Kuwelyo ni Jeth ang napagdiskitahan niyang hila-hilahin dahil sa asar na nararamdaman. "S-sorry.." bawi niya nang marealized na sa ibang tao niya binubuntong ang lahat. " Dapat kasi siya ang nandito eh, dapat siya ang sinasakal ko! Gusto kong ipalunok sa kanya lahat ng baso dito! Gusto kong ihampas sa katawan niya lahat ng lamesa dito, at gusto kong ibitin siya kapalit ng disco ball na yun!"

"Vee...alam ba ni Christian na mahal mo siya? Na nahihirapan ka ng ganito dahil mahal mo siya?"

Napahalakhak siya sa tanong na yun ni Jeth. "Syempre hindi! At hindi na niya malalaman yun kahit kelan, alam ko na kung anong pagkatao meron siya, mas lalong lalaki ang ego ng gagong yun pag sinabi ko pa! Napakahangin, ang lakas ng bilib sa sarili!"

Umiling-iling lang si Jeth sa sagot niya.

"San nakatira yun? Alam mo? Syempre alam mo, executive director ka niya eh! Sabihin mo kung saan, gugulpihin ko ang paasang yun!" Tumayo siya at tinangkang hilahin si Jeth.

"Vee, sit down, ok?" siya ang nahila nito paupo. "HIndi ka makakapasok sa bahay ni Christian sa ganyang kalagayan, sa gate palang dadamputin ka ng mga guards na nakabantay dun, naintindihan mo ba?"

"wala akong pakialam kung sandamakmak ang guards niya, isasama ko sila sa amo nilang walanghiya!"

"Vee, hindi pwede yang sinasabi mo, lasing ka lang, ang dapat mong gawin ngayon ay ang umuwi at magpahinga.

"Jethro, ang sabi ko sayo, hindi ako lasing! Kung ayaw mo akong dalhin sa bahay niya, papuntahin mo siya dito! Nanggigigil niyang giit.

"Ano?"

"Tawagan mo si Christian Demetri, ngayon din!" Pasigaw niyang utos. Umiling-iling na muli si Jeth. "Tawagan mo, ang sabihin mo puntahan niya ako dito para mahampas ko siya ng silya sa mukha, sabihin mo yun!"

Nang hindi kumibo si Jeth, hinagilap niya sa damit nito ang cellphone. Pilit itong lumalayo pero mapilit siya. "Vee, stop it, OK??"

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo siya tinatawagan, at hindi ako uuwi hanggat hindi ko nababasag ang mukha ng Christian Demetri na yun dito mismo!"

Bumuntong-hininga si Jeth. Sumuko sa kanya. KInuha nito mula sa bulsa ang cellphone, dinayal nito ang number ng Boss saka nag-antay ng sagot. HIndi siya nakatiis inagaw niya mula dito ang cellphone.

"Paimportante, ayaw pang sumagot!" nanggigigil niyang turan. Dinayal niyang muli ang numero.

"Demetri."

Bungad nito sa malamig na tinig. Pakiramdam niya gininaw siya sa boses na yun.

"Hoy Demetri, gusto kitang makita ngayon din, puntahan mo ko, sasapatusin ko yang mukha mo!"

"Suarez? What the....wait, are you drunk?"

" Ang yabang mo! Napakayabang mo! Anong akala mo sa sarili mo ha, Diyos?"

"You're drunk! And what are you talking about? Nasan ka? Kasama mo si Jethro? Bigay mo sa kanya ang phone!"

"Gago ka! Gusto kitang makausap ba't ibang tao ang hinahanap mo? Ganun na ba ako kawalang-kwenta para sayo?"

"Sabrina give that fucking phone to Jethro, I wanna talk to him!"

"I hate you! Paasa ka...ang sabi mo mahal mo ko... ang akala ko may pakialam ka sakin...paniwalang-paniwala pa naman ako sayo!" Naiiyak niyang turan. "Pumunta ka dito lintik ka, babangasan kita!"

"Fine. Where are you?"

Natigilan siya. "Pupuntahan mo ako?"

"Anak ng tokwa, nasan ka nga??!" biglang sigaw nito.

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now