MTG 1

256 10 0
                                    

Cherry Hermosa

"Ready?" Nginitian ko siya. Hinawakan niya yung kamay ko at pinaandar yung manibela.

Pupunta kami ngayon sa DMU. Babalik si Cyril doon para mag-turo about sa Journalism. Nag-volunteer siya.. Nung una nagalit ako, may sarili na siyang inaasikaso ngayon kaya di na niya kailangan pang mag-asikaso ng iba. It's really hard to double your time between studies and business.

Although di ko naman alam ang about sa business na yan. Sa tuwing tatanungin ko siya sasabihin niya lang na siya na bahala about dun. I trust Cyril, I trust this relationship na meron kami kaya ngayon pumayag na akong pumunta at sumama sakanya.

Matagal tagal din ang biyahe dahil malayo na kami sa Campus. We are not leaving at the same house or at the same streets. Malayo din ng 1 oras at kalahating biyahe ang bahay ko sakanya. Pero everytime na may ganitong sitwasyon or may biglaang date na hindi naman planado pinupuntahan niya ako.

"Babe? Malapit na tayo."

"Yeah" mahina kong sambit.

"Sh*t." Sambit niya ng bigla kaming napahinto.

"Mukhang matatagalan pa pala tayo, hindi dahil sa malayo pa kundi sa traffic na to. Hays" sambit niya. Di ako sumagot bagkus napalingon ako sa Ospital.

Tinitigan kong mabuti yung Ospital na yun at alam kong yun yung Ospital na witness sa una naming pagkikita at pagkakilala namin ni Cyril, saksi sa planado naminh pag-ibig.

Sinandal ko yung ulo ko sa bintana at inalala ko yung araw na yun...

Yun yung araw na muntikan na akong mamatay dahil napakabilis ni Cyril magpatakbo ng kotse niya at muntikan na akong mabangga.

Nabangga nga ako pero lite lang naman. Nabigla lang siguro ako kaya natumba ako at nabigla yung binti ko kaya siguro na-sprain. Nagpupumilit pa nga si Cyril na dalhin ako sa Ospital syempre pumalag ako kahit na alam kong Sikat siya at Heartthrob siya sa Campus. Like duh? Si Cyril Pangilinan isang Star Player sa DMU Basketball Team at isang Top Journalist at isa pa... Top 5 pa nung graduation.

Alam ko kasinh Player siya at madami na siyang pinaglaruan. Tsaka, like the hell papatulan niya yung Bitchesa Queen na si Samantha Yap? Pfft. So ayun, dinala pa din niya ako sa Ospital at chinarge sa Emergency Room, naging okay naman ako nun... Pilit ko siyang pinapaalis na at sinsabing huwag na akong asikasuhin dahil hindi naman niya ako responsibilidad. Like Yeah, I can handle myself. Umalis naman siya pero hiniritan pa ako ng kindat kindat chuchu niya. Pfft kala naman niya effective, Oo, gwapo siya Heartthrob nga diba? Tsaka malakas charisma niya kahit di siya ganun katangkaran. Yun nga lang Playboy daw.

Hindi din ako pinayagan na umalis agad noong araw na yun kasi sa isang mabigat na dahilan. Nagtaka nga ako dahil di naman ganun kalala sitwasyon ko pero kailangan ko pa din mag-stay. Dinalaw din ako saglit ni Bea pero my Mom didn't because of Dad. Wala namang bago kaya di na ako magugulat pa.

She's really under control of Dad. Siguro baka kapag nasa kabaong na ako tsaka sila darating. Baka nga inisip nila na minor lang to kaya di na sila pumunta. But, still it's my life who's under this minor injury. O.A na kung O.A pero the fvck! Di na sila nakakatuwa, di ko na matatanggap na ganito na lanh palagi, pero kailangan kong masanay dahil baka habang buhay ko to madadala.

So ayun, nalaman ko din na binayaran ni Cyril yung Bill dito sa Ospital. Hays, utang na loob ko pa pala sakanya to. Nakatulugan ko na din yun hanggang sa paggising ko...

Flashback

Nagising agad ako kasi umaasa ako na baka ngayon makakalabas na ako sa Ospital na to. Ang hirap mag-self service dito kaya di na ako kumain kagabi siguro ngayon na lang paglabas ko.

Aktong tatayo na ako kaso biglang bumukas yung pinto.

"Goodmorning."

"Ikaw?! Sabi ko sa'yo iwan mo na ako diba!? Ano pang ginagawa mo dito!?"

Ngumiti lang siya na alam kong sarkastiko naman. Nilapag niya yung binili niyang pagkain sa mini table dun sa harap ko. Umupo siya sa paanan ko. In-examine niya yung sprain ko.

"Okay ka na ba?"

"Oo. Kaya sige na aalis na din naman na ako." Mabilisa kong sagot. Aktong tatayo na ako this time pero pinigilan niya uli ako.

"Uy. Ano ba!?" Sambit ko.

"Cherry. I need to do this."

Tignan mo to. May topak din pala. Hays, mabatukan nga ng magising sa katotohanan.

Well, as I was saying binatukan ko nga siya.

"Aray. Para saan yon?"

"Diyan sa kahibangan mo! Tigilan mo nga ako diyan sa kaka-do this, do this mo!" Inirapan ko siya nakakatayo naman na ako e, kaya tumayo na ako.

"Cherry di mo naiintindihan e. Kailangan kita. Although, Kakakilala pa lang natin. Pero The first time I saw you, alam kong ikaw na talaga ang kailangan ko e." Napakunot noo naman ako. Ano bang sinasabi niya na-Love at first sight siya saakin? Lul. Sapakin ko na to.

"Ano bang pinagsasabi mo Cyril? Anong kailangan?" Sambit ko. Patuloy pa din ako sa pagligpit ng gamit ko.

"Cherry will you by girlfriend?" Natigilan ako.

Laro ba to? Nabingi ata ako. Nakatalikod ako ngayon sakanya. Pinikit ko ng ilang beses at iniisip ko na lang na nagiilusyon lang ako, na wala naman talaga siyang sinabi.

Di ko naramadaman na lumapit na pala siya saakin at niyakap ako sa likod, nagulat ako kaya nasampal ko siya. Okay... Easy there, Cherry.

"Okay... Woah." Sambit niya sabay himas sa mukha niya.

"Sorry! Sorry! Jusko!" Sambit ko at hinimas din yung mukha niya. "Ikaw naman kasi e! Biglaan ne hindi mo pa nga ako kilala. Pfft Playboy" binulong ko na lang yung sinabi kong 'Playboy'. Sobra na kasi ako sa pananakit, remember may utang na loob ako sakanya.

Speaking of utang na loob, napa-Face palm na lang ako. Napahawak ako sa noo ko. Napaisip ganon... Naisip ko paano na lang kung di ako pumayag sa gusto niya.. Parang sayang din yung effort na ginawa niya para saakin. Hays

"Cherry.. Okay lang. Okay lang kung ayaw mo. Nagbabakasakali lang naman ako...tsaka It's for Temporary lang naman. May gusto lang akong patunayan." Napabuntong hininga siya.

Napalunok na lang ako. Bahala na sa magiging takbo.

"Sge."

"Sorr---"

"Sge, pumapayag na ako. Bayad na din sa Utang na loob ko sayo." Then umirap ako para di naman halata na ginawa ko yun kasi nakokonsensya ako.

"Thanks, Babe." Niyakap niya ako.

"Pagsisihan ni Sam to." Bulong niya pero rinig ko.

I hugged back and ignored what he just said. I won't take this on purpose. Gusto ko lang makatulong.

My Temporary Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now