Chapter 1: Hello College

21.3K 151 7
                                    

Ang tagal naman ng jeep! Ang aga aga ko gumising para mahanap ko agad ang room ko! Halos hindi na nga ata ako nakatulog ng maayos, natatakot kasi akong ma-late. Hindi na nga ako nakapag ayos ng sarili ko. Hindi ko din na enjoy ang breakfast na niluto ni Nanay! Gees!

"Ano baaaaa! Nakakainis na!" I hissed.

Pag nainis ako didiretso na lang ako sa dorm! Baka umabot ako ng 48 years dito! Aayusin ko pa ang gamit ko sa doon. Ang kalat kalat pa. Baka biglang dumating ang ka room mate ko, sabihin ang burara ko namang tao.

"Nia?"

O? Sino naman tong haharang harang na kotse sa sakayan ng jeep? Istorbo sa paghihintay ko ng masasakyan.

"Shania Chandria Driz?"

Oh ako pala ang hanap ng lalaking may-ari ng pulang Ferrari na nakaka-inis. Dahil nakaharang sa harapan ko!

"Bakit?" Inis na sagot ko.
"Kilala ba kita? Kilala mo ako?" Dagdag ko pa.

"Ako ito! Si James. James Lauren!" Sabi niya, sabay tanggal ng shades niya.

James daw? Sino yun? May kilala ba akong James Lauren?

"James Lauren. Ahmm J?? Elementary days? Best friend?"

Isip. Gumana kang isip ka! Nako bilis para mawala na ang kupal na ito sa harap ko.

James Lauren.. James.. Jam- aha!

"OMG! J, It's that you?" Siya ba talaga yun?

James Lauren.
Typical rich kid.
Mabait.
Iyakin.
Lampa.
Dugyot.
Madalas na bubully.
Best friend ko.. Noon.

Ngayon makalaglag panty na! Haha Ay ang utak ko. Please lang?

Maputi.
Killer smile.
Yung Mata niya nakakalunod..
At hindi pa din nag babago. Mayaman pa din.
Yung mukha niya, para siyang isa sa myembro ng F4.

Okay, F4. Makaluma ata akong babae. Feeling ko ako si Chan Sai.

Ang laki ng changes nya ngayon grabe! Nahiya ako bigla. Mukha akong yaya niya. Haha

"Oo ako ito. Mukhang kailangan mo ako ngayon ah? Hop in!" Juice ko. Wala ng pakipot friend! Sakay daw sakay! At mukhang pinagpala ako ng langit ngayon! Sulit ang pagpupuyat ko! Ang pag kain ko ng mabilis. Ang pag ignore ko sa bilin ni Nanay! Tapos yung kwarto ko hindi ko na naayos. Yung kapatid ko na ubod ng cute hindi ko na naasikaso. Yung laptop ko na naiwan atang nakabukas. Baka makita ni Nanay yung mga crush kong nakabalandra sa screen ng laptop ko. Yung mga soon to be boyfriends ko! Oo. With S talaga! E ano? Haha

"Nai? Sasakay ka ba? O mag-iisip na lang? Male-late kana. Hello? Nai?"

Shoot! May tao nga pala sa harapan ko. Inatake na naman ako ng pag de-daydream ko hahaha. Nakakahiya tuloy. Baka nga naka nga nga pa ako habang nag-iisip. O kaya tulo laway pa.

Agad akong sumakay sa shot gun seat. Nakakahiya naman kung lalabas pa siya at pagbubuksan ako di ba? Pasalamat na lang talaga ako at nakita ako ng lalaking ito. Pasalamat ako at saktong napadaan siya. Nang dahil sa kanya imbis na 25 minutes ang byahe ko, ngayon Ay 10 minutes na lang! Nakaka bawas ng stress sa umaga! Wala kasi sina Mom at Dad gamit nila ang kotse, at gagamitin ni lil'sis ang is a para ihatid siya sa school

Tahimik lang ako sa loob. Syempre nakakahiya naman na ako ang madaldal dito. Hello? Ako yung nakisabay. At ngayon lang ulit kami nagkita ng so called best friend ko. Ang awkward ng atmosphere dito sa loob ng kotse. Wala man lang pa music!

Nang makarating kami Ay agad na akong bumaba. Hindi na ako nag pa Bebe. Hindi ako member ng PWD para pagbuksan pa ng pinto ng maganda niyang kotse! Ang nakakapag-taka lang, bakit hanggang pag pasok ko sa ******* university kasunod ko siya?

Anong trip ng lalaki ito? Wag mong sabihin na hanggang sa room ko ihahatid nya ako? Aba. Ang aga pa naman ata para iparamdam niya ang pagiging best friend niya sa akin? Hindi kaya???

"Wait!" Huminto ako at humarap sa kanya ng naka taas ang braso ko level sa dibdib ko. Nagtataka talaga ako.

"Weew. Bakit?" Nagtataka na nakatawa niyang sabi.

"Bakit.. Bakit ka sumusunod sakin?? Kaya ko na ang sarili ko. No need ng ihatid pa ako." Tas kilay kong sabi.

"Seriously? Iniisip mong sinusundan kita? Na ihahatid pa kita hanggang sa loob? Dito ako naka-enroll." Tuloy tuloy niyang sabi..

"Talaga? Dito? Alam mo bang dito ako papasok?"

"Nakita ko sa ID mo. Same as mine" Sabay turo sa baba ng damit ko. Habang suot pa din niya ang nakakalokong ngiti niya.

Ah! Kaya naman pala! Mamaya na lang o bukas ko siya aasikasuhin.

"Ah okay. Thanks for the ride! Bye!"

Nag mamadali akong tumakbo para marami akong oras sa pag hahanap ng klase. At kung san ang pesteng assigned room ko!

"Excuse me, excuse." Hayss! Siksik pa more. Daming tao sa harap ng bulletin board.

"Gosh! Seems like I really enjoy this semester!"

"Oo nga ang dami nating poging ka block!"

Yung ibang babae dito, puro kalandian lang ata ang hanap. Pshh -.-

Nag-umpisa na akong mag hanap sa assigned room ko. Okay san ba ang lintek na room na 'yon? Mukhang matatagalan talaga ako sa pag hahanap. Nakakairita ang maiingay na studyante. May nerd, sossy, mala gangster, mga mukhang nag sasayang ng pera ang mga tao dito. Ang dami ng rooms! Wag mag taka Nai! Sikat na University ang pinasukan mo! Hay nako buti na lang talaga maaga ako ng konti. May time pa ako para ma-memorize ko ang paligid. Salamat kay James. Pasalamat ako sa lalaking 'yon. Tsaka mamaya ko-"

"Tabiiii!!"

"An- aray!" Aray ko!

Ang sakit! Napa-upo ako sa lakas ng impact na tumama sa braso ko! Sino bang animal ang bumato sakin! Ang aga aga! Sakit agad ng katawan ang makukuha ko dito! Gees!

"Sinabi na kasing tumabi."
Sabi ng lalaking hindi ko nakita ang mukha. Nag lalakad na siya palayo. Kinuha lang niya ang sapatos na tumama sakin.

"Next time kasi, wag t*tanga-t*nga."

Aba walang modo! Anak ka ng nanay at tatay mo! Wow ha! Just wow! Wala man lang sorry! Ni tulungan akong tumayo, wala? As in wala! Kasalanan ko pa? Hayss hello college life talaga!







**
A/N:
Okay ba? Comment po. Vote na din. Love you :*

Shania (Syanaya)
Nia (Naya)

ROOM MATES (gxg) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon