Prologue

20 2 2
                                        

"Clareeee!!" Ayokong lumingon kasi alam kong masasaktan lang ako sa makikita ko.

"Clare!! Please!! Come back!! Mag-usap tayo!!" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ayoko, ayokong paniwalain muli ang sarili ko sa kasinungalingan.

"Clare!! Bakit?! BAKIT KA GANYAN?!" Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Naabutan niya pala ako. Hindi na lamang ako sumagot.

"Clare, I'm sorry."

"It's okay, it's all okay. Masaya ako na malaya kana muli, malaya ka ng mahalin ang totoong mahal mo nang hindi na magtatago sa akin." Bahagya akong ngumiti, ngiti na alam kong hindi ko deserve na maranasan.

"Sorry for hiding something from you. I know you don't deserve me but I still thank you, salamat kasi naiintindihan mo ako. Salamat ng sobra kasi masaya na muli akong makakasama si Heya" Masakit marinig, masakit marinig na nagawa niya pa akong pasalamatan sa ginawa ko, masakit kasi nagawa niyang magpasalamat kahit alam niyang nasasaktan na ako.

"Grey, you're welcome. You deserve her. Good bye" Tumalikod na ako at hinarap na muli ang landas na dapat kong tahakin. Landas na alam kong papunta sa reyalidad na hindi ako kailanman magagawang mahalin ng kung sino man.

Grey, mahal na mahal na mahal kita. Marami akong pangarap na gusto kong tuparin nating dalawa nang magkasama. Gusto kong maranasang maikasal sayo at makita kang nakikipaglaro sa mga anak nating dalawa. Kaso.. Wala na, huli na.. Ngayon, yung mga pangarap ko, matutupad mo na kasama ang totoong mahal mo. Masakit isipin na sa loob ng 3 taon, pinaniniwala mo akong mahal mo ako na kahit ang totoo naman talaga ay hindi ka pa nakakapag-move on sa ex mo. Siguro ito na talaga ang panahon para kalimutan kana. Siguro ito na ang panahon para hayaan ka sa taong tunay na makakapag-pasaya sayo. Grey, I'll miss every piece of you but now, I must move on. I love you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The hardest part of letting goStories to obsess over. Discover now