Nagpapahinga ako sa lilim ng punong talisay. Malalapad at mayayabong ang mga dahon ng puno na ito. Kaharap ko ang karagatan. Ang karagatan na nagpapayapa sa aking kalooban. Ang karagatan na waring humihila sa akin pabalik sa nakaraan.
Hanggang sa nabuksan ang unang kabanata ng aking nakaraan.
Bata pa lamang ako, palagi ng itinatanim ng mga magulang ko ang payong huwag na huwag na munang sumuong sa mundo ng kahangalan. Nagtatanong siguro kayo kung anong meron sa mundong ito. Well, sorry sa mga forever believers diyan ha? Hihingi lang ako ng kaunting pasensya sa sarili kong kahulugan ng mundong ito.
Mundo ng kahangalan. Ito ang panahong naghahanap ang isang tao ng makakasama kahit saan. Makakausap. Makatabi. Makasabay kumain, maglakad sa daan, manood ng sine, maglaro sa damuhan o kaya'y magtampisaw sa ulan. Lahat ng iyan at ang mga katulad pa niyan ay itinuturing kong kahangalan sa mundong makasalanan. Nasa elementarya pa lamang ako, dala-dala ko na iyan. Focus ako sa pag-aaral. Walang likuan. Walang lingunan. Sa totoo niyan, luma mang pakinggan, pero ito ang mga katagang iniingat-ingatan ko sa aking buhay. "Study first before you enter the kingdom of love." Confident ako para diyan kasi alam ko na ang love ay darating sa tamang panahon. Confident ako na makakatapos ako bago ko pa iyan mapasukan. Technique ko? Tinuring ko ang pag-ibig na iyan na mundo ng kahangalan. Walang patutunguhan. Problema. Test. Task na kailangang sugpuin at iwasan. Kinumbinse ko ang sarili ko na ang mundong ito ay isang laro lamang. Maging sports ka lang at hinding-hindi ka masasaktan.
Kung bakit ako nagkakaganito ay isang kalituhan. Siguro dahil ang mga magulang ko ay palaging nag-aaway sa harapan naming magkakapatid sa loob ng aming maliit na bahay. Siguro dahil madalas rin kaming magrambulan ng Kuya kong masyadong malaki ang katawan kumpara sa aking maliit lamang ang pangangatawan. Siguro dahil palagi akong binu-bully sa aming baryo pati na rin sa paaralan. Mismo kapatid ko pa nga, kinakampihan ang iba kaysa sa sarili kong kapakanan. Siguro hindi ko nakita sa mga magulang ko ang pagmamahalan. O, siguro may kulang lang talaga sa akin kaya't itinuturing ko ang mundong iyon na kahangalan.
Pero, ang hindi ko nalalaman, marami pa pala akong pagdadaanan. Marami pa pala akong susuunging problema hinggil sa aking pinaninindigan. Na susubukin pala ng tadhana ang aking kinatatayuang prinsipyo at pinaniniwalaan.
YOU ARE READING
Chapters of Fantasies
Non-FictionA girl named Jaye had been through many relationships. But none of them was real. Those were just the product of her own fantasy. Why was she behaving like this? What was her purpose of doing such? Who is the person inside her? In any case her world...
