CHAPTER 15 - TREASURE HUNT!

Start from the beginning
                                    

"Parang wala silang alam sa kondisyon mo?" pangtatapos ni Monique sa sasabihin ni Serene.

"Hindi dahil sa wala silang alam kundi gusto lang nilang subukan ang iyong katatagan." sagot naman ni Rebecca na narinig din ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Happy Eve's Festival!" pampuputol ulit ng Principal kaya natuon ang lahat ng atensyon sa kanya na nasa podium ulit. "Palakpakan ulit natin ang ating mga panauhin kabilang na ang Presidente ng ating bansa na kung di niyo alam ay ang ama ng isa sa ating mag-aaral." Nagpalakpakan ulit ang mga estudyante maliban kay Hale na napansin din ni Serene dahil tumingin ang dalaga rito nang banggitin ng Principal ang tungkol sa anak ng Presidente.

"Para sa araw na ito ay magkakaroon ulit tayo ng isang paligsahan!" dagdag pa ng Principal. Kapansin-pansin ang pagbabago sa reaksyon ng mga estudyante, karamihan ay nabigla at nagbulungan pa.

"Akala ko ba piyesta ito?" lukot ang mukha ni Hale na bumaling kay Blake.

"Mukhang kahit mga piyesta ay may kompetisyon." sagot naman ni Blake.

"Isang treasure hunt ang inyong magiging kompetisyon ngayong araw!" anunsyo ulit ng Principal. "Dahil na rin sa magaling na ideya ng pangalawa natin na prefect na si Aubrey ay limang bagay ang itinago namin sa loob ng campus. Bawat bagay ay may kinalaman sa nakaraan ng ating mga prefect." dagdag pa ng Principal.

"Anong sinasabi ng Principal Mangkukulam?" nababahalang tanong ni Niomi kay Aubrey.

"Anong nakaraan ang sinasabi niya Aubrey?" dagdag pa ni Monique.

"Huwag mong sabihing may kinalaman ang mga bagay na iyon sa mga pangit naming nakaraan?" singit pa ni Rebecca na gulat na gulat din.

"Parang ganun na nga." kalmadong sagot ni Aubrey.

"Bruha ka!" aakmang tatayo sana sa inuupuan si Niomi na pinakamalayo kay Aubrey ngunit pinigilan siya ng katabing si Rebecca.

"Umayos ka, Nasa tabi lang natin ang mga sponsors." bulong ni Rebecca kay Niomi at katulad nga ng babala ni Rebecca ay nakatuon sa kanilang lima ang atensyon ng lahat ng sponsors at nakangiti pa sila.

"Alam mo naman siguro na isa itong panghihimasok sa aming personal na buhay Aubrey?" seryoso ang tono ni Monique na bumaling sa katabi.

"Kasali naman din ako huh." depensa ni Aubrey.

"Alam na ng lahat na dati kang mangkukulam kaya hindi na magugulat ang lahat." pabulong man ang pagkakasabi ni Niomi ay may diin ang bawat salitang kanyang binitiwan. Nagngingitngit sa galit pa rin si Niomi at hindi na maitago ang kagustuhan saktan si Aubrey.

"Ano bang mangyayari?" inosenteng tanong ni Serene sa apat. Bumuntong hininga naman sina Monique maliban kay Aubrey na pangiti-ngiti pa.

"Ibig sabihin kapag may nakakita ng bagay na itinago nila ay malalaman nila ang pinakatago-tago nating sikreto." sagot ni Niomi na nagngingitngit pa rin. Pagkarinig niyon ay kinabahan ng husto si Serene. Hindi niya magawang itago ang pagkatakot kaya naman mas lalo pa siyang nanginig. Buti na lang at mabilis sina Monique at Rebecca na hinawakan ang kanyang kamay para hindi siya mahalata ng lahat.

"Bawat bagay na mahahanap ay katumbas ng sampung puntos. May dalawang oras kayo para maghanap!" anunsyo ulit ng Principal kasabay ng pagputok ng isang baril at nagsitakbuhan na ang mga estudyante.

*****

"Treasure hunt sa buong campus?" himutok ni Vane sa kasamang si Bitz na gaya ng dati ay lumalamon ulit.

"Ahuh."

"Para kang naghahanap sa isang maliit na syudad! Sa kalaki laki ng paaralan na ito!" nanggagalaiti na sinipa pa ni Vane ang isang bato.

BOYS OF EDEN (COMPLETED)Where stories live. Discover now