"Gago! Mama---matay muna a-ako ba--go makipag---balikan sa y-yo!" bulyaw ni Kyle sa kanya.

Shit. Baka maprovoke ang demonyita at may magawa sa kanya.

"Kyle, stop it!... Kate, let go of him! Tayo ang magtuos!" sigaw ko para makuha ang atensyon niya.

Tumaas ang kilay ni Kate. At ngumisi ulit ng parang kukunin na ng impyerno.

"Ah, ganon?..." at mabilis niyang inalis ang braso niyang nakapulupot sa leeg ni Kyle at nanlaki ang mata ko ng mabilis niyang itinarak ang kutsilyong hawak sa tagiliran ng mahal ko.

"Aaaahhhhhh!!!!" at halos hindi maipinta ang mukha ni Kyle pagkatapos siyang masaksak ng kutsilyo. Nagawa pa niyang hawakan ang tagilirang inaagusan na ng maraming dugo bago tuluyang bumagsak.

Fuck herrrr! Naangat ko agad ang kamay ko para barilin siya pero hindi ko inaasahan na mas mabilis siya sa akin.

Isang bala ang tumama sa tyan ko. Kitang-kita ko pa kung paano siya ngumiti pero kalaunan ay may umagos ring dugo sa may dibdib niya.

"Maiah! Maiah!" naririnig ko ang tumatawag sa akin pero hindi ko na alam kung sino. Narinig ko rin ang ilang balang pinakawalan at pinatama sa katawan ni Kate, pero isang bala pa ang pinakawalan ni Kate  at  bumaon sa may tyan ko bago kami bumagsak pareho.

"Maiah! Maiah! Maiah!"

Wala na akong marinig. Wala na akong makita. Nanghihina na rin ang katawan ko. Parang tumigil na rin ang pagpintig ng puso ko. Ano ng nangyayari? Hindi ko na naririnig ang mga tumatawag sakin. Hindi ko na makita si Kyle. Hindi ko na alam kung ano ng nangyari sa kanya.

Pero sana lang ay buhay pa siya. Kahit siya na lang ay okay na sakin.


***
KYLE

Nagising ako na masakit ang lahat. Ang mata ko, ang pisngi ko, ang mga kamay ko, ang katawan ko.

And everything becomes white when I finally open my eyes. Am I blind?

"Anak!" at may narinig akong boses. Naramdaman ko ang pagdulog ng isang tao malapit sakin. Nayakap niya ako ng mahigpit, nananakit man ang katawan ko, wala akong lakas para tumanggi.

Kinurap ko ulit ang mga mata ko. Unti-unti kong naaninag ang Daddy ko. Isa pang kurap at naging malinaw na sakin ang hitsura niya. Fuck! It's Dad. Hindi ako bulag. Kahit papaano ay nakahinga ako doon. Makikita ko pa ang mahal ko.

"D-Dad..." mahina kong sabi. Nakita ko din ang ilang members ng Elite Team at ang Boss nila.

Maluha-luha na tumitig si Daddy sakin at pilit na ngumiti. "Oh God, Kyle Joseph! I almost die nung hindi ka magising ng 2 araw! Shit! Your mom will fucking kill me, did you know that?! Oh God, thank you so much you're awake!" tuwang sabi niya at niyakap ako ulit.

Napaigtad ako sa sakit. "Oh Dad! It freaking hurts! Aagghhh!" sigaw ko.

"Oh shit!" at agad siyang lumayo at chineck ang masakit sakin. "I'm sorry, son! I should call the nurse." at akmang tatalikod na pero pinigil ko.

Nakakatawa tong Daddy ko. Parang babae na hindi mapakali. Dahil ba takot siyang mawalan ng gwapong anak? Hindi mapakali at natataranta kahit ayaw ipahalata.

"N-no, Dad. Don't. I need to see Maiah. Wala ba siya dito?" tanong ko agad.

Hindi ko na kasi alam kung ano'ng nangyari pagkatapos akong masaksak ni Kate. I know I lose consciousness the moment she stabbed me.

Natigilan si Daddy. Nakita kong nagkatinginan sila ng Boss ng Elite Team at ng 2 members na nandito sa loob.

Kunot ang noo ko.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon