TWENTY THREE

Depuis le début
                                    

I miss him already. Damn.

Gusto sana siyangtawagan para marinig ko ang boses niya o kaya naman itext para magkausap kami kahit papaano pero alam kong imposible 'yon dahil nasa himpapawid siya ngayon.

Malamang naka-off o flight mode ang phone niya .

Magga-gabi na ng makarating kami sa mismong bahay namin . Dahil magkaharap lang ang mismong bahay namin ni Carly ay magkasabay kaming sinalubong ng aming mga magulang .

Si Mommy at Daddy ang sumalubong sa akin habang ang Mommy naman ni Carly ang sumalubong sa kanya kasama ang apat niyang nakakatandang kapatid na lalaki .

"Rayne anak!" si Mommy ang unang yumakap sa akin . Tanging si Mommy at Daddy lang ang natawag sa akin na Rayne para daw maiba . Halos lahat kasi sa 'Ilume' ako kilala . Isa pa , ako rin ang may gusto non dahil mas okay sa akin ang pangalang 'Ilume' .

"Mother earth ang ganda mo pa rin ! Mukha kang sugarol sa suot mo !" narinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Carly .

Ng lingunin ko sila ay magkayakap silang mag-ina . Halatang miss na miss nila ang isa't isa.

"Dami mong alam anak . Maligo lang hindi" napailing nalang ako sa kanilang mag-nanay .

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran . —si Daddy.

"Masyado bang maingay si Carly sa Maynila? 'yan kasing si Imelda ay masyadong maingay dito" napatawa ako sa sinabi ni Daddy .

"Hi Ilume" bati sa akin ni Kuya Ulysses ang pinaka matanda sa kanila . Sumunod naman sa kanya ang tatlo niyang kapatid .

"Lalo kang gumaganda Ilume" sabi naman ni Allen . Ang pangalawa sa kanila .

"How to be yours po?" nagawa pang kumindat sa akin ni Jayvee . Ang pangatlo sa kanila.

"Kamusta ? Papakasalan mo na ba ako kaya ka bumalik?" sabay sabay umasim ang mukha ng magkakapatid dahil sa sinabi Carlo . Ang pang-apat . Pero ang totoo , kakambal siya ni Carly . Sadyang nauna lang daw siyang lumabas kaya mas matanda daw siya kay Carly.

"Ninong Rico , pakipatay 'yan . Hindi namin kapatid 'yan!" sabi ni Kuya Ulysses .

"Pakasalan mo 'yung poste unggoy" sabi naman ni Jayvee na nagawa pang batukan si Carlo .

Kung titigan silang apat ay mapagkakamalan mong magkakasing edad o magkaka-kambal dahil sa magkakamukha sila at pantay pantay pa ang laki .

Sadyang hubog lang ng katawan ang pinagkakaiba. Maganda ang pangangatawan ni Kuya Ulysses , halata ang mga muscles niya sa katawan . Habang si Carlo ay payat lamang . Si Allen ay chubby at katamtaman naman ang katawan ni Jayvee .

"Hoy mga Kuya kong panget ! Nandito ang kapatid niyo wala diyan !" sabay kaming napatawa ni Daddy sa sigaw ni Carly.

Sabay sabay lumingon ang magkakapatid kay Carly at sa isang iglap ay nagtakbuhan ang mga ito papunta kay Carly . Dinambahan nila ang kapatid nila ng sabay sabay at pinaghahalikan . Hindi sila tumigil kahit na nagtumbahan na sila sa lupa .

"Eeww ! Lumayo kayo sa akin ! Ang babaho ng hininga niyo !"todo reklamo si Carly pero kahit isa sa mga Kuya niya ay walang nakikinig . Tawa lang ng tawa ang kanilang Ina.

"Kaya ayokong maging sunod sunod ang taon ng pangangak ko eh" natatawang sabi ni Mommy . Alam ko ang ibig sabihin niya .

Sunod sunod kasi ang taon ng pagkapanganak sa magkakapatid na Revelente .

Nineteen palang si Carlo at Carly kaya sigurado akong twenty palang si Jayvee. Twenty one si Allen at twenty two si Kuya Ulysses .

Hinayaan nalang namin sa pagkukulitan ang magkakapatid na Revelente . Ganyan naman talaga ang pamilya nila —Makukulit at maingay .

Tinulungan kami ng isa sa mga kasambahay namin na magbuhat ng mga gamit ko . Habang patuloy lang sa pagke-kwento sa akin si Daddy at Mommy tungkol sa pagbabago sa lugar na ito .

Halata nga ang pagbabago . Kaunti nalang ang mga puno at halos bahay na ang mga nakikita ko .

Kung dati ay bahay lang namin at ng mga Revelente ang gawa sa bato . Ngayon ay halos lahat na . Napansin ko din na mas lumaki pa ang bahay namin .

Hindi naman kami mayaman , may kaya lang . Matagal na rin kasing Mayor si Daddy sa bayang ito . Sa bawat eleksyon ay siya lagi ang panalo dahil halos lahat ng tao dito ay talaga namang minahal siya .

Kung kayamanan naman ang pag-uusapan . Revelente ang nangunguna sa bayang ito . Ang pamilya ni Carly ang pinaka mayaman dito , patunay diyan ang bahay nila na kayang ipasok ang bahay namin .

Actually , mansion na dapat ang tawag doon at hindi bahay . Masyado 'yong malaki .

"Nagpakilala na ng lalaki dito ang kapatid mo . Ikaw , kailan mo ipapakilala ang nobyo mo?" kamuntikan pa akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa tanong ni Mommy . Bigla ko nanaman tuloy naalala si Dylan.

Namimiss ko na siya .

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Daddy . Hindi na kasi ako sigurado kung magkakaroon pa ng pagkaataon para maipakilala si Dylan sa kanila .

"Mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan ang manliligaw ni Aira . Ngayon palang ay pumapayag na ako sa relasyon nila" humahangang sabi ni Daddy .

Kailan pa naging mabait ang Garpidio Deux Coronel na 'yon? Ngisi palang non hindi na mapagkakatiwalaan.

"Hindi ko tuloy maisip kung anong klaseng lalaki ang ipapakilala mo sa amin anak . Naunahan ka pa ng kapatid mo" dagdag pa ni Daddy .

"Kung pabaitan lang naman labanan Daddy , walang sinabi ang Garpidio na 'yon . Sigurado po akong magugustuhan niyo rin siya" sabi ko . Agad napangiti si Mommy at Daddy .

"Alam namin anak . Naikwento nga sa amin ng kapatid mo . Kaklase daw niya noong highschool" natigilan ako sa sinabi ni Daddy.

"Dad" halos bulong nalang ang nasabi ko .

"Ayos lang naman sa amin na magmahal ka ng mas bata sayo anak. Pero sana mag-iingat ka. Huwag mong ibigay ang lahat , tama na ang sapat . Huwag ng sobra dahil kung mas bata siya sa iyo ay hindi malabong maghanap din siya ng kasing edad niya o mas bata sa iyo. " mahabang sabi ni Mommy. Hindi ako nakapag salita .

"Kahit ikaw anak , hindi malabong maghanap ka ng lalaking kasing edad mo . Dahil minsan , iba talaga ang epekto ng taong ka-edad mo kaysa sa mas bata sayo."

Keep my mouth busy ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant