lang naman siguro ano? he's a stranger ayos lang siguro maging open dahil hindi ko na din naman siya makikita sa susunod.

"Ako din." sabi nito at nag dekwatro pa nang upo. "Baka destiny tayo?" natatawag sabi nito.

Pero ewan ko, bigla nanaman akong nakaramdam nang kiliti sa tyan ko at bakit pati labi ko ay hindi ko mapigilan sa pag ngiti ng sobra.

"Pero imposible, sa ganda mong yan? haha malabo." dagdag pa nito at ngumisi.

"O ano nanaman problema ng mukha ko?" sa pag kakataong ito ay bigla akong napanguso parang bigla akong nadismaya sa sinabi niya e.

"Miss kasi napakaimposible para sa mga lalaking tulad ko na pangit ang makamtan ang babaeng tulad mo." nakangiti niyang sabi pero mararamdaman mo sa tono nang pananalita niya na ang mga salitang kanyang binitawan ay isang katotohanan at tanggap niya ang bagay na iyon.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Nov 23, 2016 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

It must be destinyDär berättelser lever. Upptäck nu