Prologue _My_First_Impression_

27.7K 361 34
                                    

   VOTE :">

___________________________________________________________________

I'm InLove with My Enemy   

Prologue

❤My first Impression❤

Halos buong buhay na akong nagsisikap sa lahat ng gawain. Pagdating sa pagaaral, pagluluto, sa mga computer games, sa mga sports at sa iba pa. Ang tanging gusto ko lang naman noon ay ang simpleng pagpuri sa akin ng mga taong nagaaruga sa akin pero lalo ko lang ginalingan dahil nababanas ako sa isang tao.

Ako nga pala si Isabelle, na kadalasan nilang tinatawag sa nickname ko na 'Isa'. Hindi ganon kayaman ang pamilya ko noon pero hindi ko maikakaila na masaya kami noon.

Hindi ko talaga inasahan na ang lahat ng iyon ay matatapos ng dahil sa malakas na bagyo na tumama sa lugar namin.

Nabagsakan ng poste ang bahay namin ng mga panahon na iyon... 

Si mama at papa ay tahimik na natutulog at pinapalipas nalamang ang bagyo nang biglang.

BOOM!

pagkakita ko sa kwarto nila sakto pala sa kanila yung poste, halos di nga ako makakilos.

Pagkatapos ng mga trahedyang yon, no choice ako na pumunta na lamang sa orphanage.

Nung una sadyang hirap akong magstay doon kasi kadalasan akong naOOP sa mga bata.

At sadyang nagEEMO pa ako noon.

Nang nasa labas na kaming lahat para paglaruin, wala nanaman akong kasama kundi yung sarili ko. Nakakabuang nga at nakagawa na ako ng imaginary friend ko. Habang naglalakad ako at lumilipad ang isip bigla akong may nabangga.

"anu bang' problema mo? binigyan ka ng mata para tumingin sa daanan", sabi ng lalaking nabangga ko.

Naku,

nakakainis nga eh.

Kaso di naman ako makapagsalita kasi bago lang naman ako tapos gagawa ako ng eksena.

Nang biglang may nakisali,

"aksidente lang naman yon, pabayaan mo na", sabi ng isang batang lalaki.

Unang kita ko pa lang sa kanya,

siguro di ko lang sya napapansin pero ang cute-cute nya.

I'm Inlove with My Enemy _[ COMPLETED ]_Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon