Nang makarating sa canteen ay dumiretso na ako sa pila at nag order ng pagkain nang makapagbayad ay hinanap ko naman si Athena na prenteng nakaupo na sa table malapit sa exit ng canteen.


Lumapit na ako rito at naupo na sa harap n'ya.


"Hindi ka ba bibili ng pagkain mo?" nagtatakang tanong ko kay Athena.


"Si Cedric na ang bumili ng food ko, girlfriend. Di ba ang gentleman nya." tuwang-tuwang batid nya.


"Cedric?" takang tanong ko. Isa sa mga kahinaan ko ay ang pagtanda ng pangalan ng mga taong hindi ko naman ka-close.


"Oo, si Cedric ang kaibigan ni Mr. Freak na nagngangalang Clyde by the way." masayang sabi n'ya na ang tono pa ay as a matter of fact. Nagkibit balikat naman ako.


"Hindi ko alam na kasama pala sa getting to know your partner ang pagbili nang ulam." inosenteng sagot ko sa kanya.


Tinawanan naman nya ang sinabi ko. "Alam mo may pagkakontra bida ka pero malay mo this is the start of our forever." 


Ayokong mabingi sa kakareklamo ni Athena kaya hindi ko na ito kinontra. Masyado ko nang kilala ang isang ito at hindi ito papayag na hindi masunod ang gusto nya. Spoiled.


Hindi yata napapagod si Athena kakangit. Kung anong dalas ng pag simangot ko ay s'yang ikinadalas naman ng ngiti nya.


Itinutok ko nalang ang mga mata ko sa pagkain ko nang maramdaman ang paglapag nang tray sa tabi ko at naupo. Hindi ko na rin ito nilingon dahil sa ngiti ni Athena nung matunghayaan ko ito kaya sigurado akong si freak ang katabi ko.


Naupo na rin sa tabi ni Athena yung kaibigan ni freak na nagngangalang Cedric daw at isa-isang inilapag sa harap ni Athena ang mga pagkain na binili n'ya para rito.


Malalim akong napabuntong hininga nang maisip na mapapadalas na makakasama namin ang dalawang lalaking ito dahil una ka-partner namin sila at pangalawa mukhang hindi na papayag si Athena na mawalay pa kay Cedric.


"Ang lalim ng buntong hininga mo ah?" walang expression na batid nitong lalaking nasa tabi ko nang limungin ko at laking gulat ko na mapansin ang pagkakalapit ng mukha namind dahil sa pagdungaw nito sa akin na hindi ko kaagad naiwasan.


Sa saglit na magkalapit ang mga mukha namin ay nagawang suriin ng mga mata ko ang mukha nya. Ang mga mata nyang kulay caramel, mahaba at makapal ang pilik mata nya, taas at baba man. Ang ilong naman nya ay matangos ang ilong at bagay na bagay ito sa hugis nang kanyang mukha.


Bumaba ang paningin ko sa labi n'ya na hubig pana ni kupido at namumula-mula pa. Natanaw ko ang ngiti sa mga labi nito kaya muli kong ibinalik ang mga paningin sa mata nya at agad akong nya akong kinindatan. Napapasong lumayo naman ako sa aming pagkakalapit.


Inirapan ko muli s'ya at inabala nang muli ang sarili sa pagkain pero tila wala sa pagkain ang isip ko dahil iniisip ko kung dapat ba akong mainsecure sa lalaking ito dahil maganda pa ito sa akin. Sinulyapan ko naman ang dalawang kaharap namin na tila may sariling mundo na at hindi na napansin ang nangyari sa amin ni freak.


"You're 18 and not eating vegetables huh?" pag-uusisa nito sa kinakain ko. "All your vegetables are on the side." bati n'ya at isa-isang tinuhog ng tinidor nya ang mga carrots at patatas na itinabi ko sa pinggan ko.


Gulat ko s'yang nilingon dahil sa ginawa at tinignan nalang sya. Walang salita ang nais lumabas sa bibig ko.


"What? It's sayang." 


"Tsh. Kulang pa ba yang nasa pinggan mo?" galit kong asik sa kanya nang makabawi sa pagkakagulat.


Muli kong sinulyapan si Athena at Cedric na natigilan at agad ring natawa ng samaan ko ng tingin. Ang katabi ko naman ay halos walang pakielam.


"So your name is Lavish Veronica Gosiaco, doesn't like to be called Lavish, masungit and doesn't eat vegetable." nang-aasar muling batid n'ya. "Getting to know you over lunch is fun huh? How about you have you learned something about me?" nakangising tanong nya.


"Yeah, your name is Clyde, I don't remember your surname, you're annoying, mayabang, and matakaw." tila nagyayabang kong sagot.


"You don't even know my surname, Missy." umiiling-iling nyang sabi. "Paano na kung values and beliefs pa ang aalamin mo baka hindi na tayo pumasa nyan?" mapang-asar na wika nya.


Wala ba 'tong alam kung hindi ang mang-asar?


"Tsk. I didn't listen when you introduce yourself because clearly I don't care." muli kong narinig ang hagikgikan nang dalawang nasa harap namin na tila tuwang tuwa sa comedy movie na pinapanood.


Inilapit nya pa lalo ang mukha nya sa akin. Naikuyom ko naman ang mga kamay kong nasa ibabaw ng lamesa nang ma-realize na wala na akong uurungan at maling kilos ko lang ay malalaglag ako sa kinauupuan. 


Tinanaw nito ang mga kamay ko at inabot. "Baka masuntok mo ako sa diin nang pagkakakuyom mo." nagpipigil tawa nyang sabi na tila ba ramdam na ramdam na nya ang pagkapikon ko.


Nanlaki ang mata ko nang maramdaman na hinalos ng hinlalaki nya ang kamao ko at tila inaasahang kakalma ito pero lalo ko lang itong naikuyom at marahas na binawi ito at binigyan sya ng masamang tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang ay kanina pa ito pinaglalamayan.


Bumunghalit na sya ng tawa na pagkalakas lakas kaya naglingunan ang mga nakarinig sa table namin. Tila tuwang-tuwa sya sa pagkapikon ko.


"Hindi ko akalaing may ikagagalit ka pa pala." natatawang wika pa din nya at pilit nagseseryoso. Muli itong sumulyap sa akin at ngayon at seryoso na ang mukha. Ang mga salita naman ay tila ayaw lumabas sa bibig ko. "Clyde Smith is my name. Don't forget it again or I'll make you remember it forever."


Muli kong sinubukan ang magsalita ngunit walang salita ang namutawi rito kaya wala akong nagawa kung hindi ang samaan ito ng tingin.


Talo nanaman ako nang ulupong na ito.

She's a Secret Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon