Act 1

383 9 0
                                    

February 1, 2013

"Cut!"

Narinig ko ang iba't ibang reklamo ng mga tao sa loob ng teatro. May mga hingal na hingal na sumalampak sa sahig. Ang iba bumaba sa stage para uminom o kaya magpunas ng pawis. At may isang..

Nakatingin sa akin ng masama.

Hindi ako nagpatalo at nakipagtitigan ako ng matalim sa kanya.

"Balik sa pwesto!" sigaw ko ulit.

Halos lahat naman ay bumalik sa formation pero hindi pa rin natitinag itong si Philip at hindi siya gumagalaw.

"Ano bang problema mo? Pang-ilang ulit na to ah?!" Sigaw niya.

Unti unti siyang lumapit sa akin hanggang sa isang talampakan na lang ang layo niya.

"E kung aayusin niyo sana hindi tayo uulit nang uulit dito! Nakita niyo ba ang mga sarili niyo kanina, ha?! Nagsasayang lang tayo ng oras eh!" sagot ko sa kanya. "

Stage Director at Dance choreographer ka lang dito. Wag kang umasta na kung sino. Matuto kang lumugar," diin niya sa akin.

"Ikaw na rin ang nagsabi, choreographer ako dito na sineswelduhan. Natural papatigilin ko kayo agad kung mali mali yung ginagawa niyo."

Sinayaw ko ang isang jazz part habang nagsasalita. "Anong mahirap dito?" Nag counting naman ako sa sumunod na step. "1-2 turn close kick! Simple! Ang off-beat niyo na nga sumayaw sa music kaya nagcocounting na lang ako! Masakit na nga sa lalamunan di niyo pa ko tinutulungan!"

Sa totoo lang, kuha naman ng karamihan pero may ilan na mali mali pa din. Lalo na 'tong si Madoka. Pano ba natanggap dito yan as female lead kung di naman marunong sumayaw?! Siya ang pinakanahuhuli sa lahat. Obvious din naman sa lahat na siya yun dahil nasa pinakaharap siya. All this time na naglilitanya kami ni Philip nakayuko lang ang ulo niya at mukhang maiiyak. Bumanat pa ulit si Philip.

"Play musical ito hindi dancesport competition miss. Masyadong advance at unrealistic ng tinuturo mo. Wala ka talaga sa lugar." May halong pangungutya ang tono niya.

I raised my head proudly and crossed my arms. "Oh! So you want mediocre dance steps! Fine! Gusto niyo nang production na pang-Showtime? Well I guess lalangawin ang theatre na ito after one month."

Hay, nagsasayang lang ako ng oras dito.

Huminga ako ng malalim habang tinignan ko si Philip, mata sa mata. Ree, pigilan mo ang sarili mo. I swear masasampal ko ang lalaking 'to. Nakita ko namang lumapit sa kanya si Madoka at hinaplos ang likod ang bisig niya.

"Phil, halika na."

I laughed bitterly.

"You guys are hopeless. Fine fine kung ayaw niyo sa akin, aalis ako." Tinignan ko lahat sila. Lahat pala ay nakatingin sa akin. "Yun ang gusto niyo di ba? Pwes, madali akong kausap."

Tumalikod ako sa kanya. Kinuha ko ang backpack at mineral water ko sa baba ng stage at mabilis na lumabas sa theatre. Pero bago iyon ay huminto ako at tumingin sa kanila.

"By the way, good luck sa show. Whatever happens aattend ako para man lang bukod sa mga kamag-anak niyo may iba pang manood."

Kahit ako natawa sa sinabi ko at humahalakhak akong lumabas ng auditorium. I may have a sharp tongue at times but I'm just telling the truth. Kung magiging maarte pa sila they can't pull this off in a month. Haluan pa na sobrang bad trip ako ngayon. Ewan ko ba.

Nagpunta ako sa dressing room para kunin pa ang iba kong gamit. Isinuksok ko lahat ng makita kong akin doon sa backpack ko. Mabilis din akong pumasok sa opisina ni Sir Gino at halatang nagulat siya sa mga gamit na bitbit ko.

29-Day ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon