"Sino ka ba?" hindi ko mapigilan yung lumabas sa bibig ko.
Narinig kaya nya?
~*~*~*~
Yung patatlong sticky note nakita ko nung malapit na ang prom, akala ko nga ia-ask out nya ko eh. Pero as usual, unpredictable talaga sya.
Would you dare fall for me? give me one chance.
By this time, naiintriga na talaga ko kung sino sya. Hindi kaya niloloko lang ako ng taong to? Pero kahit na. Nasi-sweetan pa rin ako sa mga pinaggagagawa nya eh. Kasi.. sya lang ang taong nakakapansin sa isang walang kwentang tulad ko.
Pagbukas ko ng locker, may isa pang siticky note dun.. at naka-attach sya sa isang singsing.
I wrote a love story but I'm not sure about the ending.
It's about a guy who fell in love ..
The guy lives the girl very much but they can never be together.
But still, he wants the girl to know how much he loves her and how much he cares.
The guy is alone, invisible, unnoticed.. and he knows the girl will always see right through him.
But he wants to know if she'll still accept his feelings and prove to him the she loves him back.
What do you think? The ending depends on the girl. The ending depends on you.
Isa lang syang story.. pero.. parang deep inside sa story na yun.. lies a little truth. Kaya ba may singsing?
Kinuha ko yung at isinuot sa ring finger ko.
Ito na ba yung feeling na love?
Weeks before the prom night, naka-tanggap ako ng notice mula sa club presi. Gusto daw nilang mag-hold ng isang gallery ng paintings na galing sa mga estudyante dito sa school namin at napili nila ang mga works ko.
Kaya nga lang eh kasabay sya ng prom. Pumayag ako, kailangan ko daw sumama dun sa gallery sa manila. Grabe, napaka-laking opportunity.
Na-complicate lang nung matanggap ko ang siticky note ni stranger kinabukasan.
Go to the prom, I'll be waiting.
Naku, pano na yan? Once in a lifetime opportuniy lang yung gallery, napaka-arte pumili ng presi namin no. Pero.. pano na si stranger?
Pano na yan?!
Prom night. Can't believe I'm doing this. Nakita ko na.. iniintay ako.
"Hello. Ready ka na?"
"Uh. O-oo."
Sumakay kami ng bus papuntang manila.
I'm sorry, mr.stranger. :(
~*~*~*~
Hindi ako nakatanggap ng sticky note mula noon. Nalulungkot ako. Hindi na kasi sya nagpaparamdam eh. Itong singsing na to na lang ang nagpapaalala sa kin sa kanya. Mr. Stranger, I'm sorry.
If I could turn back time, ikaw ang pipiliin ko.
Ano bang silbi ng art gallery sa kin? Bakit ba hindi ko sya pinuntahan sa prom?
Bakit ba nagpaka-selfish ako?
Ngayon hindi ko na alam kung babalik ba sya.. kung magpapakita pa sya sa kin.
~*~*~*~
Nakatanggap ako ng huling sticky note.
Araw noon ng kasal ko, at inaayusan ako sa kotse ng mommy ko nung mapansin kong may papel na nakalagay sa boquet ko.
To, your heart
I love you.
From, my heart
~*~*~*~
40 years later.
Up until now.. hindi ko pa rin sya nakilala.
"Miko, wag ka muna umalis." sabi ko sa asawa kong kasalukuyan ay nasa bingit na ng kamatayan.
Biglang lumakas ang tunog ng screen na nagpapakita kung buhay pa sya o hindi.
At parang nasa isang teleserye ako. Tumakbo ako sa labas at nagsisisgaw sa nurse na agad namang tumawag ng doktor.
"Miko.. wag muna.. hindi ko kaya."
Tumingin sya sa akin, ngumiti..
"To your heart, I love you. From, my heart"
At pumikit na sya.
~*~*~*~
Hindi man perfect ang aming love story ni Mr. Sticky notes slash Miko, isa pa rin itong love story.
I'm happy..
Nakilala ko sya.
Minahal ko sya.
Nakilala nya ko.
Minahal nya ko.
At ngayon, magkasama na kami.
~*~*~*~
~Eheem, hello! Okay, ano? maayos-ayos na ba to? At least happy ending di ba? (sorta)
~Okay, babye, XD
~Disclaimer nga pala! HINDI KO JOKE YUNG JOKE NI Mr.Sticky Notes. =3=
YOU ARE READING
Thoughts (*^▽^*)
Teen FictionMy collection of my short stories like oneshots (things that I create at my spare time or when I get random ideas). If you read, I'll give you virtual cookies :)
Sticky Notes
Start from the beginning
