"Sige dito kayo!" Kumuha ako ng upuan para sa kanilang dalawa. Magkakatabi lang kasi ang higaan nila kaya siguro naging magkakaibigan na sila.


Ang kambal, sina rayven at carvin ay naka indian seat magkakatabi silang apat sina Carlo at Maxine nasa gilid ko habang ako nakaupo sa katabing kama habang nakahiga dun si Angel 14 years naman sya.


"Anton halika dito" aya ko kasi sya na lang ang kulang. Pero as usual hindi nya ako pinansin


"Ate Zarah! Dali mag kuwento ka na"  tumikhim ako at nag umpisa na


"Sa lugar ng Alaya ang mag asawang sina Haring Rufo at Reyna Astrid ay may nag iisang anak si Prinsesa Alisa. Bata pa lang likas ng prinoprotekhan ng kamahalan ang prinsesa kasi mahina ang katawan nito at may sakit"


"May sakit din sya parang kami" sabi ni Heaven. Tumango ako at nagpatuloy


"Isang araw habang naglalakad sa hardin ang prinsesa may nakita syang lalaki na ka edad nya"

"At dahil laging tinatago si prinsesa alisa hindi pa sya nakakakita ng ibang tao maliban sa magulang, doctor at yaya nya"

"Sino ka" tanong ng prinsesa

"Ako si Artur! Anak ng Hardinero! Eh ikaw sino ka"

At dahil ayaw ng prinsesa na iwasan sya! Nag sinungaling sya

"Ako si Ali! Anak ng katulong" tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa

"Bakit naun lang kita nakita! At bakit ganyan ang suot mo masyadong magara"

"Ah kakarating ko lang dito. Naun pa lang ako kinuha ni ina. Saka itong damit napag lumaan na daw toh ng prinsesa" pag kasabi nya ng prinsesa lumaki ang mata ni artur

"Nakita mo na ang prinsesa"

"Hi.....hindi pa"

"Alam mo balang araw makikita ko din ang prinsesa"

"Bakit gusto mo syang makita?"

"Pakiramdam ko malungkot sya! Kaya papasayahin ko sya. At balang araw papakasalan ko ang prinsesa" namula sya sa narinig mula kay artur

"Ha! Hindi mo pa nga sya nakikita papakasalan mo na"

"Nararamdaman ko para kami sa isat isa" bahagyang natawa si alisa. Lihim syang napangiti kasi meron naman palang taong nagmamahal sa kanya kahit di pa sya nakikita

"Alam mo Ali ang ganda mo! Siguro kasing ganda mo ang prinsesa" agad syang napayuko dahil nahihiya sya.

"Wag kang yumuko! Gusto mo mamasyal kasama ako"

"Talaga sa labas ng palasyo"

"Oo dun tayo sa labas sobrang ganda ng Alaya"

"Talaga! Pero mabilis lang ah"

"Ah! Ali! Pwede ba magpanggap kang ikaw ang prinsesa. Pwede bang maging prinsesa kita sa araw na toh" lihim syang napangiti at parang may kumirot sa puso nya pero hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya.

"Oo naman! Ikaw naman ang aking prinsipe"

Nagpatuloy ako sa pag kukuwento. Sobrang nag eenjoy ako sa nakikita kong reaksyon galing sa mga batang pasyente ko.

Napansin kong nakiupo na din si Anton at nakikinig sa kwento ko.

"At naging matalik na magkaibigan si Artur at prinsesa alisa" natigil ang pag kukuwento ko ng marinig namin ang palakpak ni Mam A


"Kids tama na yan! Inom muna ng gamot! Hala sige dali na"


"Mam A naman eh" sabay sabay na sabi nila


"Ate Zarah! Itutuloy nyo po ah" naka pout na sabi ni Heaven


"Oo naman! Basta iinom ng gamot"


Matapos kong mag kwento isa isa kong binigay ang gamot nila. Hanggang sa mapunta ako sa kama ni Anton

"Anton oh!"agad nya ininom ang mga tableta


Bago ako umalis may binanggit sya na nagpangiti sakin



"You did great! Princess ahhh" 


Matapos nun nag lunch break na din ako. Doon ko na lang napansin na hindi ko naisip si Calix masyado siguro akong natuwa sa pagduduty.


Nilabas ko ang phone itetext ko sana sya kaso nag message na sya na hindi ako masasamahan mag lunch kasi busy daw. Buti na lang nasalubong ko sila Nice. Matagal din kaming hindi nagkita kita kasi busy sa duty.


"Zarah dito" agad akong lumapit sa kanila


"Kumusta pedia ward zah"


"Ok naman! Ikaw Nice kumusta OR" ng mabanggit ko ang OR agad nag iba ang ekspresyon ng mukha nya may something eh nakakatakot


"Sobrang saya! Lalo na pag inoopen ung katawan ng tao tapos umaapaw ung dugo! Grabe ang ganda! Parang ang sarap sarap kainin tass.. "


"Nice tama na! Nakakadiri" matapos kong sabihin un agad lumambot ang mukha ni nice at tinuloy ang pagkain ng dinuguan


Minsan  weird talaga yang si Nice. May something sa kanya kung bakit tuwang tuwa sa mga dugo eh.


Habang kumakain! Napaisip ako na sobrang na miss ko ang ganito. Ung mag aalaga ng pasyente tas kulitan kasama mga kaibigan. Tapos pag uwi makikita ko si Calix at magtatalik kami. Hahahaha ang landi ko lang. Parang gusto ko pang mabuhay ng matagal. Parang ayaw ko pang mamatay.


After ng lunch break! Nakita ko na lang ang sarili ko na nag lalakad papunta sa room ni doc tomas isa sa mga magagaling na doctor pag dating sa mga may cancer.



Authors note: baka gawan ko ng kwento si Nice! Haha

Story of a Virgin (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon