Chapter 20: Childhood friend

2.3K 40 9
                                    


JHOANA'S POV 

"Jhooooo! Sino ba kasi yun? Curious na curious na ako rito oh!" hala, ngumangawa nanaman si Marci hahahaha. 



"Eh, basta kasi! Makikilala mo rin yun sa tamang panahon!" tumatawa kong sagot. 


"Ganyan na lag ba lagi? Maghihintay na lang ba ako lagi sa wala?" Hugot sya o! 


"Tse, magtigil ka marci, tara, dinner na daw." sabi ko naman sabay hatak sakanya sa dinning room. 


Habang kumakain kami, biglang nag-open up ng topic si Mama. "Jho, Marci, sumama kayo sa swimming bukas ha?" Outing? Saan naman kaya? 


"Sige po." Yan na lang naisagot namin ni Marci. 


"Teka, Jho, ano bang alam mong langoy?" tanong ni mama pagkatapos nya mag-sip sa orange juice nya. 


"Ang lumangoy po palayo sa kanya. Nagmumukha na po kasi akong tanga e." sabi ko naman. Nako, saan ko ba nakuha yan? 


"Drama!" sabat naman ni Jaja. Di ko nalang sya pinansin, wala pa akong panahon makipaglokohan sa kanya. Ang sakit talaga kasi eh, sobra. 


"Ano ba yan ha, Jhoana? At saka nasaan si Bea?" Tanong ni mama. Nagtinginan kami ni Marci. Wooooh, Marci! I-gets mo tingin ko ngayon please! 


"Um, tita, saan po ba tayo magswi-swimming bukas?" tanong ni Marci kay mama kahit puno pa ng pagkain bibig nya. Wooh, buti na lang gets nya. Kung hindi, lagot na. Di ko alam isasagot ko kila mama. 


"Bahala na haha. Tsaka ano ka ba naman, Marci! Wag kang nagsasalita nang puno yung bibig mo!" suway naman ni mama sa kanya. Yan kase! Belat. Joke, iniligtas ako nyan sa hotseat e.


"Onga, kuya. Tularan mo si ate Jho." Aba, bumabait tong si Jaja sakin a, may kailangan siguro. 


"Oo nga naman, Marci. Ako nga, punong-puno na pero hindi na lang ako nagsasalita." sabi ko nanaman. Napatingin na talaga nang bongga sakin si Mama, si Jaja tsaka si Marci. Hala, masama ba kasing humugot? E masakit nga e. 


"Mga tingin nyo naman." Sabi ko tapos kumain na lang kami. 


HAAAAYYYY INAANTOK NA AKOOOO! Kamusta na kaya si Bea? 


Sana bumalik na sya sakin-----Napahinto ako mag-emote nang may nagbukas ng pinto. Akala ko si Marci....


Si Bea! Joke lang, syempre. Parang may pake naman sakin yun. 


"Jhoana... Bakit naman pinatayan mo ako ng call kanina?" Ang lamig ng boses nya. Ay shet. Hayup talaga to. 


Unexpected (JhoBea Fanfic) [MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now