Pseudo Love (Chapter 1) "First Encounter"

108 1 0
                                    

Pseudo Love

(Chapter 1)

Macey's POV

"Gawin mo lahat ng gusto mo sakin, gamitin mo lang ako. Sayo na ko, basta ipangako mo lang na.. Akin ka lang."

Ohmygosh! Ohmygosh! Ang sweet talaga ni Dae Woong MyLoves ko! :"> Ikaw na MiHo! Huhuhu.. Sana naging GuMiho na lang din ako tapos makakahanap ako ng tulad ni Dae woong tapos aalagaan nya ko tapos---

Bzz. Bzz.

Ay? Epal na cellphone to. Ang layo na ng nararating ng imagination ko eh! Andun na eh. Eksaheradaaaah! >.<

From: Bruha

-"U! Brussy beybeh, Ung debut ni Margaret ah? Don't 4get. Kasali ka daw sa cotillion. May praktis later ng 5pm. Tigilan mo muna kaka-watch mo ng kdramas! XD"

Huh?? Syete. Nakalimutan ko! Oo nga pala. 

O.O practice nga pala ng debut nung isa kong kabarkada ngayon! Kasi naman tong mga kdramas na to eh! Epal sa social life ko! Juks lang. XD Mahal ko yang mga yan! :">

4pm? O.O

1 hour byahe ko papunta sa kanila. Keribels yan! Speedy mode on! :D

-After 30 minutes-

Yeah. 30 minutes nakapag-ready na ko. Simple lang suot ko, jeans at blouse lang. Practice lang naman e. :)) 

To: Bruha

-"Brussy, i'm ready na. San knb? Kasali ka dn ba dun? Sabay na tau pmunta. :))"

Teka, kung nagtataka kayo kung sino tong katxt ko. Bestfriend ko yan, si April. Bakit Brussy? Simple lang. Bru for Bruha at ssy sa BeSSY.. Sweet namin nho? Lol. 10 years na friendship namin nyan. Elementary pa lang sya na lagi kong kasama.. :))

Bzz. Bzz.

Ay! Ayan na nagreply na sya.

From: 091752*****

-"You win 1 MILLION pesos by the chuvacheness chu chu bla blah."

Wow! Great. =_=

Punta na nga lang ako dun! Alam  ko naman kung saan eh. ;) 

Umalis na ko sa bahay at pumunta sa bahay nila margaret, malaki bahay nila kaya dun na gaganapin yung party nya.

Dingdong. Dingdong. (Doorbell yan. :D)

"Hello ya, si margaret po?" si manang charlene yan. Long time yaya ni margaret. :)

"Ay iha nasa garden silang lahat. Naku, buti nakaabot ka iha. Magsisimula pa lang sila sa pagsasayaw.."

"Ganun po ba? Sige po, punta na po ako."

"Sige iha." Nginitian ko na lang sya at pumunta na ko sa garden nila.

Pagpunta ko dun, mga naka-pwesto na sila. Hala, saan ako? ㅠ_ㅠ

"Uy! Macey, dun ka oh." tawag ni Joanne, kabarkada ko din yan. Close din kami nyan. Kaso moody masyado yan! Hahaha. Ay teka. Saan na nga ba ako? Dun nya ko tinuro sa kabilang dulo eh.. 

Teka, wala akong partner? Anu ba yan. =_= Nakita ko si April papalapit na samin.. Isa kasi sya sa organizer nitong party ni Margie..

"Hoy babae. Asan partner ko? Don't tell me solo flight ako? Di keri ng powers ko yan te!"

"Makapag-react? Kapag wala kang nakitang katabi ibig sabihin wala na agad partner? Diba pwedeng na-late lang muna partner mo?"

Hay nako. Buang talaga. May toyo.. :|

Pseudo LoveWhere stories live. Discover now