ch 13

3.4K 75 6
                                    

"Dex, come here! Tikman mo yung niluto ko for you." Sumalubong sa akin ang maaliwalas na mukha ng aking asawa. Natutuwa akong nanumbalik ang giliw sa kanyang mga mata. Nagkaroon ng buhay ang balat. Namumula na muli ang labi nito. May sigla na sa bawat kilos niya.

Namayani ang kapayapaan sa dibdib ko. Nanumbalik ang dating init ng relasyon namin. Bumalik muli ang lahat sa dati.

It's just all about us. Wala nang iba pa.

It was like our drift never really happened.

Tuwing uuwi ako mula sa trabaho ay naaabutan ko siyang nagpapahinga o 'di kaya'y nagsusulat. To be honest, I was deeply worried about her. Nangingibabaw ang pag-aalala ko sa kalusugan niya. Mas mabuti ngang napagpasyahan niyang mapahinga na lamang kaysa gugulin ang sarili sa pagta-trabaho.

Maaari siyang bumalik sa trabaho sa oras na gumaling siya. With some series of tests and sessions with Dr. George, it will surely fade away.

Habang ako, malamang marami akong oras para sa kanya. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito 'no. Hindi pa ako hilo para gawin 'yon.

Sinalubong ko siya ng halik sa noo at nagpatianod sa kanya nang hilain niya ako papasok sa kusina.

Sana ganito nalang kami, sana walang magbago...

I prayed every day, every night... and in every moment of my life to let her live for a long time with me.

We're just starting to be together again. No pretenses, no doubts.

"Hmm, mukhang ang bango naman nito. Mukhang masarap kainin," sumilay ang nakakalokong ngisi sa aking labi at hinapit ang kanyang baywang.

Ramdam ko ang malambot niyang balat sa akin. Kahit papaano ay nagkakaroon na siya ng laman, lumulusog sa pangangalaga ko. Hindi ko hahayaan na mangayayat siya. Not under my watch.

Mas gumanda ang hubog ng kanyang katawan. Saktong sakto para sa akin.

Mahina niya akong tinapik sa pisngi at humagikgik, "Dex! Ano ka ba naman! Alam kong gutom ka, tara kain tayo?"

"Mas masarap kung kakainin kita," bulong ko sa kanyang tainga sabay buga ng hangin doon na ikinanginig ng katawan niya. Saglit na nawala ang tawa sa kanyang labi at nagliyab ang init. I felt her body scooted towards me.

Pinasadahan ko ng aking palad ang kanyang braso at senswal iyong pinagpiyestahan ng kamay ko.

"Maybe..." she replied suggestively. I was about to lean and capture her luscious lips. Agad niyang iniwas ang mukha. "Kumain muna tayo," tinulak niya ako at humalakhak.

Naiwan naman akong nakasimangot habang pinagmamasdan siyang naghahain na sa hapag-kainan.

Ang sarap lang ng ganitong pakiramdam. Tila nagbibinata ako ulit sa kilig na nadarama. Basta talaga kapag mahal mo ang isang tao, todo bigay ka. Tirada ang lahat wala nang ititira.

Ibang klase ang inaabot ng pagmamahal. Nalalagpasan ang imposible.

"Siya nga pala, bakit maaga kang nauwi ngayon? Parang apat na oras ka lang naglagi sa opisina."

Pinagmasdan ng mata ko ang gawi ng pagnguya niya. Her hair was tied in a messy bun. Hindi naman nawala ang salamin sa kanyang mata. Nanlabo na kasi ito pagtungtong niya ng med school. Still sexy as ever. Hindi nabawasan ang kagandahan niya sa pagangat ng edad. Mas lalo lamang itong pumaigting. Nakakabaliw.

Sinuyod ng paningin ko ang suot niya. She's comfortable with me before, but not right now. Tago pa rin ang balat niya maging sa loob ng bahay. Tila nahihiyang ipakita sa akin ang mumunting mga marka sa kanyang balat.

"Ofcourse, I missed you." anas ko sapat na upang marinig niya. Buong kaseryosohang pinantay ko ang tingin niya sa akin.

Her eyes twinkled in delight.

Tang'na, hinding hindi ako magsasawang sabihin sa kanya lahat ng nasa isip ko. Sometimes, I just wanna bend her over and make love under the moonlight. I want to shower her my everyting, praise her with nothing but my sincerity towards her, us...

"Hindi ka na maawat sa'kin ha. Baka sa susunod makipag-agawan ka pa ng dede ko kay Lyric."

Nabitawan ko ang kubyertos na hawak. Nabulunan ako bigla sa narinig. Tila nabingi pa ako sa sinabi niya.

Lyric? Our first child?

Nais kong isatinig ang tanong.

Kumalabog ang dibdib ko. Suminghap ako at napainom ng tubig.

"Huh?" kunot noo kong wika at pinilit na pahupain ang naghuhuramentadong puso ko. Kulang nalang ay kumawala ito sa hawla.

"Sabi ko, you just can't enough of me." umangat ang kilay niya, nagtataka sa reaksyon ko. Napahinga ako ng malalim. My shoulders sagged. Nanlumo bigla. Akala ko pa naman...

"Akala ko—"

Sabay niyang wika kaya't naputol ang sasabihin ko, "Ano bang inaakala mo?"

Umiling ako at piniling tumawa na lamang. "Akala ko ikaw ang hindi maawat sa akin. Hindi ka nga magkandatuto sa ibabaw ko—"

"Shhh! Kahit kailan talaga. Ang pasmado ng bunganga mo." saway niya sa akin at pinanlakihan ako ng mata.

Naiwan ang ngiti sa aking labi.

Pero tangina, nanlumo ako bigla. Akala ko pa naman may namuo na sa pinunla ko sa kanya. Lintek nga naman. Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas.

Akala ko pa naman shoot sa banga agad lalo na't halos umapaw na. Mahina ata ang mga bata ko sa pagsalakay sa obaryo ng asawa ko.

Will I become a horrible husband If I wished for a child? Kahit isa lang. Kahit nga hindi na masunod sa layaw ang mga plano namin dati. It will be such a miracle if that happens.

Kahit na pipi akong humihiling ng anak. Bea knew what I really wanted. Parehas naming gustong magkaroon ng anak. We're both in this together.

I know, she badly want a child with me, too. Sino bang ayaw 'di ba? We've been together for so long.

Punyeta lang.

'Ni wala ngang kasiguraduhan kung may kakayahan pang mag-anak ang asawa ko.

She needed to be healed first. Iyon ang pinakaimportante sa akin ngayon. Saka na ako maghahangad ng anak sa oras na gumaling siya.

Kasi sa totoo lang, wala na akong hihilingin pang iba maliban sa pagbalik ng dating sigla ng asawa ko. Even though, I wished for kids running around our home... but my wife is my air to breath. I will be nothing without her.

Hindi ko kayang mawala siya sa akin.

Because when everything fell apart, she became my foundation to build myself up and continue living again.

I wouldn't trade anything for this.

-
HVD! ;)

My Devious MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon