CHPT1 : SUNSET

298 12 3
                                    

It is five minutes to six, means another day will be over soon, but as for Sunset, this is only the beginning of her day. Nakahiga pa rin siya sa kama at nagmumuni-muni dahil kaninang alas otso ng umaga lang siya natulog.

Medyo makalat ang paligid. Her workplace is her room too kaya lahat ng papel, paints, brushes ay makikita mo everywhere. It's also hard to distinguish kung ano nga ba ang mixing cup sa coffee cup niya.

Maya-maya ay tumunog ang kaniyang cellphone at doon lang siya natauhan. An acquaintance's name appeared on the screen. Nagdadalawang isip pa siya na sagutin ito, buti na lang ay tumigil ito after ilang ring. A message then popped up, saying to check her e-mail.

Wala pa masiyado sa ulirat, napabangon ng upo si Sunset at agad na kinuha ang kaniyang laptop at chineck ang kaniyang inbox.

Two new messages ang bumungad sa kanya. She clicked the first one: Mahogany College Class of XX Reunion . . . ang title na nakalagay.

She read the message, and checked the calendar, the date is on next, next week. Sa Palawan. 2 days 1 night.

"Bakit ang layo?" sabi niya sa kaniyang sarili. Pinindot naman niya ang back button matapos magbasa, at saka tinignan ang isa pang message. . .

Re: MANUSCRIPT

Tinignan niya ang date kung kalian niya natanggap, kaninang umaga lang rin dumating.

Humigpit ang hawak niya sa kaniyang laptop at naramdaman niyang namasa ang kaniyang mga daliri. She took a deep breathe first bago binuksan ang mensahe.

Halos idikit na rin niya ang mukha sa screen, hinahanap ang mga salitang gusto niyang mabasa. Pero matapos mabasa ang mensahe sa kabuuan, she sighed. "I knew it." Isinara na lang niya ang laptop saka disappointed na nagtungo sa kusina.

She's been waiting for that email to come. Nakailang resend din yata siya ng email sa publishing house na iyon, and after almost two months, isang nakakadisappoint na reply pa ang kaniyang natanggap. 'Are my stories too cliché? Do my ideas suck? Marunong ba talaga akong magsulat?' are what she asks herself after niyang mabuksan ang email na iyon. Iniisip niya nga sana nilagay na rin ng editor kung bakit hindi natanggap ang kaniyang manuscript para naman katanggap-tanggap ang pag-reject nito dito.

Mas lalo tuloy siyang nawalan ng pag-asa.

Binuksan na lang niya ang refrigerator, but got disappointed again dahil halos wala na rin itong laman puwera sa isang pitsel ng tubig, dalawang itlog, at isang balot ng bukas na chirchirya na tira pa niya noong nakaraang araw. Bahagya niyang binalibag ang pagsara, kinuha ang jacket sa cabinet at sinuot, nagsapatos, saka pumunta sa grocery store.

Mag-isa na lang siyang nakatira sa maliit na condo apartment type na binili ng mama niya noon sa kaniya. Her whole family is in abroad already, but some cousins are still visiting or staying in her place kapag naisipan ng mga ito.

She chose to be all by herself, though 50% ng ginagastos niya ay nanggagaling sa padalang allowance ng kaniyang mother, and the other 50% ay nanggagaling sa iilang commissioned artworks at sa pagiging free lance writer niya naman.

Even though she's already 28 ay wala pa rin siyang stable na trabaho. Hindi naman sa ayaw niyang maghanap ng stable job, she tried a few times and just realized na karamihan sa mga companies na may vacant position ay hindi naman suit sa kanya. Because of that, she ended up being a freelance artist and writer instead. At least sa pagiging gano'n lang, she is able to do both of her passion.

"Sunset?"

Napalingon si Sunset sa babaeng tumawag sa kaniya matapos niyang kunin ang isang balot ng snickers. It's a college batchmate. Ka-member niya rin noon sa isang club. "Oh, hey."

"Hala, hindi ko ine-expect na makikita kita rito. Akala ko you're out of town, 'di ka sumasagot sa mga tawag at texts ko eh." Sabi nito.

Sunset just flashed a fake smile. "Well, sorry, been busy. Hindi ko na nga nahahawakan ang phone ko eh." Pagkamot pa niya sa may batok. Liar, Sunset. Liar.

"Ay sabagay, ako rin eh. Halos wala na nga akong social life. Ang dami kasi naming ginagawa sa company, ang sakit sa ulo maging accountant."

"Ahh, hehe." Ang tanging sagot niya. Hindi na niya alam kung paano pahahabain ang usapan. She just wanted to buy something then go home to eat!

"Hmm, anyway, punta ka ha?"

Nagtaka siya. "Ha? Saan?"

Hinampas siya ng kausap ng mahina sa braso. "Ano ka ba, sa reunion? 'Di ba tinext kita na icheck ang email mo? Hindi mo pa ba nache-check? Or nagbago ka na ng number?"

"Ahhh, hindi pa eh. Check ko later." Sabi niya uli.

Ngumiti na lang ito sa kaniya. "Okay, sige. Basta punta ka ha? Everyone will be there." Sabay kindat at lumakad papalayo sa kaniya.

Yeah, kaya nga ayaw niya sanang pumunta 'cause veryone will be there. . . including them.

Slice of RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon