16

858 52 5
                                    

"Saan dito yung magiging kuwarto ko?" I asked him while roaming around his condo unit. Maganda ito, moderno ang pagkakadisenyo at sobrang linis tignan, well.. Ano nga bang ineexpect mo sa taong mayaman at kayang-kaya magbayad ng mga manggagawa para linisin ang pag-aari niya?

"Isa lang ang kuwarto dito, Faia.. So it means magkasama tayo sa iisang kuwarto." Sambit nito habang dinadala ang mga gamit ko sa gilid ng sofa. What the hell? Anong magsasama kami sa iisang kuwarto?

"Are you fucking serious, Hernandez? Dito mo ako papatirahin sa condo unit mong isa lang pala yung kuwarto at wala akong masasabing akin? What the hell, Hernandez!" Naiirita kong singhal sa kaniya. Matiim ako nitong tinignan bago ngisihan.

"Well, you can call me yours." Napatigagal ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang unti-unting pamumula ng aking pisngi dahil sa hirit niyang iyon, hindi ko mawari kung dapat ba akong mainis o kiligin sa sinabi niya. Kasi una sa lahat one night stand lang yung nangyari sa amin at we don't know each other personally.

"Matutulugan ba kita?" Inirapan ko ito bago padabog na nagtungo sa kusina para maghanap ng makakain.

Naramdaman kong hindi ito sumunod sa akin, iyong mga gamit ko ay dinala niya na doon sa nag-iisang kuwarto. Hindi na ako nagprotesta pa dahil wala na akong lakas para gumawa ng argumento sa pagitan naming dalawa. Masyado na akong gutom, kakain na lang ako kesa makipag-away sa mokong na 'yon.

Binuksan ko iyong ref at puro pitsel ng tubig lang ang bumungad sa akin. Napatulala ako sa dinatnan, sht, gutom na gutom na ako dahil ang tagal nung ibinyahe namin papunta sa condo na 'to dahil nastuck kami sa traffic tapos puro pitsel ng tubig lang yung nandito?! I'm disappointed!

Padabog kong sinara iyong ref at tuluyan akong napaupo sa sahig nitong kitchen. Hinang-hina na ako sa gutom, hindi talaga magandang ideya itong pagsama ko sa kaniya, sana 'man lang pinigilan kami ni Dad o kaya nagpaka-overprotective sa akin si Mommy. Mamatay ako sa gutom dito.

"Are you hungry?" Boses iyon ni Rafael na ngayon ay papunta na sa kinalalagyan ko. Bagot ko itong tinignan, nakaramdam ako ng antok pero nangingibabaw iyong gutom.



"Halos dalawang oras tayong bumyahe papunta dito, at kaunti yung nakain ko sa bahay kanina tapos nung pagbukas ko sa ref mo puro tubig lang laman. Tama pa ba yung word na hungry para i-describe 'tong nararamdaman ko? Hinang-hina na ako sa gutom!" Inis kong turan dito. Tinititigan lang ako nito habang nagsasalita, tinaasan ko naman ito ng kilay. Nagulat ako ng bigla ako nitong buhatin, dahil sa labis na gulat sa pagod at sa gutom ay hindi na ulit ako pumalag.



"Matulog ka muna, bibili lang ako ng makakain natin." Sambit nito ng tuluyan akong mailapag sa kama. Hindi ko na ito tinanguan o tinignan 'man lang dahil agad-agad na akong bumaling sa galiwang kaliwa ko at natulog na.


Nagising ako ng alas onse ng gabi. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom, marahil ay nagtatantraums na iyong baby sa tiyan ko, bukod pa 'don ay paniguradong dapat na akong kumain sa mga oras na 'to, ramdam na ramdam ko pa rin iyong panginginig ng kalamnan ko.




Lumabas ako ng kuwarto para pumunta sa dining area, panigurado namang nandito na si Rafael at dala-dala na iyong pagkaing binili niya. Bumungad sa akin ang mga pagkaing nakabalot pa galing sa isang sikat na fast-food chain, napasapo ako sa noo ko at nakaramdam ng pagka-dismaya. Fast-food is not healthy. Pero ng makita ang natutulog na si Rafael habang nakayuko sa lamesa ay napabuntong hininga na lamang ako.





"Hey, wake up." Tinapik-tapik ko ang mukha nito para magising siya. Umayos ako ng upo ng magising na siya.




"S-Sorry...nakatulog ako."





"It's okay, kumain ka na rin." Inilabas ko na iyong spaghetti na may kasamang chicken sa supot. May apat na burger na malalaki at may dalawang malaking fries, may tatlong ice cream pero tubig lang ang binili niyang drinks.





"Ayos na ba 'yan sayo?" Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nito. Nagugutom lang ako pero hindi naman ako patay gutom, sobra na nga ito para sa aming dalawa.





"Sobra pa nga ito sa ating dalawa eh. But please, next time... You shouldn't buy fast food kasi unhealthy 'to para sa buntis, para sa baby. Hindi pa ako nakakapagpa-check up sa Doctor... Kaya wala pa akong vitamins at kung ano-ano." I said bago ko ilapag ang pagkain niya sa harapan niya at bago ko simulan ang pagkain ko.






"Sorry... Hindi ko kasi alam yung gusto mong kainin e, and besides.. Baka yung ayaw mo yung mabili ko."
Nahihiyang saad nito.







"Kahit anong pagkain ang bilhin mo I won't mind, gutom na gutom na ako mag-iinarte pa ba ako? Okay lang naman e, basta next time yung healthy na pagkain na." Ngumiti ako sa kaniya na sinuklian niya rin naman ng tipid na ngiti.







"Let's do our best para sa baby... Para sa magiging pamilya natin."

****

This Time Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt