14 : MUSIC MAKES THE PAIN FADE

Start from the beginning
                                    

Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Noah kanina.

"May pagtingin ka na ba kay Ralph?"

"Akin ka lang Iana, tandaan mo yan."

Sa lahat nang sinabi kanina, ayan lang ang natatandaan ko.

"Iana, may tanong ako sayo." naka ngiti niyang sabi yung nakakaloko ba?

"Cass, stop that. Kilabutan ka nga." sabi ko.

Tumawa kaming dalawa.

"Mahal mo na ba si Ralph?" mukhang seryoso ang tanong niya dahil kung nag bibiro siya dapat may Papa Ralph.

Napaisip ako.

"H-hindi." ayan din ang naisagot ko kay Noah.

Napa cross arms siya and raised her brow.

"Bakit nauutal ka? hay nako Brianna, you have to know baka malalaman mo na may iba na siya. *hinawakan niya ang kanan kong kamay at inilagay ito sa dibdib ko* maybe it'll be too late, sige ka pag sisihan mo yan."

May feelings na ba ako sakanya? anong masasabi niyo readers?

It's been 7 months, since pumasok ako sa university na ito. Ang bilis din no?

*riiing* *riiing*

"Hello?" Cassie

"Oh Alex! napatawag ka?"

"Ah...Sige Sige...as in ngayon na? okay we're on our way." binaba ni Cassie yung phone niya ng nakangiti.

Hay nako pag dating talaga kay Alex nako.

"Bakit daw?" tanong ko.

"May Gig daw sila sa underground. Punta daw tayo."

"Underground? saan yun? kailangan bang hukayin yan?" tanong ko

Binatukan niya ako. "Ano ka ba! lugar yun parang may hagdanan papuntang underground kung saan may nag tutugtog na banda every night, sikat kaya yun."

"Oooh, saan lupalop ba ako nag punta at hindi ko alam yun? Hindi naman ako siguro nagka amnesia no?" tanong ko.

"Aba ewan ko sayo, Tara na nga baka dumami pa yung crowd." at hinila niya ako palabas ng mall.

Nakasakay na kami sa taxi.

"Ikaw ba? may pag tingin ka kay Alex?" tanong ko.

Ngumiti siya. "To be honest, di ako sure at kung meron man hindi pwedeng maging kami kasi alam mo naman yung rason diba?" biglang nawala ang mga ngiti niya.

Tumango nalang ako.

Napaisip ako, Edi kung nandoon si Alex and that means nandoon din si Ralph? okay Brianna this is it alamin mo na kung ano ang nararamdaman mo sakanya.

SPENCER'S POV

Padami ng padami ang mga tao dito sa Underground, and now we're getting ready.

"5 minutes.." sabi ni Kuya Efren, siya yung namamahalaga nitong Underground.

Nandito kami sa gilid ng stage, kakarating lang din ni Jam.

Saan nga pala nag punta 'to?

"Ralph, anong ginagawa ni Noah dito kanina?" tanong ni Alex habang nag aayos ng kung ano ano.

60 SEC II : I WON'T GIVE UP [SLOW UD]Where stories live. Discover now