Ang dami pa ding mga tanong ang gumugulo sa king isipan. Hanggang ngayon oo, hanggang ngayon hindi ko magawang masagot dahil ayoko hanapin ang sagot ayoko, ayoko dahil alam kong masasaktan lang ako sa kalalabasan ng mga sagot sa mga pilit gumugulo sa isipan ko. Pero heto ako, itatanong pa din ng paulit kahit na wala pa ding akong makuhang sagot itatanong ko pa din sa sarili ko na parang tanga na sa sarili ko lamang sinasabi, sa sarili ko lang tinatanong hindi ko tinatanong kahit kanino lalo na sayo. Ang tanga ko kasi. Bakit? Bakit hindi mo ako pinaglaban? Bakit mas pinili mo siya kahit na noon sinabi mo sakin na mas mahal mo ako kesa sa kanya na mas napapasaya kita, na sana ako nalang ang naging girlfriend mo pero bakit ganun wala kang ginawa para tayo'y ipaglaban bakit hinayaan mo ako masaktan ng ganto? Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Bakit, ginawa ko naman ang lahat sinubukan kong sumunod sa lahat ng iyong sinabi na ako'y maghintay dahil ika'y maghihintay din sa ating tamang panahon, oo sinabi mo yun naaalala mo pa ba. Naaalala mo pa ba ang lahat, lahat ng pinangako mo, ipinako natin sa isa't isa mga pangako na ngayon ay napako, naglaho, nawala. Naaalala ko pa noon ang una nating halik, ako'y nabigla dahil talagang hindi ko inaasahan iyon hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ano dapat gawin ano dapat sabihin ako'y natahimik ako'y napako parang tila tayong dalawa lang ang tao sa mga oras na yun na tila wala tayong problema tumigil ang oras sa sandaling panahon. Tuwa ayun ang alam ko natutuwa ako dahil pagkatapos ay binulong mo sakin na mahal mo ako, oo sabi mo mahal mo ako. At tila nagising ako sa katotohanan biglang gumalaw muli ang orasan na akala ko'y tuluyan ng titigil ngunit nag kamali ako. Mali ito, mali ang lahat ng ito nasasaktan ako sa mga oras na yun, yung tuwang nararamdaman ko'y biglang naglaho napalitan lahat ng sakit, para akong sinasaksak, sinasaksak sa isipan at puso ko na lahat ng to ay mali dahil merong siya sa buhay niya at meron ding siya sa buhay mo. At sa mga katagang binitawan niyang mahal niya ako ay maraming mga tanong ang biglang lumitaw ang dami kong katanungan sa mga oras na yun, dobleng sakit dahil sinabi niyang mahal niya ako pero hindi, hindi niya ako kayang ipaglaban hindi niya ako kayang ipagsigawan dahil nga merong siya na ayaw niyang masaktan, natanong ko nalang sa sarili ko kung ako ba'y hindi nasasaktan, hindi ba ako nahihirapan sa ganitong sitwasyon. Ako na kailangang itago at hindi pwedeng ipagsigawan. Bakit ganun? Bakit ka ganun? Sobra mo akong nasaktan noon at hanggang ngayo'y hindi pa rin nahihilom dahil patuloy pa din kitang minamahal oo ikaw, mahal pa din kita kahit na tila nawawasak na ako, nadudurog ay pilit pa ding kumakapit sa marupok na tali, tali na minsan mo nang pinutol pero pilit kong binubuong muli.. Oo mahal, mahal pa din kita kahit ang sakit sakit na. Ang sakit na pilit kong kinakaya. Sakit na dulot ng pagmamahal ko sayo, pagmamahal na iyong binabalewala.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.