"We know" sabay sabay naming sabi

"Paano niyo nalaman?" Tanong niya hindi ko kilala kung sino

"Tss pasalamat nga nalaman pa kung hindi mabubulag lang ako" sabi ni dash tss para din naman sayo iyon eh...kaya ako nagsinungaling

"Well dapat hindi mo nalaman sana hindi mo na lang nalaman. Nandiyan na alam na isa lang ang misyon ng grupo niyo" tinaas ko ang isang kilay ko kailangan pa ba naming tanungin kung ano iyon?

"Ang protektahan siya. Dahil kung hindi, buong mundo ang magdudusa" sabi niya tumango lang kami

"Wala na ba kayong sasabihin? Pwede na ba kaming umalis?" Pag papaalala ko

"Anak..." I cut him off

"I forgive you dad" sabi ko nagyakap kami ni dad at umalis na kami

Hindi raw matutuloy ang contest ngayon dahil sa hindi ko malamang dahilan

Saktong paglabas namin ay recess na kaya dumeretsyo ako sa canteen bumili ako ng cake at  dinala ako ng mga paa ko kay dash para humingi ng sorry. Babaan ko na ang pride ko ako rin naman ang may kasalanan kung bakit magkaaway kami ngayon

Nakita ko si dash na papuntang hanging gardens kaya sinundan ko siya ng maabutan ko siya hinawakan ko ang braso niya pero nabigla ako ng sumigaw siya

"Fvck!" Nanlaki ang mata ko ng maramdamang galit siya napaatras tuloy ako

"Bakit ka nandito?!" Hindi ako makapaniwala na sumisigaw si dash at sa harap ko pa mismo

"G-gusto ko lang humingi ng sorry dahil sa pag--" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil inunahan niya ako

"Hindi ko kailangan ng sorry mo! Hindi ko rin kailangan ng sorry gift mo!" Hindi ko alam pero kumirot ang puso ko ng tinabig niya ang cake kong dala at bumagsak ito sa lupa hindi ko rin alam tumulo ang luha ko kahit naman magpatak yung cake wala siyang pakealam

"Sorry na dash" sabi ko at akmang yayakapin siya pero tinulak niya ako dahilan para matumba ako sa lupa

"Ayoko sa lahat yung niloloko ako!" Sigaw niya at umalis. Hindi niya ako tinulungang tumayo tulo lang ng tulo ang luha ko hindi na rin ako tumayo wala namang silbi

"Sana hindi ka na lang nangako na hindi mo ako sasaktan...sana hindi ka na lang nangako na hindi mo ako paiiyakin...ng sa ganon hindi ako umasa na tutuparin mo iyon...pero wala na akong magagawa dahil lahat ng iyon ay sana lang" bulong ko at umubob wala na akong pake kung madumihan ang puwet ko

...

Labasan na hindi ako susuko hihingi ako ng tawad kay dash kaya masigla akong pumuntang room para tanungin kung nasaan siya at sabi nila nasa hall daw kaya pumaron ako ng nakangiti bumili ulit ako ng cake ok let's say na binake ko yung cake para mas sincere

Bumagsak ang lahat ng luha ko ng makitang naghahalikan si dash at tanya kaya ang nangyari nabagsam ko ang aking binake na cake kaya napatigil sila ngumiti lang ako at pinawi ang luhang pumapatak sa mata ko at...

"Bakit tumigil kayo?? Ituloy niyo pa. Wala namang issue sakin GIRLFRIEND lang naman ako ayos lang sakin. Ay sorry dash ahh napatak ko yung cake sayo sana 'to eh" nilimot ko yung natapong cake at hinampas sa mukha ni tanya hinawakan ako ni daah sa braso ng sobrang higpit

"What the?!"

"Fvck! Bakit mo ginawa iyon?!" Sumigaw siya pero tumingin lang ako sa kanya

"Ikaw?! Bakit mo ginawa iyon?!" Tanong ko sa kanya at tumulo ang luha ko at ngayon nakahawak pa rin siya sa braso ko ng mahigpit

"Dahil nasaktan ako! Dahil yung mahal ko niloko ako!" What?

"Niloko? Nasaktan? Itanong mo nga yan sa sarili mo! Sino bang nanloko? Ikaw! Kung hinayaan mong magpaliwanag ako eh di sana naiintindihan mo! Naglihim ako sa iyo dahil ayokong mag alala ka ayokong madagdagan ang problema! Kahit pang sinabi mk na magkasama tayo sa lhat ng problema pero natakot ako! Natakot ako na baka pag nalaman mo mawala ka sakin" paliwanag ko binitawan niya ako akala ko tapos na

"Kahit anong mangyari sayo ako!" Depensa niya pero umiling ako

"Akin ka pa ba ngayon? Kung nasiil mo na ng halik ang babaeng iyan? Sana....sana hindi ka na lang nangako na hindi mo ako sasaktan..sana hindi ka na lang nangako na hindi mo ako paluluhain...pero p*tangina! Naggawa mo na! Ang sakit! Ang sakit sakit sa ating dalawa sino ang nanloko?! Sino ang nanakit?! Ako ba?! Ha? Ako ba?! O ako yung naloko? Ako yung nasaktan diba? Ako!" Sigaw ko at umalis na

Tulo lang ng tulo ang luha ko mabilis akong nagtungo sa aking sasakyan at pinaandar ito ng mabilis hindi ako dederetsyo sa bahay nagtext sa akin si dad na hindi siya makakauwi at hindi niya mababantayan si frost kaya dun ako nagtungo

"Tulungan mo ako frost.....hindi ko na kaya"

Sacrifice (MAJOR EDITING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें