HNP - 4

144 3 0
                                    

Isang engineer ang nawalan ng trabaho at umisip siya ng ibang paraan para kumita ng pera.

Nagpanggap siyang doktor at sa labas ng clinic ay naglagay siya ng notice:

"Php500 ang konsulta, pag hindi ko kayo nagamot bibigyan ko kayo ng Php1000."

Isang doktor ang napadaan at sinubukan ang pakulo ng engineer.

Engineer: Ano ho'ng sakit niyo?

Doktor: Nawala ang panlasa ko dok.

Engineer: Ganun ba, sige. Nurse pakikuha nga yung gamot na nasa box #22.

(Pagkakuha ay pinasubok agad ito sa doktor.)

Doktor: Pwe!! Gasolina ito eh!

Engineer: Aba, bumalik na ang panlasa niyo!

Doktor: (Tsk naisahan ako dun ah!) (Nagbayad ng Php500)

Kinabukasan, bumalik muli ang doktor para isahan uli ang engineer.

Engineer: (Siya nanaman?) Ano ho ang sakit ninyo?

Doktor: Dok nawala po ang memorya ko.

Engineer: May gamot ako diyan, nurse, pakikuha nga yung gamot na nasa box #22.

Doktor: Teka, e gasolina yun diba??

Engineer: Tama ka! Bumalik na ang memorya mo! Bale Php500 ang konsulta...

Doktor: (Kainis!) (Nagbayad nanaman ng Php500)

Nag-isip muli ang doktor.

Doktor: Teka lang dok, parang... parang lumalabo yata ang paningin ko.

Engineer: Hmm... sandali lang ha. (Nag-isip)

Doktor: (Sa wakas! Naisahan din kitang hayerp ka!)

Engineer: Pasensya ka na pero wala akong gamot para diyan. Heto ang Php1000...

Doktor: (Nagulat) Teka!! 500 lang to ah!

Engineer: Congrats! Malinaw na ang mata mo! 500 haha

Hindi Nakakatawa, Promise!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt