"I missed you, too, RJ!"

"Single ka daw?" Pambungad ni Billy sa akin. Isang playful model na nasa agency nina Kita.

Ngumiwi ako. "Oo. And very, very available." Kinindatan ko siya.

Narinig kong umalingawngaw ang tawa ng isang preskong model na kilala ko rin.

"BRANDON!" Halos mapatili ako nang yakapin ko ang isa sa pinaka close kong modelo.

Kakalipat niya lang ng agency. Nasa kabilang agency kasi siya noon pero hindi ko alam bakit napadpad siya dito sa kabila.

"See, guys?" Sabay tawa ni Kira.

Sa dagat ng mga male models ay nakita kong nakatayo at humahalukipkip si Hector. Mukha mo! Tangina mo! Hayop ka! Naiinis ako kasi kung makapag react siya ay parang kanya parin ako pagkatapos ko siyang iniwan?

Tinaas ko ang kilay ko at bumaling kay Kira. "O, bakit?"

"Napadaan kami dito tapos naisip kong pumasok kasi nafifeel ko na nandito ka." Tumawa si Kira. "Uy, next week ah-"

"Excuse me..."

Kumalabog ang puso ko nang narinig kong pinutol ni Hector ang pagsasalita ni Kira. I cannot believe it! I just can't! Tumikhim ako at bumaling sa gilid sabay iling. Nagmumura na ako dito na parang tanga dahil sa biglaan niyang pag sulpot.

"Yes?" Namilog ang mata ni Kira nang bumaling siya kay Hector.

Kinagat niya pa ang labi niya na parang natatakam habang ni hi-head to foot siya. Nakatingin ng diretso si Hector sakin. Kitang kita ko ang pag wo-walk out ni Clark palabas ng fastfood habang nangyayari ang lahat ng ito.

"Hector Dela Merced! We meet again!" Naglahad ng kamay si Kira ngunit di iyon pinansin ni Hector. Imbes ay bumaling lang siya sakin.

"Pwede ba kitang makausap?"

Narinig ko ang buntong hininga nina Desiree, Tara, at Janine.

"Bakit po?" Tumatawang tanong ni Desiree.

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sagot ni Hector.

"OKAY!" Sinigaw ko ang sagot nang sa ganun ay hindi siya magpaliwanag sa kanila. "Excuse me lang, Kir. Sa inyo din, boys... I'll be back." Kinindatan ko sila at dumiretso palabas ng fast food.

Padabog akong nagpartsa hanggang parking lot. Nang nakalayu na ng husto ay humalukipkip ako, tinaas ang kilay , at binalingan si Hector.

"What is it, Hector?"

Umamba siyang magsasalita pero hindi ko na napigilan ang bibig ko.

Nanginginig ito habang binabara siya ng iba't ibang salita.

"HAYOP KA! Ang kapal ng mukha mo sumingit sa usapan ng may usapan! Ayaw na kita sa buhay ko! Naka move on na ako kaya pwede ba wa'g ka nang sumawsaw! Masaya na ako dito-"

"Makinig ka-"

"Okay lang naman eh! Okay lang naman na nandyan ka sa tabi pero wa'g na wa'g mo lang akong iistorbohin sa buhay ko! Kasalanan ko ba na dito talaga ang mundo ko! Mabuti pa bumalik ka na lang sa Alegria since iyon naman talaga ang mundo mo diba kasi nakakairita ka!"

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon