Untitled Part 1

7 0 0
                                        


         While you draw out the person who left
    Your tears keep falling but you wish for that person's happiness
   Where will you find a nice person like that these days?
Even a long time ago, they probably only just said that

                                  -VIXX Love Equation.




*********





"Bakit ba naman kasi e! Palayasin daw ba sa gitna ng gabi-- ay, hindi pala ako pinalayas, ako pala ang lumayas. pero pareho na din yun! Tsk!" asar na sambit ng dalagitang si Seiichi Kitamura habang pinapagpag ang kanyang makinis na binti na may mga kagat na ng lamok. Hila-hila nya ang kanyang kaisa-isa at hindi kalakihang maleta  habang naglalakad sa isang kalsada. Ang dahilan kung bakit sya naglayas sa kalagitnaan ng gabi ay ito...



---Flashback---


"Seiichi!" malakas na tawag ng kanyang ama mula sa sala ng kanilang mansion. 


Agad na napabangon si Seiichi mula sa pagkakadapa sa kanyang kama at tinanggal ang earphones na nakasalpak sa kanyang tainga saka tumakbo palabas ng kaniyang kwarto. Pagkadating nya sa sala ay nakita nya ang nakangiting mukha ng ama. Isang dahilan kung bakit excited sya nang marinig ng boses ama ay dahil bihira sila nitong magkasama dahil sa kanilang negosyo. Noon pa man ay malaki na ang kanilang kompanya pero ngayon ay mas lumalago ito dahil sa kasipagan at katalinuhan ng kaniyang ama.



Ang kaninang tumatakbong katorse anyos na si Seiichi ay napalitan ng paglalakad sa nakita. Nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makitang hindi nag-iisa ang ama at may katabi itong babae na kabig pa nito sa baywang. Sopistikada ang dating ng ginang na kung tatantiyahin ay nasa edad na treinta y siete lamang. Maganda ang mala-anghel na mukha nito at ang kanyang maputi at makinis na kutis. Nagtataka sya kung sino ito. Imposibleng ito ang ina nya dahil matagal nang pumanaw ang kaniyang ina.


"Dad?" nagtatanong ang tinig at tingin ni Seiichi. Napatingin sakanya ang ama na nakikipag-usap sa katabi nitong magandang babae.


"Baby! Come here," masiglang tawag sakanya nito. Dahan-dahan syang bumaba ng hagdan habang nakahawak hagdanan. Nang makalapit sya sa ama ay yumakap sya dito at humalik sa pisngi habang ang paningin ay nasa babaeng katabi nito. Ngumiti ito sakanya ng matamis.


"Don't give her such stare, baby. You might scare her." Natatawang wika ng kaniyang ama.


"Who is she?" tanong nya habang nasa babae parin ang paningin. Iginaya ng kanyang ama ang babae sa harap nya at tumikhim.


"Seiichi, I want you to meet your Tita Angie. She's my fiancé." nakangiting sambit nito. Gulat na napatitig sakanilang dalawa ang dalagang si Seiichi. Hindi nya alam kung ano ang tamang ibigay na reaksyon para sa dalawa na mukhang masaya sa isa't sa.  Maraming tanong ang nakapila sa isip nya at hindi nya alam kung nakapila pa ba iyon o sumabog na dahil sa sobrang  gulo ng isip nya.

A Lian Kitamura's Love StoryStories to obsess over. Discover now