Chinat ako ni mama. Nasa ibang bansa kasi siya kaya sa chat lang kami nag-uusap o di kaya sa skype. Sinabi sakin ni mama na sa probinsya nalang daw ako mag-aral, kami ni kuya. Mas mura daw kasi ang bilihin at pamasahe doon. Di kami mahihirapan. Sumang-ayon naman ako. Inayos ko lahat. Nagpasa ako ng application form thru online. Buti na nga lang walang entrance exam doon eh kaya nadalian lang ang proseso ng application ko.
May 2015. Araw na ng flight namin. Nakapagpaalam na ko kela Migs pero kay Yuri hindi. Alam ni Yuri na sa probinsya na ko mag-aaral pero hindi niya alam kung kelan alis ko. Di ko nasabi sa kanya. Sobrang busy kasi sa pag-aayos eh tapos di ko naman alam na di pala sinabi nila Migs kay Yuri.
Masaya na may halong lungkot. Masaya kasi kilalang school ang papasukan ko, malungkot kasi kailangan kong iwan ang bestfriend ko. Di ko rin nasabi sa kanya na ngayon ang flight ko. Alam kong balang-araw isusumbat niya sakin ang pag-iwan ko sa kanya. Siya kasi yung klase ng taong ayaw maiwan. Ayaw niyang iniiwan siya ng mga taong mahalaga sa kanya at mahal niya.
(Fast forward) Ilang araw narin ang lumipas simula nung dumating kami dito. Pasukan na. Panibagong pakikisama na naman. Sana kayanin ko. Ibang lengwahe ang gamit nila dito pero ang sabi naman ni mama nag-eenglish sila dito.
Unang araw ng pasukan medyo kabado kasi di ko naman kilala mga tao dito eh, nasanay ako sa manila. Nasa labas na ko ng room, naghihintay na lumabas yung mga unang nagklase doon. May nakilala akong babae, Nicole ang pangalan niya. Taga-Zamboanga daw siya. Di ako nahirapang kausapin siya kasi marunong siya magtagalog. Naging magkaibigan kami at naging close ko siya.
(Fast forward) Akala ko madali. Akala ko hindi ako mahihirapan dito pero mali pala ako. Mahirap, sobra. Sa komunikasyon palang, ang hirap na. Sa pakikisama ko pa sa kanila. Lagi akong mag-isa. Walang kasama, walang ka-close, walang kausap. Yung wala kang masabihan ng mga nasa loob mo, ng mga nararamdaman mo. Meron pala, si Jen. Si Jen ang lagi kong kausap. Kachat. Kahit na magkaiba o magkasalungat ang schedule namin.
July 30, 2015. Concert ng Bigbang sa Manila. Nagluluksa ako kasi ang layo ko sa kanila. Fanboy din ako ng Bigbang, Taeyang and GD biased. Akala ko wala ng sasakit pa sa hindi mo makita ang mga bias mo, meron pa pala. Itong araw din na 'to, nagbreak kami. Gabi na umuwi si Jen nun sa kanila, tinatanong ko kung bakit. Kasama niya daw mga kaibigan niya. Nag-away kami hanggang sa nasabi ko yung salitang never ko pang nasabi sa kahit na kaninong karelasyon ko. "Magbreak nalang tayo." Yan ang mga salitang nasabi ko sa sobrang inis ko. Akala ko hindi siya sasang-ayon pero mali na naman ako. Sumang-ayon siya sa sinabi ko. Umiyak ako. Sobrang iyak. Kung ano ano ang ginawa ko, I even tried to kill myself. Too much pain. Siya nalang ang meron ako pero nawala pa.
Siguro pagod na siya. Siguro sawa na siya. Onti lang naman talaga ang tumatagal sa LDR diba? Onting tao lang ang may kayang tumagal sa ganun at hindi kami kabilang doon. Masakit kasi siya nalang ang meron ako. Siya nalang ang kausap ko, ang nalalabasan ko ng mga nararamdaman ko. Ngayon, wala na siya. It's too late. Hindi na maibabalik ang lahat. Siguro tama ngang nasa huli ang pagsisisi.
Isipin muna natin ang lahat. Wag tayong magpadalos dalos dahil baka sa sobrang inis natin at ng dahil sa padalos dalos natin ay mawala ang taong mahal natin. Ang taong importante sa atin. Kaya bago tayo magdesisyon, isipin muna nating mabuti.
