Five: Cheer up, my friend!

22 1 0
                                    

Itatago niya na dapat sa bulsa ng kanyang pantalon ang tinope niyang papel nang bigla na lang kunin ito sa kanya ni RJ at mabilis itong naglakad palabas ng library. Sinundan niya naman ito.

"RJ, ano ba!" galit na tawag niya rito. "Balik mo sa'kin 'yan."

Kumuha ito ng pulang laso sa may drawer at pumunta sa punong si Buddy saka isinabit nito roon ang papel niya.

Humarap ito sa kanya. "Dito mo naman talaga 'yan ilalagay di ba?" untag nito.

Di siya nakapagsalita sa ginawa nito.

Nilapitan siya nito at tinapik sa kanyang kanang balikat. "May pupuntahan tayo."

"Ha?" kunot-noong tanong niya.

"Sabi ko, tara na," utos nito.

"Saan mo 'ko dadalhin? Ayoko ha!" natatakot na sabi niya.

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at lumapit sa kanyang kaliwang tainga.

"Doon sa lugar na makakalimot ka at makakaramdam ka ng tunay na kaligayahan," malambing na bulong nito sabay kindat sa kanya.

Parang nakiliti siya sa batok dahil sa mga sinabi nito.

Tumalikod na ito sa kanya at naglakad papalayo. "Mag-i-enjoy ka roon," anito.

"Hoy, RJ, ayoko!" sigaw niya rito.

"Let's go, Sanz!" mariing utos nito.

Napapikit siya at sumunod na lamang dito.

Nakiusap ito sa driver nila na ihatid sila sa mall at hintayin lang.

Naglalakad-lakad na sila sa mall at mukhang may hinahanap si RJ dahil hindi mapakali ang ulo nito.

"Ano naman ang gagawin natin dito?" galit na tanong niya. "Wala akong pera, ha."

"Kaya nga tayo pumunta rito, di ba."

"Ano?" kunot-noong tanong nito.

"Hinahanap ko 'yong customer natin," seryosong sagot nito.

"Customer?!"

Agad niya itong tinampal nang makuha ang ibig sabihin nito.

"Aray ko naman!" natatawang sabi nito.

"Hoy, Ralph Jordan, tigilan mo 'ko, ha," galit na sabi niya saka ito tinalikuran. "Aalis na 'ko!"

"Hoy, teka, joke lang," anito sabay hawak sa braso niya. "Wala namang papatol sa'yo," biro pa nito.

Hinampas niya ito sa dibdib. "Ano ba kasing gagawin natin dito?"

Pinisil nito ang kanyang ilong saka pinunas ang daliring pinampisil dito sa damit niya. "Magpapakasaya," matipid na sagot nito.

Iginala niya ang mga mata sa paligid. "Mag-wi-window shopping tayo?!"

"Ano'ng window shopping?! Ano 'yun?!" sarkastikong sabi nito.

She rolled her eyes.

"Kami kasing mayayaman, di namin alam 'yang...ano nga uli 'yun?!"

"Yabang!" mataray na sabi niya rito.

Itinuro ni RJ ang jewelry shop na malapit sa kanila.

"Kilala ko ang may-ari n'yan."

"Sino?" untag niya.

"Tatay ni Jarred," tugon nito sabay takip sa bibig.

Inirapan niya ito. "Ha-ha-ha."

Hinila siya nito papasok sa jewelry shop na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon