Chapter 5: Groceries

5.3K 89 21
                                    

Nia's POV

"Asdfghjkl" -M'Bautista

Si Lexis ay naka harap sa white board at nakikinig sa prof namin na daldal ng daldal samantalang ako walang maintindihan sa mga sinasabi nya sapagkat ang isip ko ay lumulutaw kakaiisip kong anong magandang gawin mamaya.. 2 minor lang kasi ang aaralin namin at gustong gusto ko ng makauwi ewan ko ba at parang tinatawag ako ngayon ng kama ko.

Napaharap ako sa may kaliwa ko sa may binatana at pinagmasdam ko ang mga estudyante na may kanya kanyang ginagawa. May isang grupo na nakaagaw talaga ng atensyon ko. Nakita ko ang pamilyar na namang likuran ng isang tao. Parang siya 'yong lalaki na bumato sakin ng sapatos noong first day of school? At siya din yung nakita ko sa soccer field noong hinahanap ko si J.

(Flash back)

Ano kayang magandang basahin ngayon? Alam ko na! Maghahanap na lang ako ng cook book para naman kahit papaano ay may alam ako. May sarili kasing kusina ang bawat room namin. 2 person per room. Meron din kaming sariling banyo at mini sala set. Yung dorm namin ay talagang malaki para lang kami may sariling apartment.

Habang naghahanap ako ng cook book, nakita ko na naman sya sa may bookshelf na naghahanap din ng librong babasahin. Si Kalel. Kanina nakasalubong ko siya sa corridor tinitigan niya ako at ngayon pati naman dito. Napagpasyahan ko ng umalis na lang doon at baka makita niya pa ako, baka sabihin sinusundan ko siya hindi ko pa siya kayang pakiharapan ako na nga ang umiwas sa kanya baka kasi kung ano pa ang masabi at magawa ko. At naisip kong hanapin na lang si J baka sakaling wala na din siyang klase.

Nasaan ba yong lalaking yun? Kailangan ko ng kasama ngayon pero heto at hindi ko sya makita. Sana naman kasi ay kinuha ko ang cell phone number niya! Para tuloy akong nag hahanap sa nawawalang bata nito.

Pumunta ako sa may soccer field at magbabasakaling doon ay makita ko ang hinahanap ko, umupo ako sa isa sa mga bench na nandoon at pinagmasdan ko ang mga naglalaro at mga nanunuod. At napansin ko ang pamilyar na likod alam ko sya yun sya yung aksidente nakabato sa akin ng sapatos! Hay nako yung lalaking yun! Badtrip! Sa iba ko nalang hahanapin si J imbyerna! -.-

(End of Flash back)

At siya lang naman ang natatangi kong room mate! At take note! Hindi po siya lalaki, at isa pala siyang babae na pusong lalaki. Okay naalala ko na naman si Kalel wala na bang araw na hindi ko siya maiisip?

"Nia? Psst.. Nia." -.- okay sino yung bumato ng papel?

Si Lexis pala, ano bang problema nito. Akala ko ba makikinig siya ng mabuti ngayon sa lesson? Pero heto at nag hahamon ata ng paper throwing!

"Bakit?" Mahina kong sabi, hindi ko siya katabi may isang row sa pagitan namin ayoko lang tumabi sa kanya ngayon hehe.

"Basahin mo." She mouthed

(Anong number mo Bes? :D)
Okay haha hindi pa pala kami nagpapalitan ng cell phone number.

(092677846**)
Sinulat ko ang number ko at inihagis ko pabalik sa kanya ang papel. Maya maya lang ay nag vibrate ang aking cellphone at may unregistered number na nagtext.

(Nia sasama ako sayo pag uwi mo sa dorm, ipagluluto ko kayo ni Clar ng merienda at ipapakilala na din kita sa kanya. Save my number - Lexis)

Okay ayos ito medyo sabik ako sa lutong bahay ngayon :) craving for adobo! Yey may favorite!

(Oo sige. Pwede bang adobo ang iluto mo? Miss ko na kasi yun eh.) I replied

(Aba oo naman! Paborito din yun ni Clar eh! Mukhang magkakasundo kayong dalawa sa adobo ko :D) Lexis

Simula noong makilala ko na yung bumato sa akin ng sapatos at ang room mate ko ay iisa, hindi padin kami nakakapag usap. Noong umuwi kasi ako sa dorm ay hindi ko siya pinapansin nag ayos lang ako ng sarili at natulog.

Baka mamaya ay makausap ko na siya at sana humingi man lang siya sakin ng sorry. Aba! Masakit din naman yung mabato ng sapatos noh!

Nagreply lang ako ng okay kay Lexis ibinalik ko na sa bag ko ang aking cellphone at nakinig na lang kay Miss Bautista.

Natapos ang klase na hindi ko masyadong naintindihan ang pinag aaralan namin o kung nag-aaral nga ba kami -.-

Konti na lang kaming mga hindi lumalabas at nag aayos pa ng gamit. Napatingin ako kay Lexis na naka ub-ob sa upuan nya. Mukha siyang tulog kaya nilapitan ko na siya at kinalabit ko. Ang cute nya matulog :)

"Lexis.. Lexis.." Puyat ba itong babaeng ito? Kala mo naman final exam na.

"Lexis tara na wala na tayong klase mamaya dadating na ang ibang gagamit ng room natin."

"Inaantok pa ako Nia" aba ang babaitang to mukha ata pumarty kagabi!

"Sasampalin kita pag hindi ka pa gumising dyan. Isa... Dalawa..." Aba! Tototohanin ko siyang sampalin pag di pa siya umayos!

"Dalawa at kalahati" Aba?

"Ito na ano ba naman kasi yan." Reklamo niya.

"Gutom na ako Lexis, ipagluluto mo ako diba? Diba? Diba? Kaya umayos  kana dyan." Totoo na nagugutom na ako kumukulo na ang tyan ko 2 oras din yung klase namin at konti lang naman ang kinain ko noong nasa cafeteria kami.

"Ito na oh. Mag aayos lang ako at mukha ata akong mangkukulam." Ang ganda namang mangkukulam niyan :)

"Anong nginingiti mo Bes? Hahaha gutom kana nga! Tara na nga. Ay teka? May groceries ba kayo?" Hala wala ngang laman yung ref kundi tubig at ice cream wala ding cup Noddles man lang sa cabinet -.-

"Bes sa mukha mong iyan? Tingin ko wala! Ano ba naman kayo? Dapat unang araw sa bahay may laman na."

"Kita mo namang natulog na ako non. Di Sana kayo ang bumili." Talaga naman eh Sana sila nalang haha.

"Ay nako tara sa Super market mamimili tayo ng stocks nyo sa bahay. Magpataba naman kayo! Para kayong tingting. Hahaha syempre joke lang :p" sexy ako hindi ako payatot!

"May dala ka naman atang kotse diba?"

"Oo naman! Ako pa ba? Ikaw lang ang wala, wala ka bang car? Gusto mo ipahiram ko sayo ang isa ko?" Ikaw ng mayaman. At ako ba Ay mukhang mahirap kasi wala akong kotse?

"Wala eh. Di naman ako nahingi sa kanila meron naman kami 1 family Van, kotse ni Kuya at kotse ni Daddy and Mommy di Bali 4 yung cars namin okay nadin yun."

"Sabagay malapit lang naman ang dorm dito. Siya tara na?" Yaya niya

Sumakay na kami at nagtungo na sa pinakamalapit na supermarket. Yey Adobo! :)

**
A/N:
Samalat sa nakapagbasa na. :) adobo ang ulam namin kanina HAHA
God blessed 😇

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ROOM MATES (gxg) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon