Chapter 11: The Plan

3.3K 51 2
                                    

JHOANA'S POV


"BEAAAAAA!"


sHET, sino yun?


"Uy, Mads! Di mo naman kami sinabihang ngayon uwi mo edi sana prepared kami!" Sabi ni Bea na nakangiti.


Ah, si Maddie LANG pala. Hindi naman masakit. Hayaan mo na, Jho.


"Napaaga kasi eh! Ano ganap dito? Balita ko kayo daw roommates ko e! Hihiiii!" Weh? Seryoso to? Totoo ba? Oo, Jho, totoo. Kaya mo yan, Jho.


"Weh? For real? Hala? Yeees! Ang swerte talaga!" Ang saya ni Bea. Ang saya-saya nya. Nakakainggit.


"Yes nga! Haha! O, Jhoooo! Andyan ka pala!" Ay hindi halata, Maddie?


"Ay hindi ba halata? Masyado ba akong maliit at hindi mo ko nakita?" Naiinis kong sagot sa kanya. Para kasing ewan! Nakakainis!


"Ha? Hindi ganun yun. E kasi---" Pinutol ko sinasabi nya.


"Wow ha! Hindi porke 5'11 ka, Maddie, pwede mo na kong ganyanin ha? Tao rin ako! Palibhasa masyadong judgemental!" Sigaw ko. Naiinis na talaga ako e.


"Jho!" Saway sakin ni Bea.


"O, ano? Kakampihan mo sya, Bea? Sige okay lang naman! Okay na okay lang kahit sya yung mali!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis talaga! Sobra! Sabi nya kanina ime-meet nya si EJ, so, nainis ako medyo. Tas ngayon naman? Si Maddie yung ipinagtanggol nya imbes na ako!


"Hindi, Jho! Ikaw ang mali! Sinabi sayo ng maayos ni Mads na di ka nya namalayan dito. Tapos ganun yung isinagot mo!" Sigaw nya sakin pabalik.


"Yoon? Maayos ba yun, ha, Bea?!" Sa tingin nyo, maayos ba yung sabi ni Maddie? Ha?!


"Maayos yung pagakasabi nya, Jho. Minasama mo lang!" Okay sige, sigawan mo pa 'ko. Sabagay sanay naman nakong nasasaktan e.


"Sige, sigawan mo pa ko. Tutal sanay naman na akong laging ako yung mali. Nakakalungkot lang kasi sya pa yung ipinagtanggol mo, hindi ako." Pagkasabi ko nyan, umalis nako. Nagpunta nako dun deretso sa BEG. Naiinis na talaga ako.


ALY'S POV

Ay totoo ba? May POV rin ako? Hays hahaha. Oo, tama po kayo. Ako si Alyssa Valdez.


"Sige, sigawan mo pa ko. Tutal sanay naman na akong laging ako yung mali. Nakakalungkot lang kasi sya pa yung ipinagtanggol mo, hindi ako." sabi ni Jho bago lumabas ng dorm. Hala?


Anyare sa dalawa? Magmula kasi nung dumating kanina ditto si Maddie, nagkagulo na. Hmm, meron talaga 'kong ayusin ditto.


"Ate Ly, una na po ko. May 7 am class po ako e." Aish. Oo nga pala, e diba Histo yun?

Unexpected (JhoBea Fanfic) [MAJOR EDITING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang