“Here comes the fourth shadow! Azure!,” walang tigil sa kakasigaw at kakapalakpak yung mga wizards. Yung totoo? Gusto ba nilang mapaos?

“Now, are you ready to start the Dark State Underground Battle? ‘Cause we are going to have the tag-team attackers of Snow White Gang, Rai and Silver!” natapat yung spotlight sa kabilang dulo ng stadium at lumabas doon ang isang lalaki at isang babaeng kasing tangkad ni Alice. Parehas silang nakamaskara.

“And now, the attackers of the 4th Shadow. Give your big hands to Leona ang Alice!,” lumabas na yung dalawa na all smile pa at pakaway-kaway pa. Si Alice, nagpapacute samantalang si Leona, nagpapaka-model. Seriously? Sana nagfashion show na lang silang dalawa. We’re in a battle for solar's sake.

Pinatunog na yung gong. Well, let’s get the battle started.

I watched closely. Guess the report about them was right. Isang shape-shifter si Silver samantalang nature controller naman si Rai. Napagplanuhan na ito ng dalawa, Alice against Silver while Leona against Rai.

Nagshape-shift si Silver sa isang dragon, while Alice summoned two 8-foot tall gorillas. Nagsisimula pa lang ang labanan, malalakas na agad ang nilabas nila. They should’ve warmed up a bit.

Unang sumugod ang dalawang higanteng gorilla at nagbigay ito ng magkakasunod na suntok sa dragong palipad-lipad at pilit silang iniiwasan. Alice moved the other one at nahawakan ng gorilla ang buntot ng dragon, which made the other gorilla slammed the dragon's head at walang-awang binabalibag ang katawan nito. In just a matter of seconds, both gorillas were set on fire. Perhaps nakakuha ng fire-breath mula sa dragon.

Alice didn’t end there, she grabbed the chance at tumakbo mula sa buntot ng dragon up to its head. It’s too late when the dragon noticed it, masyadong busy sa pagbubuga ng apoy sa dalawang higanteng gorilla. The next thing happened, Alice was trying to control the dragon’s head.

That was one of our aces, having Alice in our group means no wizard can fight us using animals. May controller kami for solar’s sake. Bago pa man mautusan ng wizard na to ang hayop na ipanglalaban niya against us, Alice already took control of it. Isa pa, may nananalaytay na royal blood kay Alice kaya di hamak na mas malakas ang kapangyarihan niya. We, royals, are always one step ahead from common wizards. Even the greatest commoner wizard only has a slight chance of winning against us.

Meanwhile, Leona was having a hard time against Rai, the nature controller. Hindi niya siguro inakala na limitless ang pagpapalabas at pagcocontrol sa iba’t ibang vines at halaman. Nagagawa naman itong lantahin ni Leona with her potions pero mukhang magkukulang ito.

Napakunot ang noo ko nang makitang napapalibutan na ng vines ang iba’t ibang parte ng katawan ni Leona. Pilit siya kumakawala dito but Rai was too powerful. Dinagdagan niya ng dinagdagan ang bilang ng vines na umiikot kay Leona.

Pero bakit ba ako mag-aalala? He’s Lionel Devon for solar’s sake! The baklang Illusionist Wizard. He or perhaps She could turn everything upside down.

Umilaw ang mata ni Leona kasabay ang pag-ilaw ng mga kolorete niya sa katawan. Ngumiti ng nakakatakot ang loka, ayun na coma silang dalawa ni Rai. Nasa frozen state sila which means, nasa ibang dimension na ang dalawa na ginawa ni Leona. And there, Rai has no chance of winning especially when she’s trapped at Leona’s illusion.

To think na gagamit si Leona ng illusion, di ko akalaing mahihirapan siya sa kalaban niya. For the past years na lumalaban kami dito, nagamit niya lang ang illusion niya noong naka-Dark State Underground battle na and we’re aiming at the Shadow spot. Simula noong makuha namin tong spot, potion na lang ang lagi niyang ginagamit unless nahihirapan na talaga siya.

Stella Royal GamesМесто, где живут истории. Откройте их для себя