"Sana nga ganyan kadaling sabihin yan... sana ganon din kadali mapalitan kung sino ang nasa puso ko..." sabi ko
"Bat dimo siya bigyan ng chance maging kayo?.. malay mo diba?" -- liz
"Hindi pako ready liz.." sagot ko
"Kelan ka magiging ready? pag nabaliw ka na sa Ed na yan? Hays naman.. bessie, mag-isip kadin, ikakasal na siya... wala na kayong pag-asa" sabi niya na ikinasakit ng puso ko
Tama siya, ano pa bang dapat kong hintayin?
Hihintayin ko pa bang lalo akong masaktan dahil sakanya?... hayss...
.......,.....
Ang aga aga kong nagising , hindi ko alam kung bakit...
Pagbaba ko...
Naabutan ko si Ed sa kusina...
Tatawagin ko sana siya kaso bigla siyang nagsalita.... nakaheadset pala, may kausap sa phone,
"Diba sabi ko sayong wag kang magpapagod? my gad Mia... wag lang sarili mo ang iniisip mo... dalawa na kayo ngayon" sabi niya ng may pagalit
Na curious tuloy ako...
"Mia... promise me na iingatan mo ang sarili mo pati yang bata sa tyan mo hanggang makabalik ako, okay?" Yung sinabi niya na yun, na ikinagulat ko..
Napaatras ako... buntis na pala si Mia kaya magpapakasal sila...
Lumayo nako sa kusina at bumalik ng kwarto...
Kaya ba minamadali ang kasal nila dahil buntis na si Mia?...
Iniisip ko tuloy ..kung noon ba sinabi ko kay Ed na buntis ako, papakasalan din kaya niya ko?... pero hindi ko naman kayang ikulong ang isang taong hindi ako mahal para lang panagutan yung nangyari samin...
Dun ko napagdesisyunan na....
"Rus.. kita tayo ngayon please" tinext ko siya
He replied..
"Im on my way:)"
Nag-gayak agad ako...at hinintay siya sa baba...
"Ohh san ang lakad?" tanong ni Ed ng makita ako
"Magkikita kami ni Russel" sagot ko
Hindi siya umimik...
"Ikaw na muna bahala kay Alexis ha?" bilin ko sakanya
"Wag ka ng umalis" sabi niya
"At bakit?" tanong ko
"Dahil ayoko" sagot niya
"What?! baliw ka ba?.. hindi kita tatay or nanay para pagbawalan akong umalis okay?" pagtataray ko na naman
"Alex naman eh.. bat kapa kasi makikipagdate?! may anak ka na, hindi na dapat ganyan.." sabi niya
"Ayos ka din no?.. walang kang karapatan na sabihan ako ng ganyan..." saka ako tumalikod at umalis
Na-offend ako sa sinabi niya...parang nais niyang sabihin ang flirt ko kasi nakikipagdate ako even na may anak nako..! hays!
hanggang kelan Ed? hanggang kelan moko sasaktan sa mga sinasabi mo?
Galit na galit talaga ko...
Hindi na nakababa ng kotse si Russel dahil inabangan ko na siya sa labas at pumasok nalang ako bigla..
"Okay ka lang?" siguro napansin niyang galit ako
Natauhan naman ako..
"Umm yeah, im fine.. sorry, tara na" sabi ko
YOU ARE READING
Revenge To My Sister's Ex (COMPLETED)
Romance"Gaganti ako, bwisit na lalaki yun pinaglaruan ang ate ko... Humanda ka Ed Guevarra". Yan ang pangako ni Alex sa sarili niya.. Gagawin niya ang lahat para lang maipaghiganti ang mahal niyang ate na nasira ang buhay dahil sa lalaking nan...
Kabanata 36
Start from the beginning