"Tss, stupid people will really do stupid things just for a money." Walang emosyong saad nito at nailing pa habang sinusundan ng tingin ang isang itim na kotse kasunod and tatlo pa.

Agad siyang tumalikod at nag-simula ng mag-lakad nang bigla namang mag-vibrate ang suot nitong relo. Napahinga naman siya ng malalim at may pinindot sa relo.

"...."

"My ghad! Wala ka man lang ba sasabihin? Where the hell are you?! Bakit ba ang hilig mong umaalis ng walang paalam? Malalagot ako sa kanya e." Nag-hihisterical na sigaw ng isang babae sa kabilang linya.

"Nag-papahangin lang." Malamig na saad nito na ikina-pokerface ng nasa kabilang linya.

"You! You little—" hindi niya na pinatapos at pinindot ang off button sa screen ng relo niya.

"I have no time for that," ani nito at nag-simula ng bilisan ang lakad. "I still have a important thing to do."

CHESCA

Okay I give up.

Maling desisyon ang ayain ang mga ito mag-mall. Nakalimutan kong hindi nga pala na-uubusan ng energy ang mga batang 'to. Nako! Nalibot na nga yata namin ang buong mall na 'to. Napasukan na rin yata namin lahat ng store dito. The heck! Kahit make-up store pumasok sila, well exept sa dalawang lalaki. Ang babata pa e. Halos mawalan na rin ako ng dalawang braso kahihila nila sa'kin. Nag-pupumilit silang pumasok dito, pumasok doon.

Hell, ngayon nandito sila sa book store. Salamat naman at katatapos lang namin kumain. Halos anim oras na kami dito 3p.m. na rin.

"Kids, may napili na ba kayong bilin? C'mon, uuwi na tayo." Sabi ko sa kanila.

Ayaw pa sana nila kaso sabi ko babyahe pa. Marami silang biniling books. Si Princess puro fairytales, si Max puro related sa cartoons dyusko, si Jaren naman matino naman, bumili siya ng Percy Jackson series and Harry Potter series, grabe hindi ko alam na mahilig siya sa ganyan, si Rhian naman typical nerd style, series, novels and pocket books ang mga binili mana sa parents. Tsk-tsk nung ganyang edad ko wala akong ginawa kundi mamili ng damit at tumambay sa mansion. Wala nga akong hilog mag-basa ng ganyang edad ko pa. Hays.

Nasa parking lot na kami at malapit na sa pinag-parkan ko ng kotse ko ay nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may nakatingin? Tumingin ako sa paligid, wala naman kahina-hinala, mga taong walang masakyan sa kalayuan at mga lalaking nag-nanakaw ng tingin sa'kin at mga babaeng insecure. Duh! Sexy at maganda kasi ako.

*flips hair*

((A/N: suot niya po nasa media))

"Unnie, tama na ang pag-papaganda at sakay na." Princess said at binigyan ako ng bored look. Batang 'to! Panira moment. Pag-laki mo maffeel mo rin ako!

Nag-simula na akong mag-drive. Doon ko lang napansin na parang may sumusunod sa amin. Ako lang ba 'yun? O dahil traffic lang? Hayss! Ito na naman ako, nagiging paranoid na naman. Hindi ko nalang pinansin at nag-patuloy sa pag-ddrive

Halos tatlong oras ang tinagal namin sa byahe dahil sa bwisit na traffic, minsan nga masabihan si kuya na mag-pagawa ng private na daan para sa amin lang. Ka-stress.

Pag-pasok ng subdivision ay as usual, tahimik. Nasa dulo pa ang mansion at ito ang pinaka-malaki dito sa sub, actually pag-mamayari kasi namin 'to. Malapit na sana kami nang magulat nalang ako sa biglang pag-sulpot ng isang sasakyan sa harap ko. Napa-preno tukoy ako ng wala sa oras.

"Ouch!"

"Heck!"

"Ah!"

"Gosh!"

"Sh*t." that's me.

Inis akong tumingin sa harap pero nang-aasar yata ang driver nito at nakaharang pa rin. Hindi ba nila alam na daan 'to hindi parking lot?!

Inis na tinanggal ko anh seat-belt ko. "Kids, stay here." Sabi ko at inis na bumaba ng sasakyan.

Linapitan ko ang walang kwentang sasakyan, actually van siya pero wala akong pake! Gagalabugin ko na sana ang bintana nito nang biglang bumukas ang pinto nito at dahil sa gulat ay hindi ako nakagalaw.

Ikaw kaya ang tutukan ng baril tignan na'tin kung makapalag ka.

Hindi naman ako trained katulad ni kuya pero may alam naman ako. Pero kahit na! Isa lang ako no! Pito sila sa loob may baril pa.

Nakarinig ako ng yapak sa likod ko kaya napalingon ako doon. Doon ko napansing may dalawa pang kotseng nakapalibot sa kotse ko. Isa sa likod isa pa sa tabi nito. Hell. We're trapped.

Lumapit sa akin ang isang panget kasama ang marami pang panget. May mga hawak silang baril kaya nanatili lang ako sa pwesto ko. Napatingin naman ako sa kotse ko. Alam kong nag-papanic sila sa loob, tinted ang kotse ko kaya hindi mo makikita ang nasa loob pero alam kong nakatingin sila sa akin. Marahang umiling ako dahil alam kong gusto nilang lumabas.

Tumingin muli ako sa mga gunggong. "What do you want?"

"Wow! Boss, inglis ispokening si mis ganda." Sabi ng isa sa mga panget. Yuck! Kadiri itsura niya! Ang daming pimples. Like eww mukang ang baho pa niya. Lahat pala sila.

"Miss, sumama ka sa'min at hindi namin gagalawin ang mga kasama mo. Hahayaan lang namin sila basta sasama ka." Sabi ng boss daw nila habang nakangisi at nakatingin ng malagkit sa akin.

Damn. I'm dead.

His Gangster QueenМесто, где живут истории. Откройте их для себя